First but Worst

10 0 0
                                    

The backgroud music's title is "Sweet Love"
Mark Mabasa is a friend of ours.

Chapter 1 : First But Worst

*First day of school

"Haaaay! Ano kayang feeling sa school na pinapasukan ni Kuya Quen?"
"Maganda kaya dun? Oh ibubully din nila ako?"
"Mabuti pa ay kumilos na ako, ayokong malate sa bago kong school no! Nakakahiya naman yun kung ganon"
"Ilan kaya kaming magkakaklase?"

Napatakip nalang ako ng unan sa muka ko sa sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko.

Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko agad ang napakacute kong uniform. Ito ang isa sa pinakanagustuhan ko sa school ni kuya, na school ko na rin ngayon. Ang magandang school uniform.

Bumaba na agad ako at sinalubong si mama na kasalukuyang naghahain.

"Mamaaaaaa! First day ko ngayon sa school ni kuya! Sana maging mabait sakin ang mga magiging kaklase ko." Nagpunta na ako sa mesa at umupo na sa upuan ko.

"Hayaan mo na muna sila anak. Kumain ka na muna at ang kuya Quen mo ay kanina pa bihis." Sabay upo rin ni mama at sabay kaming kumain.

Biglang sulpot ni Kuya Quen sa likod ko.

"Oo nga! Bilisan mo na Ashanabell at baka malate pa tayo" paaala ni kuya sabay punta sa lababo at hinugasan ang kamay nya. Ugggh! Nakakainis talaga si kuya. Tinawag na naman niya ako noon. "Kay ganda ganda ng pinangalan sa akin, bababuyin nya lang. Nasan ang hustisyaaa!" Bulong ko sa sarili ko.

Natapos ang aking pagkain at pumunta ako sa kwarto ko para kuhanin ang aking bag. Pag pasok ko ay nakita ko ang picture frame ko na may larawan namin ng aking bestfriend. Hawak-hawak ko iyon habang tinititigan. Prenteng-prente ako sa pagkakaupo sa couch ko.

Sa luma kong eskwelahan, madalas akong mabully. Madalas awayin at pagtripan. Walang sawang asar ang nakukuha ko sa kanila.

Pero never ko silang pinatulan. Never ako gumawa ng hindi maganda. Ayokong gumanti sa kanila. Ang Diyos na ang bahala sa kanila. Mabait ang Diyos. Walang imposible sa Kanya.

Pero, tila ba dumating ang aking isang superhero. Siya ang nagsilbi kong tigaligtas sa pang araw-araw na pang aasar sa akin ng mga schoolmates ko. Takot sa kanya ang mga nang-aasar sa akin. Mayaman sya. At may mataas na tungkulin ang pamilya nila sa eskwelahang dati kong pinasukan. Ang tito nya ang principal at ang daddy nya ang owner. Hindi niya pinaniwalaan ang mga kwento tungkol sa akin dahil alam nyang hindi ako masamang tao. Hindi ko kayang gawin ang binibintang nila sa akin.

Ilang taon na simula noong huli kaming nagkita. Umalis sya at hindi nagpaalam. Akala ko ay isang bakasyon lamang ito ngunit hindi pala. Hindi na sila doon nakatira noong binalak ko siyang puntahan bahay nila.

Simula ng umalis sya, para bang may nawala sa aming bahay. Parang may nawalang sigla at ingay. Lagi siya sa aming bahay nadiretso kapag kakagaling namin sa school. Tinuring namin siyang isang kapamilya, isa pa naming kapatid ni kuya Quen. Sobrang saya niya kasama at hindi na siya iba sa amin.

"Asha!!!!"

"Mariaaaaaaaa!"

"Hoy bunso!"

"Tara na pumasok na tayo"

Masisigurado kong kapag ang tinuturing kong isa ko pang kapatid at ang one and only bestfriend ko ay nakita kong muli, ililibre ko talaga siya. Kahit pa anong gusto niya. Kahit pa mahal iyon, basta makabawi lang ako sa kabuting naidulot niya sa akin. Gagawin ko talaga ang lahat. At isa pa, hindi ko na siya hahayang takasan pa ang friendship namin no. Siya kaya ang una kong bestfriend. Syempre malaki ang naitulong niya sa akin. Mejo kumonti na ang nangbully sa akin dahil sa kanya. Ang swerte ko dahil best friend ko sya.

Be ContentedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon