CHAPTER FOUR
Kakarating ko lang sa bago kong magiging classroom.Bukas na ang pinto kaya dumire-diretso na akong pasok,pagpasok ko may mangilan ngilan ng estudyante. Umangat nga agad sila ng tingin ng tumunog ang pagsarado ko ng pinto. Nahihiyang ngumiti ako sa ilan umangat ng tingin,agad akong humanap ng uupuan. Ang nahanap kong upuan ang yung sa may pinakahulihan malapit sa isang pinto. May tatlo pang table sa unahan ko at tig tatlong upuan,at tatlo rin table sa kanan. Nilapag ko ang bag ko sa ilalim ng lamesa meron doong lagyanan na kasya ang bag,infairness di siya maalikabok.
Makalipas ang ilang minuto parami na ng parami ang pumapasok at palagi silang napapatingin sa gawi ko na ang tangi ko lamang nagagawa ay ngumiti ng tipid. Medyo maaga pa naman,tinignan ko ang phone ko kung anong oras,twenty minutes nalang pala magtatime na.
Maya maya may pumasok na grupo ng tatlong lalaki at isang babae na nagtatawanan,gaya rin ng iba napatingin rin sila sa gawi ko. Natigil ang tawanan nila nakita kong may binulong yung isang lalaki dun sa lalaking pinakamatangkad sa kanila. Naglakad sila papunta dito nangunguna iyong tanging babae sa kanila.
"Hi"saad nung babae masasabi kong maganda siya at mukhang friendly.
"Hello"kaway ko sa kanya na medyo may konting hiya.
"Ahm transferee ka?"tanong ulit ng babae.
"Yeah,obviously HAHA"sagot ko.
"Nice,Ako nga pala si Reinasha"masaya siyang naglahad
ng kamay sakin na agad ko namang tingaggap.
"Nice to meet you,I'm Astrid pala"
"Astrid pretty name,by the way this are my jerk friends HAHA"turo niya sa tatlong nasa likod niya,umangal ito sa pakilala nito sa kanila.
"Si Franz,Jacob and lastly Nikolai my cousin"in order silang nakipag kamay sakin ng tinawag ang name nila para ipakilala sakin. I find it cute.
Nakasuot rin sila ng uniform but yung dalawa nababalutan ng varsity jacket ng Saint Laurent,i think the Jacob and Nikolai name ata.
"Nice to meet you,ahm can I ask?"hesitant kong saad.
"Are you both ahm… basketball player?"tanong ko.
"Ahh HAHA yeah under kami ng Kuya mo"sagot nung Jacob samantalang yung Nikolai ay tanging tango lamang.
"Dito kami mauupo pwede ba?"tanong nung Franz na napakalawak ng ngiti sa akin,medyo soft ang featured niya kumpara sa dalawa na parang tigasin. Pero lahat sila gwapo no wonder ang ilan sa kasama namin sa classroom na ito ay parang mababali na ang leeg kakatingin sa pwesto namin.
"Sure"umusog ako ng kaunti para mailagay ni Reina ang bag niya sa kanan,sa kaliwa naman ay si Nikolai nag agawan pa yung dalawa kung sino ang mauupo sa isa pang upuan pero wala silang nagawa,nagtatalo sila nakaupo na si Nikolai. Nakapwesto sila sa unahan namin napapagitnaan nila ang isang babae na naka bun at curly hair.
"Saan ka galing na school?"tanong ng katabi ko.
”I am from Saint Benilde Academy"sagot ko.
"wow richkid ka pala"singit naman ni Franz. Na tanging tango ang sinagot ko.
"OMG kilala mo ba si Carlos?basketball player siya sa Benilde"excited na sabi ni Reinasha lumingkis pa sa kanan kong braso.
"Yes"simple kong sagot na kinatili niya.
"Alam mo bang crush ko yun matagal na ang gwapo kasi at napaka talented kyaaaahhhh sana all"sigaw nito.
"Hoy tumigil ka nga ang sakit sa tenga ng boses mo parang masisira ang eardrums ko"naiinis na sabi ni Jacob. Tinarayan lang siya ni Reina na sakin lang nakatuon ang atensyon.
"sorry na excite lang"hingin niya ng paumanhin at nag peace sign."By the way i heard kapatid mo rin si Gil?"tanong niya.
"Hmm"tatango tango kong sagot.Madaldal nga ang isang to.
"Ang galing na team captain yun dito sa basketball"komento niya pa."Kaya ka ba lumipat dito para magkasama na kayo ng Kuya mo?"ani nito.
"Sort of"sagot ko.
"Nu ba yan ang ikli mong kausap"nakapout niyang sambit.Napatawa naman ako sa asta niya.
"Sorry"sagot ko.
"Oh yan nanaman! one one word lang ba talaga?"tinarayan niya pa talaga ko. Kaya medyo natakot ako.
"Sorry im just a little bit shy sorry"sabi ko.
"Char joke lang,ayos lang sakin at least may girl bestfriend na ako from now on"sabi niya saka inarko ang kamay niya ng pakurba. Kinuha niya yung kaliwa kung kamay at kinurba niya rin at pinagdikit naghugis puso ito. Ang cute.
"friends?"aniya.
"Yeah friends!"masaya kong tugong.
"oy kayo lang ba?"singit naman ni Franz ata yun umikot paharap samin. Tinarayan lang to ni Reina at akoy natawa na lang ginawa ni Reina,pansin kong nakailang taray ni ito ngayon.
"Di ka kasali you're my enemy from now on!"mataray niyang pakasabi.
"Taray naman neto"saad naman ni Franz bago tumingin saakin."Pagpasensyahan mo na yan nahihiya lang yan na sabihing mahal ako "mahangin nitong saad.
Natawa naman ako sa sinabi nito. Parang nadidiri naman ang itsura ni Reina sa sinabi ni Franz. Ang cute nila tignan. Nakigaya rin yung dalawang nasa unahan sa ginawa namon ni Reina at nagpicture pa.
Pero naiilang ako sa katabi ko sa kaliwa kanina pa kase tahimik at nakatingin samin partikular sa akin.
Maya maya ay dumating na ang bago naming magiging guro sa taon na ito. Medyo intimidating ang dating niya and like usual the transferee will introduce in front of the class. But so far wala namang aberya sa unang araw ko.