Chapter two

2 0 0
                                    

Liana's POV

Maga-alas 5 na. Hindi parin ako lumalabas ng classrooam. Kasi naman nandyan nanaman sila. Ang sakit na e. Yun bang araw-araw nila syang tinutukso sa akin , tapos wala man lang syang paki.alam. Masakit yun e. Pero kahit ganun hindi parin mabawasan ang pagmamahal ko para sa kanya. Kay Lawrence .. di ko nga alam kung kilala nya ako e. Tsk pag.ibig.
Hinintay ko lang na umalis na sila, bago ako lumabas. Napansin ko namang wala ng tao kaya lumabas na ako. Pag labas ko nakita ko sya. Nakayuko dun sa usual spot nila. Mag.isa lang sya ngayun. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla nya akong hinawakan...

----------------

Lawrence POV

Andito nanaman kami sa usual spot namin. Hinihintay sya. Mag a.alas 5 na din e. Di parin sya lumalabas. Di pa nga ba ?
"Pre, alam mo. Kung totorpe-torpe ka ! Ako na ang manliligaw kay Liana. Maganda naman sya. Mabait , swerte ko pag sinagot ako nyan !"
Sabi ni Zeik isa sa mga barkada ko. Uminit naman ang ulo ko dun. Pero di ko na sya pinansin naka yuko lang ako. nakasandal sa pader. Iniisip kung paano ako aamin kay Liane. Oo, alam kong Liana ang pangalan nya. Eh sa mas maganda ang Liane e. Paki ba ? Nagpaalam na yung mga barkada ko. Aalis na daw sila. Kasi baka lumutin sila sa kakahintay. Wala ng masyadong tao ako nalang siguro. Pero hinihintay ko parin sya. Kagaya nang palagi kong ginagawa. Hinihintay ko syang mahalin din ako....
Aalis na sana ako ng narinig kong bumukas ang pinto sa klasroom nila Liane. Huminto bigla ang mundo ko. Nakayuko parin ako. Ramdam kong dadaan na sya. Di ko na to papalagpasin pa. Hinawakan ko ang kamay nya at nagsalita na... ng mga bagay na alam kong may posibilidad na masaktan ako.
"Liane, m-may gu-gusto ako sayo"

Change My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon