CHAPTER FIVE
"Tira"sigaw ni Coach
Tumalon ako at tinira ang bola papunta sa kabilang net nabhindi nasagang ng kabilang team ang bola.Nagsisi aapir kami ng kateam ko nagpalit kami ng pwesto ako naman ang setter at spiker na si Ate Morgan ang katabi ko siya rin ang captain ball namin.
"Nice ang galing mo dun ah"tapik niya sa nakalahad kong kamay.
"Cham..ba lang"hinihingal kong saad.Napunta na naman sakin ang bola at initsa ko papunta kay Ate Morgan na walang kahirap hirap niyang inispike papunta sa kabilang net.Nagpalakpakan kami sa ginawa niya.Kasunod ang pagpito ni Coach na break muna.
"Ang galing mo Morg"komento ng isa naming kateam na kabatch ni Ate Morgan.
"Sus sisiw"saad niya kunwari pang nag pagpag ng alikabok sa shoulder niya.Natawa namin kami.
"Ang hi….rap niyong kalabanin sa laro …hi…rap na hi…rap kami kakahabol ng bola"hinihingal na saad ni Glenn isa sa nasa kabilang net.
"HAHAHA sorry na Glenda"sabi nito atsaka hinagisan ng bottled water.
"Thanks"tugon naman nito saka bukas agad ng inumin.
"Mas magaling si Pikay,hanep ang lakas maka serve halos matumba na ako kanina nung sinerve niya yung bola papunta sakin"umakbay naman sakin si Ate Gail na bestfriend ni Ate Morgan."Manang mana sayo Morg"dagdag pa niyo sabay gulo ng buhok ko.
Nahati kami sa dalawa kasama ko ang mga seniors namin sa volleyball.Mga wala ito ng magtry-out ako tanging si Glenn lang na matanda sakin ng isang taon.Baby pa daw kasi ako kaya dapat alaga.Nalaman pa nilang pinsan ko si Ate Morgan kaya nagkaroon ng special treatment.Napatingin ako sa bandang kaliwa namin kung saan andun yung mga nakasabayan kung pumasok may mga kaibigan agad sila sa team samantalang ako wala parang ayaw ata nila sakin lalo na yung si Tallado ansama makatingin.
"Hoy! anong tinitignan mo?"tanong ni Ate Morgan.
"Huh?wala!"simpleng sagot ko.
"Matagal pa naman ata bago magsimula ulit,laro tayo!"masiglang sabi ni Ate Gail.
"Oo nga magandang idea yan,truth or dare na lang"naeexcite na tugon naman ni Glenn.
"Sige sige,Guys!!!!!sinong gustong sumali?"sigaw na tanong ni Ate Morgan.
"Saan Cap?"tanong nung isa naming kateam na mukhang nagpapahinga.
"Sa laro Truth or Dare"sagot nito.
"Sige sali kami"nag silapit sila sa gawi namin.Bumuo kami ng korteng bilog paka upo namin.
"So ganto kung sino matutukan ng bottle pipili sa truth or dare tapos aalis na dito,paunti tayo ng paunti tapos kung sino ang matira na matutukan,yun ang walang choice pumili kung truth or dare matik na dare na ang gagawin niya,okay ba yun?"paliwanag ni Ate Gail.
"Sige"sabay sabay na sabi nila.Tahimik lang akong tumango.
Sinimulan na nila ang pagspin at ang unang natutukan nito ay si Sanchez.
"Deanna,truth or dare?"tanong ng isa saamin.
"Dare!"matapang na sabi nito.Hiyawan naman galing sa kagrupo namin ng sabihin niya iyon.
"Okay ako muna magdedare sa kanya"singit ni Glenn."Kutusan mo si Captain para sakin"matapang niyang sabi.
"Woahhhhhhh"
"Cap,tinatraydor ka oh"
"Spike ka mamaya Glenda"
Kanya kanyang komento ng mga kateammates ko.Mukhang pati si Sanchez ay nahihiya na sundin ang dare sa kanya ayos lang naman kay Ate Morgan kaya sinunod na neto ang dare.