02

18 2 0
                                    


"Anong oras 'yung classes niyo bukas?" Jai asked Jiro that broke the silence.


"Seven o'clock. Kayo?" Sagot ni Jiro.


"Same lang din naman." Wika ni Jai.


Tumingin ako sa hawak kong milktea.  'Yung kay Jai ubos na, tapos 'yung akin konti na lang. Nanamnamin ko na 'tong RV na 'to.


Iniisip ko na tuloy anong oras kami uuwi, eh parang ayaw ko nang matapos 'to. 


Sana ihatid kami ni Jiro tapos magk-kwentuhan kami sa convo tapos mag-aya sana si Jai manood ng Netflix or kaya anime One Piece man or My Hero Academia kahit ano. Tapos sana matagal siyang nasa condo namin tapos kwentuhan lang kami forever gano'n. Char walang forever. 


"Anong oras na?" Pabulong na tanong ni Jai sa'kin sabay hawak sa palapulsuhan ko. Dun ko lang naalala na may relo nga pala ako. 


"Magt-two thirty na."


"Ha? 'Yung plates ko!" Bulong nito sa'kin. Natawa ako.


"So uwi na tayo? 'Wag muna!" Kahit pabulong ay parang nagsisigawan na din kami. 


"Ih, Fei, hindi pwedeng less effort ako do'n! Mga 3 hours kong ipe-paint 'yon or more eh." 


Tumingin ako kay Jiro. Yelo na lang saka konting kape 'yung nasa baso niya. How to say goodbye in a nice way? Char parang nag-break.


Pero seryoso pa'no? Ang weird, kasi, ang-rare ng mga 'makipag-kita' sa ibang tao sa akin kasi napaka-introvert ko, pero 'pag ka-close ko na ng sobra nagiging extro. 


Eh pa'no mag-bye? 


Ngumiti si Jai kay Jiro habang hawak pa din ang kamay ko. "We're sorry, Jiro, uuwi na kasi kami. May plates pa kasi akong ipapasa bukas eh. Kita na lang tayo sa school bukas." 


Sabi na eh, siya mauunang mag-paalam. 'Pag about sa plates ang pinag-uusapan, baka number 1 na si Jai dyan. Kaso number 1 sa laging muntik ma-late. Char.


Tumayo na kami. 


"Ah, gano'n ba? Hatid ko na kayo, baka maka-encounter pa kayo ng mga adik dyan." Jiro said, also standing up. My wishes came true!


I can see that I am smiling for two reasons. Una ay dahil naalala ko na tinulungan ako ni Jiro kahapon. Pangalawa, ay dahil ihahatid kami ni Jiro sa condo. 


"Are you sure? Thank you in advance!" Wika ni Jai na todo ang ngiti. Is she having feelings for Jiro? 'Wag naman sana. 


Pagka-alis namin sa table ay pina-una kami ni Jiro na maglakad palabas. Tapos ayun, pagkarating sa parking lot ay itinuro ni Jiro 'yung kotse niya. Hyundai i20 ata 'yun dahil gano'n din ata ang gamit nina Tita.

Paper Plane (Book 1_The World of You and I)Where stories live. Discover now