DAIA’S POV
Ngayon ang camping namin sa Baguio. At ngayon nasa bus na kami. Syempre ang katabi ko ay si Nina at Hessa. Si elepante? Nasa pinakalikod kasama ang GIRLFRIEND NIYA.
Hey readers baka akala niyo may care ako sa kanya?!? Pwes wala no!!! Ano namang pake ko kung kasama niya ang girlfriend niya? TSH!!! Ay tigilan niyo na nga ako mga readers.
―tignan mo hessa oh, ang ganda ng view!!! –nina
―oo nga ehh!!! Ui best Daia, ok ka lang??? –hessa
―oo, ok lang ako. –ako
Ewan ko ba?!? Dapat ngayon excited ako kasi training camp namin to at sa baguio pa pero bakit feeling ko may manggugulo sa training camp ko? Wag naman sana!!!
―ui babe ang ganda nung view no!!! –manel
Nung marinig ko yung boses na babaeng nagsasalita, kalandi yung boyfriend niya, parang nagta-asan yung buhok ko sa kanya. Obvious naman na kahit hindi ko tignan yung babae. Nakikipaglandian sya sa lalake. AM I RIGHT??
―oo nga ehh!!! –kiryuu
Mas lalong tumaas yung balahibo ko nung narinig ko yung boses nung mukhang elepante =_= Oh baka isipin niyo may gusto na ko sa kanya? Like the EFF! Hinding hindi mangyayare yun. Hindi madramang artista ang role ko dito, kundi isang professional na bad girl!!! Back to story na nga tayo.
So ayun... After ilang hours, naramdaman ko na pazigzag na yung daan. At inaamin ko na nahihilo ako =_=
―nina, pwedeng makihingi ng gamot??? Yung sleeping pills. –ako
―bakit daia??? –nina
―nahihilo ako at ayoko masuka dito sa bus kaya kelangan ko ng sleeping pills. –ako
―ahh, sige. –nina
―ako na lang mag-aalaga kay daia nina. –ken
―sigurado ka? Saan ako uupo kung ikaw dito sa pwesto ko??? –nina
―dun ka sa tabi ni kei. –ken
―NO WAY!!! –nina
―bakit naman??? Wala namang namamagitan sa inyo diba??? –ken
A smirk formed in his lips. Napakapilyo talaga nitong si Ken. Haha, tama ba namang asarin si Nina kay Kei.
―basta. –nina
―basta? Anong klaseng sagot yan, bilis na ako na an---!!! –ken
―mas lalo akong nahihilo sa ginagawa niyo, ako na nga lang ang lilipat!!! –ako
Humawak ako sa may hawakan tapos hinawakan naman ako ni Ken. Pinalipat ko si Kei sa pwesto ko. Syempre wala siyang magagawa kundi lumipat kung saan katabi nila sina Nina at Hessa. Dalawang seats lang naman ang laktaw mula sa kinauupuan nila Kei at Nina mula samin at hulaan niyo kung sino ang nasa likuran namin. Si Kiryuu at Manel. Pero ano nga bang pake ko sa kanila? Para namang may care ako sa kanila? =_= So ayun dahil nahilo nga ako, hinayaan ako na patulugin ako ni Ken sa lap niya. Pero hindi ako makatulog kaya naman nagrequest ako na kantahan niya ko. Syempre kumanta nga sya at bago pa ko makatulog may biglang nagsalita.
―hindi na ako magtataka kung biglang masisira ang trip natin!!! –kiryuu
Syempre medyo nainis ako sa sinabi ng mokong na yun. I admit maganda ang boses ni Ken. Siguro insecure ang mokong kaya naiinis sya!!! Pasalamat sya at hilo ako ngayon dahil hindi ko sila papatulan.
[AFTER 6 HOURS]
Nakarating na kami sa Baguio. Syempre pinatuloy muna kami sa hotel pansamantala. 2 weeks ang camping namin at sana magenjoy ako. Sana walang elepante na gumulo sa 2 weeks camping ko. Syempre dahil nga sa hotel kami pinatuloy, 3 students ang magkashare sa isang room dahil sa isang room may 3 bedrooms, 2 cr at isang maliit na living room. Akala ko magiging payapa ang camping na to pero hindi pala!!!