KABANATA 1

17 1 0
                                    




"ok students huwag nyong kakalimutang may research kayo about sa american war ha" pag papaalala saamin ni prof cruz

" hay nako alora talaga bang hindi ka sasama saamin ngayon" pamimilit ni jessa saakin dahil may pag sasalo silang pupuntahan

"nako kahit anong pilit mo dyan bakla hindi sasama yan" panunuya ni naths isang bakla na kaibigan ko "oh alam nyo naman pala so pwede nako umali?" pag papaalam ko sakanila

"oo na madam"sabi nila agad naman akong umalis dahil walang mag babantay sa lola ko at isa pa madami rin akong gagawin kaya hindi kona magawang mag saya gaya nila

tanging si lola nalang ang kasama ko dahil wala na akong balita saaking mga magulang at wala narin akong balak alamin kung nasaaan man sila. ang mga tita ko ang nag papaaral saakin at sa pag aalaga ko saaking lola ay nakakatangap din ako sakanila ng pera na ginagamit ko sa iba kopang gastusin kapag wala naman ako may isa pang nag babantay sa lola ko kaya pag uwi ko ay ako na ang naka tokang mag aalaga sa kanya


"yung ulam nyo iinit mo nalang lora ha" sambit saakin ni aling neng dahil sya ang nag babantay sa lola ko kapag wala ako "oho salamat po" agad akong nag bihis ay nag ahin para maka kain na kami ni lola

"iha kamusta naman ang iyong pag aaral " tanong saakin ng aking lola "ayus naman po lola huwag nyo po akong intindihin" naka ngiiti kong sambit ng matapos kaming kumain ay pinag palit kona si lola at inayos kona ang kanyang higaan ng matapos ko ito ay nag tungo naman ako sa silid ko at inopen ang aking computer upang makapag simula sa aking research

agad naman akong nag tungo sa sites na nag bibigay ng tamang information binabasa ko ang isang article ng may narinig akong tila nalaglag sa labas agad naman akong tumayo at nag tungo doon sinilip ko si lola pero tulog na ito

"baka pusa lang yun ng kapitbahay gabing gabi na nangangapitbahay pa" nag sasalita akong mag isa na animoy may kausap ako .agad naman kong bumalik saaking pag babasa ng may kumalabog naman sa pag kakataong ito ay inis akong tumayo ayoko pa naman sa lahat ay na iistorbo ako sa pag aaral ko pag bukas ko ng aking pinto ay ang lamig agad ang bumungad saakin nakita ko naman si lola nag tungo sa isang silid na hindi ko kaylan pa napapasok dahil doon daw naka tabi ang mga lumang gamit ng mga angkan namin agad naman akong tumungo doon dahil baka kung mapaano si lola sinundan ko ang liwanag na nag mumula sa silid na iyon

"lola huwag ho kayo riyan lola" pag sigaw ko hindi ako dinapuan ng tingin ni lola habang palapit ako ng palapit ay mas lumalaki ang liwanag nag nag mumula sa pintuang ito


may mga kwento narin akong naririnig mula pa saaking lola na ang silid daw na ito ay isang mahiwaga kaya dapat ko itong layuan bilang bata noon at hanggang ngayon ay dala ko parin ang kwentong iyon kaya hindi ko ni nais pang sumilip sa silid na iyon


" apo ang silid na iyan " pag turo saakin ni lola doon "isa yang mahiwa dadalin ka nyan sa nakaraan" pag kukuwento saakin ni lola "wow talaga po lola" nasisiyahang sambit ko

"ngunit mapanganib ito para saiyo lalot bata kapa" sambit nya saakin Agad naman akong naliot "bakit po lola madami po bang masasama doon" pag tatanong ko

" oo gusto mobang hindi mona ako makita " agad ko namang niyakap si lola " ayoko po la" naiiyak kong sambit


ang mga munting alala naiyon ang aking naalala hahakbang pa sana ko nung naalala ko ang kwento saakin ni lola aatras na sana ko ngunit na isip ko na si lola ay nasa loob na noon

"kaya mo to alora para sa lola mo" pag aalo ko sa sarili ko ay huminga ng malalim hahakbang na sana ko ng isa ng mas lalo akong kinabahan pinag saklop ko ang aking mga kamay at pikit matang tinungo ang liwanag

saaking pag pasok isang malakas na hangin ang humila saakin at hinila ko pababa sumigaw naman ako sa pag kabigla

"ahhhhhhhhhhhhh" sa buhangin ang bagsak ko at naka dapa ako "ahh aray" pag himas ko saaking tuhod dumilat naman ako mula sa pag kakapuwing dahil bumag sak ako sa malupang bato bato

papikit pikit pako dahil sa pag kakapuwing ng nahagip ng aking mata ang mga kakaibang kasuotan agad akong napadilat ng makitang gaya din nila ang aking kasuotan napa takip ako saaking bibig ng makita na nasa ibang dimention ako

nahihirapang tumayo ako at inikot ko ang aking paningin "hindi maari nasa nakaraan ako?" bulong kong sambit saaking sarili

"binibini" napatingin ako sa lalakeng tumawag saakin ng binibini "binibini?" takang tanong ko

"maari bang makiraan dahil ako'y huli na saaking patutunguhan binibini" pag uulit nya kaya agad naman akong umusad ng maka daan sya

"alora!" Sigaw saakin ng isang matipunong lalake nakasuot ito ng isang pangsundalo alam ko ang itsura ng uniform na ito dahil isa ito sa pinag aralan namin

Agad naman akong namutla at walang pasabing tumakbo habang tumatakbo ko ay sya ring pag habol saakin ng lalakeng tumawag saakin binilisan ko ang takbo sa hindi sinasadyang pag hakbang ako ay natisod kaya natumba ako sa isang lalakeng nasa unahan ko

"Aray!" Pag mamaktol ko puro naako galos kaka bagsak ko sa lupa hinihilot ko ang akong noon ng mapag tanto ko na nakadagan pala ko mula sa likod ng isang lalake ang bango nya lalakeng lalake ang amoy

"Bini bini maari kanabang umalis saaking likuran " agad naman akong dumistansya "ahh sorry" pag hihingi ko ng tawad dito

Tumayo naman ang lalakeng nadaganan ko nag angat ako ng tingin ng mapag tanto ko "IKAW!" sabay namin sambit nag lahad sya ng kamay na pahiwatig  na nais nya kong tulungan tumayo tinanggap ko naman ito pinag pagan ko ang aking suot

"Alora!" Isang tinig na kanina kopa naririnig galing ito sa humahabol saakin kanina may kasama syang dalawa pang sundal na alam kong alalay nito dahil mataas ang katungkulan nito

Agad ko naman hinila papunta sa harap ko ang lalakeng nadaganan ko

"Alora kanina pakita hinahabol" hingal at gigil na sambit nito saakin natatakot naman ako kaya pinang harang ko itong lalake sa harapan ko

" lieutenant huminahon ka masyado mo namang tinatakot ang binibining ito " pag papaalala nito sa humahabol saakin

"Huwag kang makielam colonel!" Naiinis na wika nito agad naman akong napatingin sa suot nito at napag tantong sundalo rin pala ang isang ito kaya unti unti akong napabitaw sakanyang manggas

"Alora halinat kanina kapa hinahanap nila mamang " ang kaba ko ay napalitan ng pag tataka ina? May nanay ako?

Humarap saakin si colonel at ani moy may napag tanto

"Binibini sumama ka na saiyong kuya" magalang nitong sambit saakin agad naman syang gumilid at ikinumpas ang kamay na animoy pinapadaan ako

Humakbang ako at napadaing akmang dadaluhan ako ni colonel ng inalalayan ako ng sinasabing kuya ko daw

"Napaka pasaway mo talaga babae ka" inis na wika nito saakin at maya maya pa ay may dumating na karatela at sinakay ako nito doon

Lumingon naman ako saaking likod at nakita ko si colonel na nag iwan ng yuko saakin sadyang napaka maginoo napa ngiti naman ako

Pag harap ko naman ay nakita kong salubong ang kilay ng aking kuya agad naman nawala ang ngiti ko at napakamot saakin leeg at ngumiting nag aalangan

Bakit ba ako napunta dito at agad ko naman naisip ang aking lola siguro makikita kodin sya dito pero paano agad nama nakong bumusangot

" huwang kang bumusangot diyan alora humanda ka kila mamang " wika nito at kinausap ang isa sa mga katabi nyang sundalo inaliw ko ang aking sarili sa mga dinadaan nanamin ngunit puros puno naman ito kaya sumandal ako sa kahoy na sandalan at natulog

Time Travel 1899Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon