CHAPTER VI

4 1 0
                                    


CHAPTER SIX

Pakauwi ko sa bahay diretso agad ako sa kwarto ko,di na ako kumain at wala pa namang tao sa bahay siguro may pinuntahan si Mama o namalengke,si Papa naman siguro magoovertime yun ngayon,si Kuya ewan bahala siya sa buhay niya wala naman kaming katulong sa bahay.

Tinanggal ko ang sapatos ko pagkatapos kong ilapag ang bag ko sa study table.Dumiretso ako sa walk in closet ko at nagbihis ng komportableng damit.

Speaking of,mabuti na lang at wala dun si Kuya kanina sa court dahil kung hindi.Naku!Lagot ka sana Pikay.Naghilamos na ako pakatapos ay nagpunas.

"HAAYYYY"malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakahilata at nakatitig sa kisame.Napatakip ako ng unan at sumigaw.

"WAHHHHHHHHHH BAKIT KO GINAWA YUN!!!!"gusto ko ng magpalamon sa lupa,sobrang nakakahiya yung kanina.Inalis ko ang nakatakip na unan sakin.

"What if tinatawanan niya na ako ngayon,wala na akong mukhang maihaharap"humahangos kong sabi.

Nakakafrustrate naman.

"May pasigaw sigaw kapang nalalaman kanina ahhhh"naiinis kong turo sa sarili ko.Tapang tapangan ka kanina tapos ngayon parang tangang kinakausap ang sarili.Ilang minuto pa akong nag overthink at tumulala sa kwarto ko bago nakaramdam ng gutom.

"Oo nga pala di pa pala ako nakain"tinignan ko ang wall clock pasado alas sais y medya na.

Napagpasiyahan kong bumaba at kumain,palagi namang may tinitira si Mama na pagkain dahil lahat kami busy kaya walang time na umasikaso sa kusina.

Pababa ako ng hagdan ng may mapamilyaran akong boses na nag-uusap,hinay hinay akong naglakad pababa ng hagdan at sinilip kung sino ang nag uusap.

Sabi na nga ba!

"naku naman wala pa akong mukhang mahaharap dito sa taong ito"mahina kong sabi.

Kaya kahit na nagugutom ay hinay hinay akong humakbang pabalik.

Kaso nga lang.

"Oh anak nandito kana pala"sabi ni Mama na nasa may bukana ng hagdan,siguro pupunta ito sa taas.Napakagat akong labi para akong naging robot,hanggang sa makarating si Mama sa pwesto ko.

"Hi Mama,mano po"mano ko kay Mama na mukha namang nagtataka saakin.

"Para ka namang ewan diyan!Bumaba kana nga dun at kakain na tayo tatawagin na sana kita,pababa kana rin pala "sabi ni Mama.Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Mama pababa ng hagdan.

Napatingin si Siro sa gawi namin ni Mama habang pababa ng hagdan,titig na titig ito sakin kaya iniwas ko agad ang tingin ko sakanya at dumiretso na sa may kusina.Kumuha ako ng pitsel sa ref at baso pakatapos ay nilagay ko ito sa lamesa,nakahanda na antimano ang pagkain dun.

"Kain na Siro at Gilo!"tawag ni Mama kila Kuya.Sabay itong pumasok sa kusina,si Siro naghugas ng kamay bago pumunta sa lamesa,samantalang si Kuya kukuha na sana agad ng pagkain.

Ako ang naunang umupo habang si Mama naman ay sinandukan pa ako ng ulam at kanin.Napasimangot naman ako.

"Mama naman para naman ako nitong bata"reklamo ko. Pinagtaasan ako nito ng kilay.

"Eh bakit bata ka pa naman talaga! "aniya ni Mama,namula ako sa sinabi niya pakatapos ay napatingin kay Siro baka kung anong isipin ni Siro sa mga sinabi ni Mama,umupo ito sa pwesto ni Kuya kaya naging magkatabi kami.Si Kuya naman ay umupo sa pwesto ni Papa at si Mama sa pwesto niya talaga.

"Umayos ka Pikay di porket andito ang cru…….. mo magpapabebe kana…..ARAY!!!"putol putol na sabi ni Kuya dahil tinapakan ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa.

Naku naman pahamak talaga ito si Kuya kahit kailan.Mabuti na lang at hindi mausyoso si Siro,tahimik lang itong nakaupo.  Muntik na kong madakip nitong nakatingin sakanya.

"Kain na Siro anak"aya ni Mama dahil pansin nito na hindi pa ito nagsasandok ng pagkain. Ay wow!

"Ma ako ang anak mo Ma!Gilberto pangalan ng anak mo Ma! hindi Siro ma"epal naman na sabi ni Kuya.Napatawa ako doon maging si Siro na kanina pa talaga tahimik,samantalang si Kuya nakaltukan ni Mama.

"HAHA buti nga sayo"pang aasar ko.Babanatan sana ako nito kung di pa tumingin si Mama ng matalim kay Kuya,para itong maamong tupa.

"Tsk,tama na yan nasa harap tayo ng pagkain"sermon ni Mama."Ikaw naman Gilo wag kang mag inarte"dagdag pa nito.

Yan buti nga.

Natatawa akong sumubo ng ulam at kanin at sinubo ito,nang mapansing nakatingin si Siro saakin. Literal na lumabas ang kanin sa ilong ko at nabulunan.

"Ohooohhh ohooohhh…..tubig!!"nabubulunan kong sabi. Mabilis na gumalaw ang mga kasama ko,pero mas mabilis na inabutan ako ni Siro ng tubig na agad kong kinuha.Hawak hawak niya ang baso habang ako nakahawak naman sa kamay niyang nakahawak sa baso kaya.

"Woahhhh ohooooohhhh ohoooohhh" nauubo akong sobra.Hinahagod naman ni Mama ang likod ko.Nang medyo ayos ayos na ang pakiramdam ko agad kong inalis ang pagkakahawak ko sa baso na nakahawak rin siya kaya muntik ng mahulog kung hindi niya lang nahawakan ulit.

"HAHAHA ang bilis talaga ng karma"tatawa tawang sabi ni Kuya,tinignan ko naman siya ng masama.

"Tumigil ka nga Gilberto,kahit kailan ka talaga"saway ni Mama kay Kuya. Napabelat ako kay Kuya dahil ako palagi ang kinakampihan ni Mama.Napa'tsk' na lang siya.

"Okay na ako okay na po ako" iinom uli ako ng tubig ng iabot nanaman sana ni Siro ang kaya  mabilis ko na itong kinuha at nilagok.

"Dahan dahan"napansin pala ito ni Mama at hinagod ang likod ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik minsan na nagchichikahan si Kuya at si Siro.Pero hanggang matapos awkward na ang galaw ko ni halos di ko nga malunok yung kinakain ko kanina dahil baka mabulunan nanaman ako pag tumingin siya saakin.

"Thank you po Tita sa dinner napakasarap po"magalang na sabi ni Siro,tuwang tuwa naman ang nanay ko sa narinig niyang papuri sa niluto niya.

"Naku ikaw talagang bata ka wala yun"may patapik tapik pa itong nalalaman sa braso ni Siro.

"Tsss"napataray na lang ako sa kawalan.Nang bigla namang sumulpot si Kuya sa tabi ko.

"Oy anong tinitingin tingin mo dyan?"tanong niya.

"Huh,wala"sabi ko at tsaka tinalikuran si Kuya.

"Ma tapos na kong maghugas! hatid ko lang si Siro sa labas"rinig kong sabi ni Kuya habang paakyat ako ng hagdan.

"Bye daw Pikay,sabi ni Siro!!"pahabol niyang sabi na nakapagpatigil sakin.Di ko maintindihan ang sarili ko,alam ko namang gawa gawa lang yun ni Kuya pero nagdala yun ng kabog sa dibdib ko.

Napabilis ang pag-akyat ko papunta sa kwarto ko dahil dun.

  

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still Coming Back To Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon