kabanata 1 Simbolo

23 8 0
                                    

Rolly Point of View

MASAYA ang mag-anak na nagtatanim ng ibat’-ibang uri ng halaman sa lupang sakahan ng mag-anak na Cruz. Maraming halaman ang naroroon tulad ng; pechay, kalabasa, sitaw, talong, at upo. Araw ng linggo kaya pagkakataon ng pamilya ni rolly ang makatulong sa pag-aani ng mga gulay. Matapos nilang makaani ay nagpasya na si rolly at ang pamilya nito na umuwi.

PANGANAY na anak niya ay si jennifer, pangalawa si janna at si jenny ang bunso. Kilala silang lahat bilang  masipag na mag-anak sa San Pablo Laguna. Kapiling ang  pamilya ni rolly ay kahit papaano ay naging masaya, kontento at tahimik ang kanilang pagsasama. Lilibeth ang ngalan ng kan’yang misis. Matanda siya sa asawa niya ng walong. Isang mabuting may-bahay niya na hindi siya tinalikuran nito na kahit magsasaka lang ang  kinabubuhay niya para sa pamilya ay tinanggap siya ng buong puso.

MAGLALAKO sila rolly kasama ang asawa n’ya dahil sa magtitinda sila ng mga gulay sa baryo. Araw ng lunes. Bagong ani ang dala-dala ni rolly na mga gulay.

“Mahal tara na at ilako natin ang mga gulay?” sabi niya kay lilibeth. Pumunta si rolly sa kusina upang kuhanin  ang mga gulay. Mga petchay, sitaw, kalabasa at mustasa. Nakalagay iyon sa isang planggana itim at doon iyon nakaimbak.

“Sige Mahal. Maganda na mapaubos natin ngayon ang mga ito para sa pambili natin ng bigas at baon rin ng ating mga anak.” Masiglang sabi ni lilibeth na ibinugad kay rolly. Ngumiti si lilibeth sa mga anak niya kaya naman ngumiti rin ito sa kan’ya.

“Oo nga Mahal. Tara na?” Binuhat ang planganang itim.

“Mga anak kayo na ang bahala d’yan. Bago magtanghali ay naririto na kami ng Tatay nyo.” Huling paalala ng ina sa mga anak. Kinuha nito ang bag nitong maliit  para iyon ang magiging lalagyan ng perang pinagbentahan nlang mag-asawa.

“Opo Nay. Tatay ingat kayong dalawa?” aniya ng panganay.

“Oo naman Anak,” tugon ni rolly.

Nakalagay sa planggana at timba ang mga gulay na dadalhin nila. May dalawang timba at isang plangganang punong-puno ng mga gulay ang naroroon. Nagpaalam na silang mag-asawa sa kanilang mga anak.  Nagsimula nang humakbang ang mga paa nila paalis ng  kanilang bahay.

Nasa 47 taon gulang ngayon si rolly at si lilibeth naman ay nasa 39 gulang. Nagsama sila ni lilibeth sa edad niyang 24 at ang asawa niya ay nasa 16. Maaga niya napangasawa si lilibeth pero nakaya nilang dalawa na mamuhay sa paglipas ng mahabang panahon.

HABANG naglalako sila ng kan’yang asawa sa baryo. Bago sila makarating ay halos tagaktak na ang kanilang mga pawis sa mukha. Maraming tao ang nakatira roon, medyo may limang dipa lang ang pagitan ang layo ng mga bahay. Habang papalapit silang mag-asawa ay natanawan nila ang mga tao na halatang naghihintay sa kanilang pagdating. May panauhin na lumapit sa kanila.

“Pabili ako?” Sigaw nang malakas ni aling marta habang tumatakbo upang habulin silang dalawa ng asawa niya.

“Mahal bibili si ate Marta?” Kinalabit ni lilibeth si rolly upang tumigil siya sa pagtulak ng kariton. Tumigil si rolly. Pinagbentahan nito ang matandang ale. Pagkatapos nilang mabentahan ay may komento ito patungkol sa kanilang dalawa.

“Ang sipag n’yong mag-asawa wala akong masabi. Buti  Lilibeth ay nakatagpo ka ng lalaking katulad ni Rolly.” Pagpuring saad ng ale kay rolly.  Ngumiti iyon sa kanila.

“Opo naman. Napakaswerte ko sa ‘kin asawa!” Sang-ayon ni lilibeth at tugon nito sa matanda.

“Oo sige na aalis na ‘ko. Sakto sa tanghalian itong ulam namin.” Paalam ng matandang ale.

Bago Matapos Ang ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon