DAIA'S POV
Nandito ako ngayon sa school sa may library. Nagulat kayo no? Bakit ang kagaya ko nandito sa library, syempre para magbalik ng mga gamit na nasira ko =_=
Kala niyo manghihiram ako ng libro? ASA! =_=
So ayun nga, binalik ko yung libro pero may biglang...
―KYAAAAAAAAAAAHHH!!!!!!!!
Sinalo ko yung hagdanan na dapat sa babae mahuhulog.
―sorry ate daia. –sabi nung babae
―sa susunod kasi magiingat ka!!! –ako
―sheena! ano ba yang ginagawa mo ha!?! nako sorry po ha. –sabi saken nung lalakeng kasama niya
Nagtataka ba kayo kung bakit kilala ako nila pero hindi ko sila kilala? Sabi ko naman sa inyo diba, I'm popular in this school. At kung nagtataka kayo kung bakit ko hinarang yung hagdanan na mahuhulog sa kanya na nakasandal sa may shelves ay dahil mahuhulog na rin saken yung hagdanan. Kaya wag niyong iiispin na niligtas ko yung estudyante!!! Hindi ako isang superhero na proprotektahan ang lahat ng estudyante dito!!! At isa pa hindi superhero ang role ko dito, kundi isang BAD GIRL!!! Na ginugulo ang buhay ng kaaway niya na si KIRYUU! =______=
Umalis na ako sa library tapos dumeretso ako sa banyo kaso may humila saken...
―ano ba!!! –sigaw ko
―punta tayo ng clinic!!! –si kiryuu kausap ko ngayon
―bakit tayo pupunta dun?!? –ako
―kasi may bale yang kamay mo diba?!? –kiryuu
Galing ng mata niya, nakita niya yun!!!
―wala ka ng pake dun!!! Tyaka kaya ko pa naman!!! –ako
―hahalikan kita kapag hindi ka sumama!!! –kiryuu
―eh di halikan mo, susuntukin kita!!! –ako
―kaya mo??? –kiryuu
―bakit hindi!?! –ako
―talaga? Kaya mo??? –ako
Hinahamon ata ako ng isang to!!! Susuntukin ko na sana sya kaso hinarang niya ng kamay niya.
―sa pagkaka-alam ko kasi kanan yung lagi mong pinangsusuntok. Tapos may bale yung kanang kamay mo ngayon kaya kaliwa yung pinasusuntok mo kaso mahina yung pwersa kaya wala kang magagawa kundi sumama saken!!! –kiryuu
*PUNCH!*
Sinipa ko sya sa tuhod niya!!! Kala niya hindi ako malakas sumipa, pwes nagkakamali sya!!! Akala ko makaka-alis na ko sa kanya pero hindi pa pala, binuhat niya ko ng parang bigas!!!
―BITAWAN MO KO GAGO KA!!! –ako
―HINDI KITA BIBITAWAN HANGGA'T HINDI NATIN GAGAMUTIN YANG BALE MO!!! –kiryuu
So ayun wala akong nagawa kundi sumama sa baliw na to =_= at nagpunta nga kami sa clinic, syempre sya ang nag-gamot!!!
―sa susunod magiingat ka nga!!! –kiryuu
―nanay? Nanay kita? TSH!!! –ako
―eto naman concern lang. –kiryuu
Biglang tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. =_______=
―kelan ka pa naging concern saken ha??? –ako
―alam mo normal na ang concern sa tao kapag mahal mo sya. –kiryuu
―tsh, kelan mo ba ko titigilan sa kakaganyan mo ha?!? –ako
―hanggang sagutin mo ko!!! –kiryuu
―A.S.A!!! –ako
―Tsh, gagawin ko ang lahat para maniwala ka sa LOVE!!! –kiryuu
―tignan natin!!! –ako
―bakit ka nga ba hindi naniniwala ha??? –kiryuu
―wala ka na dun!!! –ako
―tsh, ako kasi may dahilan, si manel. Sya ang taong unang minahal ko pero niloko niya ko at ngayon gusto niya makipagbalikan. Nakipagbalikan ako once, pero narealize ko na hindi sya dapat ang piliin ko. –kiryuu
―dapat ikaw, kasi mahal kita!!! –patuloy niyang sabi
―gusto mo mapunta sa ibang planeta?!? –ako
―kahit saan, basta kasama ka!!! –kiryuu
―alam mo nakainom ka na eh!!! Tigilan mo na nga ako!!! Babalik na ako sa classroom!!! –ako
KIRYUU'S POV
ISANG MALAKING HINDI KO MAINTINDIHAN ANG LUMALABAS SA BIBIG KO!!! =_=
Ang gulo talaga ng pag-iisip ko ngayon!!! Ano ba dapat kong gawin para maintindihan ko lahat ng mga nangyayare saken!?! Pasaway kasi si author!!! (a/n: inlove ka na! yun lang yun)
Nakita ko si manel sa may canteen.
―manel. –ako
―kiryuu. –manel
―pwede ba maging tayo ulit??? –ako
― kiryuu. –manel
―please give me a chance!!! –ako
―oo, bibigyan kita ng chance!!! –manel
I hugged Manel and she hugged me back!!!
Nagsihiyawan naman yung mga babae at lalake sa may canteen. Bigla naman tumahimik dahil dumating si Daia!!! Nakita kong tumingin sya sa amin with matching taas kilay pero hindi niya kami pinansin. Kumaway naman yung dalawa niyang bestfriend syempre ang ginawa ko, tumabi kay Manel kasama ang mga kaibigan niya. Dumating din si Kei. Nagkwentuhan hanggang matapos ang break kagaya ng dati nung hindi pa pumapasok si Daia sa buhay ko.
[DISMISSAL TIME]
Kagaya ng dating kinagawian, umuwi ako syempre hinatid ko muna si Manel sa bahay nila. Naabutan ko si daia na kasama yung mukhang plato syempre dahil iisa kami ng inuuwian, nakita ako ni mukhang plato.
―pre, sabay ka na samin!!! –mukhang plato
―sige. –ako
―pre, girlfriend mo ba tong kaibigan ko??? Tinatanggi niya kasi ehh!!! –mukhang plato
―manahimik ka dyan ken!!! –daia
So, Ken pala yung name niya.
―hindi ko sya girlfriend. –ako
―i see. –ken
―nice to meet you Ken!!! Ako nga pala si Kiryuu. –ako
―nice to meet you too Kiryuu. Matagal na kayong magkaibigan ni Daia? –ken
―ah?? OO. Eh kayo? –ako
―since birth. Childhood friend ko kasi tong si UNNGOY!!! –ken
―TSE!!! Mas UNGGOY ka!!! –daia
―ang close niyo pala?!? –ako
―OO. Eh bakit parang hindi kayo okay ni UNGGOY ngayon?!? –ken
―LOVE QUARREL kasi eh. –ako
―WHAT?!?!? –daia
―Eh di ba, hindi mo naman siya girlfriend?!? –ken
―JOKE LANG YUN!!! Hindi naman kayo mabirong dalawa!!! –ako
Ano ba kasi tong mga lumalabas sa bibig ko!!!
―ahhhh. OK!!! Pero parang LQ nga kayong dalawa. Hindi kayo nagpapansinan eh. –ken
―TUMIGIL TIGIL ka dyan KEN!!!! –daia
―sige bye na!!!! -ken
So ayun umuwi na kami, kanya kanyang pasok sa apartment.
Agad akong pumunta sa kwarto at nahiga. Iniisip ko yung mga sinabi ko sa kanya.
=_=
Bakit ko nga ba sya iniisip! AISSHH! Ang gulo =_= Makakaen na nga lang =_=