Nang Dahil Sa Downy (short story)

33 1 0
                                    

Ako si Lyn Mabango. Isang simpleng babae. Mahirap. Hinahanap ko ang tru lab ko. Hays.

"Lynnn!!!!" Narinig kung sigaw ni nanay sa baba kaya bumaba din ako.

"Naaaaay!!!" Grabe, hingal na hingal ako dun ah.

"Bumili ka nga ng downy!!" Ayy. Magpapabili lang pala si nanay kala ko mamamalengke kami. Excited pa naman ako makita crush ko. Kaso nga lang di ako pinapansin, busy kasi sa kakabenta ng isda. Hmp.

"Nay, wala na po tayong barya." Sabi ko, kulang nanaman kami sa downy labandera kasi nanay ko eh. Nagpupunta lang dito ang mga magpapalaba. Kapos kami sa barya. Sa papel? Hindi. HAHAHA. Ayaw kasi pagastos. Saka na lang kapag namalengke na daw.

"Hala sige, umutang ka muna." Ano ba yan si nanay. May pera naman siya sa maliit niyang wallet eh.

Arte arte talaga ng nanay ko. Feeling mayaman. Joke lang. Mahal ko yan si nanay eh. Lab you nay.

"Baka pagalitan na tayo ni aling ampalaya nay." Sabi ko. Bakit ampalaya? Bitter kasi si aling ampalaya tumandang dalaga. Haha.

"Hindi yan. Kapag nagreklamo, eto isaksak mo yang 100 pesos na yan" binigay sakin ni nanay ang 100 eh bakit hindi pa ito gamitin sa pagbili noh? Loka loka talaga to si nanay.

"Eh eto na lang gamitin ko nay, ibibigay mo rin pala ang 100 eh."

"Subukan mo yang gastusin, siguradong di na dadating ang tru lab mo." Ohmygooooosh! Nu way!

"Ay Sige nay, di ko na pala to gagastusin." Pag bawi ko sa sinabi ko kanina. Kailangan ko magkaroon ng tru lab noh ayoko ngang tumandang dalaga, katulad ni aling ampalaya. Hmp.

Papunta ako sa tindahan ni aling ampalaya ng may nakita akong lalakeng bumibili din dun. Ohmygooooooooosh! Ang gwapo niyaaaaaaaa! Kyaaaaaa! Siya na ba lord? Siya na ba ang magiging tru lab ko? Chos. Hihi.

Patay. Di pa ako na kapag salamin. Siguradong may tuyong laway pako sa bibig. Sana naman ngayon wala, please ngayon lang sana kagabi hindi tumulo laway ko.

Bahala na. Para to sa kinabukasan ng lahi namin. Dali dali ako pumunta sa tindihan ni aling ampalaya inayos ko pa yung buhok ko.

"Aling ampalayaaaaa~" Nakalapit nako. Di pa pala nakakabili si kuya tall. Bakit kuya tall? Matangkad siya eh.

Grabe, ang bango bango bango niya kasing bango niya yung downy. Nakita kung lumayo unti si kuya. Ay bakit? Mabaho ba ako? WAAAAH!

"Kuya mabaho ba ako?" Tanong ko kay kuya. Curious ako eh. Baka nga mabaho ako. Nakakahiya.

"Hindi, pinapauna kita." Ohmychocolateeee!! Ang gentleman niya! Siya ang hinahanap ko! Siya ang ideal man ko! Crush ko na si kuya kyaaaaah!

"Ah.. Okay." Kinikilig kong sabi, sana lagi ko siyang makita dito. Saan kaya siya nakatira? Malamang nakatira to sa exclusive subdivision mukhang mayaman si kuya tall.

"Tagal naman.. tsk." narinig kong sabi ni kuya. Ay, ayaw na ata ako makasama ni kuya ng matagal. Hindi siya ang tru lab ko. Haay.

"Miss, may number ka?" What? Ano daw number? Ohmyyyy! Hihingin niya ba number ko? Waaaah! Binabawi ko na, siya na tru lab ko.

"Oo bakit?" Nakangiti kong sabi, nako baka nga may laway pako sa bibig sana wala.

"Pahingi naman.." Napatitig ako sa mukha ni kuya, grabe gwapo gwapo niya. Siya na kaya?

"Sure!" Sinabi ko sa kanya ang number ko at binigay din niya yung kanya. Ohmychocolateeeeeee talaga! May number nako ni kuya tall pagmamayabang ko to kay nanay mamaya. Nakakuha ako ng number sa isang gwapo at mabango.

"Tapos na kayo maglambingan sa harap ng tindahan ko?" Nagulat ako ng may nagsalita si aling ampalaya, panira ng moment talaga to.

"Aling ampalaya! Pautang daw si nanay ng downy."

"Utang nanaman? Kakabayad niyo lang ng utang niyo saken tapos mangungutang kayo ulit? Aba, di pwede yan!"

"Pssh. Daming satsat niyo aling ampalaya, babayaran naman eh."

"Babayaran nga, sa isang buwan naman bago makabayad." Arte arte rin neto ni aling ampalaya. Kala mo umuunlad ang tindihan niya, ako nga lang ata bumibili sa kanila eh.

"Excuse me..? Ako na lang po magbabayad sa binili niya." Nakakahiya naman kay kuya tall, siya pa tuloy magbabayad si nanay kasi eh. Ayaw ipagastos ang 100 niya.

"Ay. Wag na kuya. Nakakahiya." Sabi ko. Nakakahiya naman talaga.

"Oo nga. Tama yan, MAHIYA ka." Psh. Nakakainis talaga to si aling ampalaya.

"Okay lang.. eto po oh." Di nako nakaangal dahil binigay na niya kay aling ampalaya ang pera.

"Text text na lang ha. By the way, im Carlo Gonzales." Di nako nakapag pakilala dahil agad din itong umalis. Mukhang may pupuntahan.

Hmmm..

Carlo Gonzales?

Ikaw na yata ang tru lab ko. Hihihi.

**

Ilang weeks din na nagkakilala kami ni carlo, at lagi kaming magkatext umaga,tanghali at gabi. Nakilala niya na rin yung nanay kong loka loka, pinakilala niya na rin ako sa nanay niya at ang masasabi ko lang ang bait bait bait niya! Akala ko hindi niya ko magugustuhan kasi mahirap lang ako, pero mali ako. May good news pala ako sainyo! Kami na ni carlo sinagot ko siya May 16, 20** .

Walang day na hindi kami nagdadate, sweet ni carlo noh? Lagi niya akong sinusurprise. Siya na talaga. Siya na ang tru lab ko.

Minsan may away kami, pero hindi naman magtatagal ay ayos na namin ang away. Swerte ko nakatagpo na talaga ako ng tru lab.

Parang kahapon lang bibili ako ng downy at makikita ko siya, tapos kinuha niya number ko, siya nagbayad ng binili kong downy.

Andito kami sa MOA, nanonood ng fireworks gabi na at ang ganda ng langit dahil sa makukulay na fireworks.

"Babe.." Tawag sakin ni carlo. Kinikilig ako. Hihihi.

Di ko naman kasi akalain na magiging kami.

"Hmm..?" Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa taas.

"I Love You So Much.." Tumingin siya sakin at ngumiti, at hinalikan niya ko.

Di ko akalain nang dahil sa downy, nagkaroon ako ng tru lab at si Carlo Gonzales yun.

Mahal na mahal kita, CARLO GONZALES.

**

A/N: Hi guys! Support niyo rin po ito, katulad nag pag support niyo sa FRIENDSHIP bigla lang kasi itong pumasok sa utak ko kaya isinulat ko HAHAHA Lakas ng imagination eh. Yun Lang. Maraming Salamat!

imaginationisthebest salamat sa cover! Labyouu! :*

Nang Dahil Sa Downy (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon