DAIA’S POV
I’m Czarina Leignvangeline Daia (daya) Forbes, 17 years old and kilala sa pagiging bad girl sa school na to! I’m a bad girl at wala akong sinasanto! I mean mapatanda pa yan o mapabata, wala akong pakielam.
Number 1 sa kalokohan
Number 1 sa Guidance Office
Number 1 sa Suplada
At ako yan! Wala ng iba! Ako ay ako kaya bakit ko pa sila proproblemahin? Every person have their own lives at wala akong pakielam sa mga buhay nila, kaya wala silang kelangan problemahin saken. Marunong ako makipaglaro sa mga taong nakikipaglaro saken at sa oras na nakipaglaro sila saken, I make their life more interesting! Kaya walang nagtr-try makipaglaro saken. Oo nga pala, marunong din ako makipaglaro sa relasyon. Marami akong naging bf at inaamin ko may sineryoso akong tao pero pagkatapos nun, ayoko na ulit. Kaya naman pinaglalaruan ko na lang sila.
And take note - whether you hate me or not wala kayong magagawa. Ako ang bida sa storyang to at wala akong pakielam sa mga stupid creatures na nagbabasa ng istorya kong to! Ako ang bida eh, may angal?? *evil laugh*
I love being bullied
I love haters
I love darkness
At nagpapasalamat ako sa mga haters ko kapag nadadagdagan. Kahit ipunta niyo pa ko sa heaven, o ikumpisal sa pare hindi tatalab saken yan dahil kagaya ng sinabi ko ako ay ako! At hindi na magbabago yun!
Oo nga pala, pumapasok lang naman ako sa blue academy!!! Oo kung saan nagtapos si Gin Ryuu Fujiwara at dito din nag-aaral ang anak niyang si Kiryuu. =_= Ayoko ng sabihin kung anong klase syang tao dahil lalo lang ako maiinis sa kanya!!!
Nga pala, may mga kaibigan ako. Oo number 1 din sa mga kalokohan yan ehh, suplada din yang mga yan at laging napupunta sa guidance office.
Sila sina Hessa Louise Ford At Nina Mariel Gomez. Kilala kami sa tawag na 3 BITCHES. Oo 3 bitches kami. Lagi kaming magkasama sa kalokohan, nagdadamayan sa guidance office pero nagtataka ako bakit kaya hindi pa kami nakikick-out dito sa school? XD
―loka ka! Wala akong balak makick-out sa school no… -nina
―oo nga, sobra naman yun daia… -hessa
―akala ko ba damayan sa lahat ng oras? -ako
―oo nga pero wala naman kami sinabi na damayan din sa kick-out no… -hessa
Mga loko talaga tong mga kaibigan ko pero kahit kami ganyan, love na love ko yan. Alam kasi nila ang nangyare saken kaya ako nagkaganito. Alam nila ang puno’t dulo ng buhay ko. Gusto niyo malaman? Later na lang. Nandito kami ngayon sa classroom. Chika dito chika doon. Ganyan kami before dumating si... UGH… I forgot her name =_= pasensya na hindi ako matandain sa pangalan ehh.