TWO

29.7K 502 634
                                        

Yukio Zyde Montero

"Prims, 'wag kang mag-iinom nang marami, mukhang magsasagad 'to." Malakas na sabi ni Lax matapos namin maka-ilang bote.

Ilang oras na rin siguro kaming nandito, although mas marami na akong naiinom sa kanila dahil halata naman na ako lang 'yung umiinom habang nagkukwentuhan kami. Sila, umiilan na shot lang.

"Tanginang 'yan, ayaw paawat." Natatawang baling ni Prims sa'kin. I just gave him a smirk at nagtuloy sa pag-inom.

Hindi na kami nagkwentuhan pagtapos non. Sinabi lang ni Prims na ubusin na lang namin 'yung nasa table tapos uuwi na kami dahil anong oras na rin naman. But I still feel off, hindi pa rin magaan 'yung pakiramdam ko. Nahihilo na ako pero malinaw pa rin sa'kin 'yung mga pinag-usapan namin kanina.

Naiinis ako, I really want to vent everything out pero hindi ko alam kung paano. Nasabi ko na kila Prims 'yung mga nangyari but it still feels so heavy. Parang walang nangyayari kahit na sabihin ko sa kahit kanino dahil ang bigat bigat pa rin.

"Oo, nandito kami sa bar. Mukhang may problema baby boy niyo, e." Dinig kong sabi ni Lax na nasa tabi ko lang.

Malaki 'yung sofa kaya halos isang dipa 'yung layo namin pero dahil nasa VVIP room kami, hindi masiyadong maingay dito. Tumingin ako sa kaniya, he's talking with someone over the phone.

"Si Kiara, he's with Kiro." He mouthed, referring to the one he's talking to. Lumapit ako sa kaniya nang malapit na malapit para pakinggan kung anong pinag-uusapan nila.

"Iuwi niyo nang buo 'yan, ha?" Kalmadong sagot ni Kiara. Narinig ko na kung anong boses niya over the phone, bakit iba naman yata boses niya ngayon?

Why is her voice and tone like that? Mukha siyang sweet girl.

"Oo, don't worry. Siya lang naman lasing sa'min." Mahinang sagot niya rin kay Kiara. Ang ganda-ganda pa ng ngiti niya at tinutusok-tusok pa ng fork 'yung pulutan sa plate.

"Hoy! 'Wag mo pormahan kapatid ko." Sisinok-sinok na sigaw ko sa kaniya.

Tumawa lang siya at biglang tumayo para lumipat sa couch na inuupuan ni Prims at ni Pol na nasa harap namin. Susunod pa sana ako sa kaniya sa kabilang couch pero nahihilo na ako kaya hindi na ako nagsubok na tumayo.

Basta na lang akong nakatingin sa phone ni Lax na nasa pagitan ng kamay at tenga niya. Hindi na rin ako uminon, hindi ko alam kung ubos na ba 'yung nasa lamesa dahil hindi na rin sila umiinom at nagdadaldalan na lang. Si Lax naman, nakikipag-usap pa rin sa phone pero binaba na rin siya. An idea popped out of my head as soon as he dropped the call.

"Give me a number. Any number. A number combination."






Isaiah Gavin De Vera

"Sino ba 'to? Putek, nagrereview ako, e. Tawag nang tawag." Malakas na reklamo ko sabay bagsak ng notebook ko sa study table at dinampot 'yung phone ko na kanina pa vibrate nang vibrate.

Hindi ko sinasagot dahil unregistered number naman, ayoko sumasagot ng ganon dahil baka mamaya prank call lang, sayang sa oras, nagrereview pa naman ako.

"Baka inutangan mo, sinisingil ka na." Seryosong sabi ni Cas sa'kin na nagliligpit na ng gamit niya ngayon na nakakalat sa buong kama ko.

"Bukod sa inyo ni Drebs, wala na akong inuutangan na iba, gago." Sagot ko sa kaniya at inis na tiningnan 'yung phone ko na umilaw dahil natapos na 'yung tawag.

Code: SynéchiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon