The author would like to say:
This piece is the sequel ng love story nina Isagani and Sonata. So mas okay na mabasa niyo muna yung Soulmate Tayo? bago niyo basahin ito. This one is a probable one-shot since I tend to get lazy, ewan ko.
Paki-vote po sana, post some comments after you're done reading. Salamat ng maraming-marami!
Ano namang ibig sabihin ng S diyan?
Heh, matalino kayo. Alam niyo un.
** ** **
It didn't rain tonight.
Malas.
Bakit di umulan at nakapunta itong mokong sa bahay?!
"Sonata!" biglang may boses na lumitaw, medyo pabulong lang pero ramdam ko na gusto niya akong ratratin ng sigaw mula sa likod ng pinto. "Bumaba ka na, kanina ka pa. Wag kang bastos sa bisita."
Nakasabunot pa rin ako sa aking buhok.
"Bababa na, ayan na!"
"Puro ka ayan na, kapag nalanta ang dala niyang bulaklak at di ka pa nakababa, ipapakain ko sa iyo lahat ng yun, sa ayaw mo't hindi," pagbabanta ni mama at saka umalis.
Bumilog ang mata ko.
Ano ako, kambing? Ngunguya ako ng bulaklak imbis na tocino ngayong gabi? Mabuti na lang at di ko hinayaang bukas ang pinto dahil malamang matatakot ako sa talim ng mata niya sa akin. Grrr, baka pati siya maisama sa panaginip ko.
Aaish! Ayaw ko talagang bumaba e! Nagtalukbong ako ng kumot at saka kumanta ng Ave Maria. Ano nga yung sabi ko dati?
Manligaw ka muna.
Ha!
Di ko alam nakakatakot pala ang magkaroon ng manliligaw sa bahay! Andito si Isagani. Bakit ambilis? Atat lang? e kahapon ko lang sinabi sa kanya yun a?
Waah!
Napabalikwas ako dahil parang may elepante sa pinto, hindi ata naturuang kumatok ng maayos. Kumakalabog ang pinto. Si mama na naman ba?
*whispers* "Ate!"
Si Aya?
"Ate? Ate, baka gusto mo nang bumaba. Si mama, hinahalungkat na yung photo album mo!"
Ay, anak ng-!
Bigla akong napadpad sa harap ni Aya, gulat na gulat siya dahil parang di inaasahang bubuksan ko agad ang pinto. Para akong sinapian ng kung ano, kahit ako nagulat din, at napakaripas ako ng sobrang tulin.
"Pigilan mo siya!" di maipinta ang mukha kong parang pinipilipit at nakahawak pa rin sa doorknob.
"Ayoko! Ikaw na lang! Bahala ka diyan." Ambilis lang niyang sumagot sabay punta sa kabilang kwarto. Malamang bibihisan pa niya ng bistida ang pusa. Ano ba iyan, pati pusa na walang malay ginagawa niyang bading.
Pero hindi iyon ang dapat kong pinoproblema, kundi-
"Ay, anak. Akala ko nag-gown ka pa," nang-aasar na tingin ni mama sa akin na di ko ikinatuwa pagkababa ko ng mabilis sa hagdan. Bakit kasi parang napaka-excited niya nung malamang may baliw na lalaki ang pupunta sa bahay para manligaw.
Tumabi ako sa kanya, "Haha, ang kyot-kyot mo, mama, noh?" at pasimpleng hinablot ang photo album na nasa kamay niya at saka ko sinilip over my shoulder kung ano ang cover. Aaaa! Aba, akin nga ito!
BINABASA MO ANG
Certified S.
Roman d'amour"Wag mong subukang ideny!" halos humagalpak siya sa tawa, tinuturo pa ang mukha ko. Halatang natutuwa siya sa ginagawa niya, lalo na sa reaksyon ko. "Pinatanong ko yun kay Veronica dati, tapos sabi mo "Slight lang, slight!"