Chapter three

4 1 0
                                    

"May gusto ako sayo"

"May gusto ako sayo"

"May gusto ako sayo"

Paulit.ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung biro ba to kasi ang seryoso nya. Pero nakayuko parin sya. Kinakabahan ako sa mga susunod nyang sasabihin.
"O-okey lang kung hindi ka maniwala, pero totoo yun Liane, gusto kita. Mahal na nga ata e. Yun lang naman ang importante. Ang malaman mo ang nararamdaman ko para sayo"
Tumingin sya sa akin. Tas ngumiti. Ngiting malungkot. Nasasaktan. Pero bakit nya to sinasabi sakin ? Kinakabahan ako na masaya kasi mahal din ako ng lalaking mahal ko. Pero Liane ? Liana ang pangalan ko e. Bahala na basta ako ang sinasabihan mya nito. Pero natatakot rin ako baka may punchline syang sabihin. Baka prank lang to ... ayoko munang umasa.
"Nagbibiro ka lang di ba ? Hi-hindi n-naman kasi Liane ang pangalan ko. Liana , yun ang pangalan ko. "
Ngumiti sya nakahawak parin sya sa kamay ko.
"Sana nga Liane nagbibiro lang ako. Pero hindi e. Seryoso ako sayo. Mahal kita. Tsaka mas bagay sayo ang Liane e. Haha wag kang mag.alala di na kami tatambay dito ng mga barkada ko Kaya lang naman kami tumatambay dito e para makita kita. Tsaka binabayaran ko yung mga kaibigan ko para tuksuhin nila ako sayu. Matagal na kasi akong may gusto sayo e. Matagal na. Sige alis na ako. Mahal kita Liane. Walang biro. "
Pagkatapos nyang sabihin yun e akmang aalis na sya nang pinigilan ko sya. Hindi ko na to dapat na palagpasin pa. Ito na ang una't huling pagkakataon ko. Ayokong sayangin pa.
"M-mahal di-din kita. Mahal din kita Lawrence ---"
Magsasalita pa sana ako ng pinigilan ako ng halik nya. Halik na damang.dama ang pagmamahal nya. Sigurado na ako. Sya nga lalaking mamahalin ko habang buhay. Kahit walang forever basta kasama sya ok nako. Kasi mahal ko sya. At ngayun alam kong mahal nya rin ako.
------------------

Change My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon