Isaiah Gavin De Vera
Maaga ako gumising kinabukasan. Pumayag si Klara na i-move 'yung naka-assign na interview sa'kin ngayon dahil sa palusot ko na masama 'yung pakiramdam ko ngayon.
Sinabi niya sa'kin na ngayong umaga ko na lang ituloy dahil hapon pa naman 'yung schedule ng game ngayong araw. Medyo kinabahan pa nga ako nung sinabi niya na sa ADMU ako naka-assign ngayon, pero sinabi naman niya sa'kin na 'yung team captain 'yung imi-meet ko.
Hindi nga pala niya gusto sa mga ganito.
"Mamayang nine. Sa may café katapat ng school nila. Send ko na lang sa'yo 'yung name nung café." Bungad sa'kin ni Klara about sa meeting.
Nagising ako bandang seven at nabasa 'yung message niya kaya tumawag ako sa kaniya agad for the details.
"Pumayag 'yung team captain na i-move ng nine 'yung interview dahil masiyado raw maaga 'yung seven." Pagdadagdag niya pa.
"Oh, sige. Thank you. Basta pupunta na lang ako doon?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos 'yung mga pinggan na hinugasan ko. Nagpunas pa ako ng kamay bago kuhanin 'yung phone ko na nasa malapit sa sink at naka speaker.
"Oo. Mas early, mas okay, ha? Nakakahiya sila paghintayin." Sagot niya ulit.
Pumunta ako sa pinto dahil may nagdoor bell doon. Nagulat pa ako nung nakita ko 'yung dalawa na astang sisigaw ng surprise habang nakataas pa 'yung take out nilang mcdo at mga kape. Agad naman silang hindi tumuloy sa pagsigaw nung nakitang may kausap ako sa phone at basta na lang dumiretso sa loob ng bahay ko.
"Sige. Ako na bahala dito, Pres. Kaya ko na 'to." Paninigurado ko sa kaniya at isinarado 'yung pinto. Pinanood ko lang 'yung dalawa na buksang 'yung TV ko at naupo sa lapag habang isa-isang nilalabas sa paper bag 'yung mga dala nila.
"Gagamitin mo ba 'yung questionnaires na sinend ko sa'yo?" Tanong niya na naman sa'kin.
Mabilis ako lumapit doon sa dalawa na nagkakagulo sa lapag dahil nagpipigil ng tawa. Tinulak ko sila ng paa ko nang mahina nung nakita kong tumapon 'yung isang drink sa sahig. Namumula na silang dalawa sa pagpipigil ng tawa at halos gumulong na sa sahig.
"I already have my questions pero kumuha pa rin ako ng ilan doon." Sagot ko sa kaniya.
Tumakbo si Cas papuntang kusina, kukuha siguro ng panglinis sa kalat nilang dalawa. Ibinaba ko na rin agad 'yung tawag nung nagpaalam na si Klara at naggood luck. Sinabi niya rin na tawagan siya anytime na kailangan ko ng back up at pupunta siya.
"Tangina niyo talagang dalawa." Salubong ko sa kanilang dalawa at saka sila nagtawanan ulit.
"Si Cas kasi. He's so malikot kanina." Natatawang paninisi ni Drebs. Hindi naman kumontra si Cas at tumawa na lang din kaya fore sure, kasalanan niya talaga. "You're aalis?" Tanong na naman niya. Tumango naman ako at tumingin sa orasan sa phone ko. Eight na.
"May interview ako sa team captain ng ADMU ngayong nine." Sagot ko sa kanila saka kumuha ng nuggets at kinain.
"Sama kami." Excited na sabi ni Cas pero umiling na ako. Malayo 'yon at medyo matagal, maiinip lang silang dalawa doon.
"Babalik din naman ako agad after nung interview. Dito na tayo maglunch. Maiinip lang kayo doon." Sagot ko sa kaniya. Hindi naman na siya kumontra at tumango na lang saka nagtuloy sa pagkain.
"Oo nga. It's mainit and nakakatamad. Let's watch na lang here and magcook ng lunch." Suggest ni Drebs na pabor naman sa'kin.
Baka late na rin ako maka-uwi, late na ako makakapaglunch kung magluluto pa ako pagdating. Magastos naman kung bibili pa ako sa labas ng lunch. Kaya mas okay na rin na nandito na sila.
BINABASA MO ANG
Code: Synéchise
РазноеHe - Yukio Zyde Montero, is a man with a fucked up life. The only thing and reason for him to keep holding on is his friends and his siblings. His life is miserable; his parents are at fault. Well, at some point in his life, he was given another rea...