ONE

52.5K 932 502
                                        

Yukio Zyde Montero

"Doctora wants us to eat dinner with them later." Kiara said as I joined the group call. Kiro, who is busy reading a book is also there. I sighed, giving them a 'here we go again' expression.

"That's the reason why ako tumawag sa inyo." She added, giving a sigh also.

Hindi ako nagsalita, nanatili lang sa screen ng laptop 'yung paningin ko, waiting for their decision as I will go only if they will. Kiro closed his book, pare-parehas kaming tumitig sa screen at nagpapakiramdaman kung sino'ng unang magsasalita para gumawa ng decision kung pupunta ba o hindi.

Agad na inalis ni Kiro 'yung reading glass niya pagkasarado nung book, mukhang bugnot na bugnot din siyang pag-usapan kung ano man 'yung topic namin ngayon na tatlo.

"For what?" he finally asked. Hindi ako nagsalita, still listening and waiting until now.

"Ewan ko. Basta nagmessage lang sa'kin ngayon, that's why nagcall ako agad sa inyo." Kiara answered, mukhang naghihintay lang din siya kung anong balak namin ni Kiro.

"Kio, are you going?" Kiro asked me. I just raised an eyebrow to him.

"I'll go kung pupunta ka." I answered. Agad naman akong natawa sa reaction ng mukha ni Kiara. Kumunot agad ang noo niya at sumama ang tingin sa screen.

"Ayan na naman kayong dalawa, e!" Matinis na sigaw niya. Kung magkakaharap lang kami, malamang hinampas na naman niya kami ni Kiro. "Tapos magkakasundo na naman kayo na hindi pupunta. Iiwan niyo na naman ako mag-isa!" Madrama at galit na sigaw na naman niya. I will be able to hold my laughter sana kung hindi ko lang nakitang nagpipigil din ng tawa si Kiro.

"Punta tayo?" Natatawang pagbaling niya sa'kin. "Iiyak na naman 'yan si Kiara." Dagdag niya pa saka malakas na tumawa.

"Sige, kung pupunta ka. Magdadrama na naman 'yan." Tumatawang dagdag ko rin na lalong nagpasama nang reaksiyon ni Kiara.

"Hoy, baka nakakalimutan mong mas matanda pa rin ako sa'yo, ha?" Masungit na baling niya sa'kin. Nagtaas naman ako ng kilay sa kaniya.

"So? Mas matanda sa'yo si Kiro. Sangga kami niyan." Mayabang na baling ko pa sa kaniya. Inismiran niya lang ako at nginusuan na parang bata.

"Stop na 'yan. Iiyak na 'yan mamaya." Nagpipigil ang tawang bawal ni Kiro sa'min.

Hindi na ako kumibo at pumatol nung inirapan ako ni Kiara mula sa screen. Sa ugaling niyang 'yan, hindi malabong mapikon na naman 'yan at gagastos na naman ako sa pagkain para lang suyuin siya.

Nagkwentuhan pa kami saglit tungkol sa school at sa kung ano-anong mga bagay. As usual, hindi nawala 'yung bangayan, nagkakamustahan pa na akala mo naman sobrang layo ng condo namin sa isa't isa at hindi iisa ang school na pinapasukan namin.

Tumagal 'yon nang ilang oras dahil sa sobrang daming reklamo ni Kiara tungkol sa pag-aaral at sa buhay, nalilibang naman kami ni Kiro sa pakikinig sa kaniya dahil pare-parehas naman namin gustong maging updated sa buhay ng isa't isa.

Nagkasundo lang din kami sa oras ng pagpunta, nagpresinta pa si Kiro na susunduin kaming dalawa pero tumanggi na si Kiara dahil may pupuntahan pa raw siya after dinner. Pumayag naman ako sa pagsundo ni Kiro dahil tinatamad naman ako magdrive.

"Yow. Up for nomi?" Bungad na taong ni Laxus.

Pagkababa ko ng group call namin nila Kiara, sila naman ang tumawag sa phone ko. Nandito rin si Pol at si Primo, although voice call lang 'tong ginagawa nila I can still imagine the excitement on Lax's face, he's always excited when it comes to walwal.

Code: SynéchiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon