Chapter 3 - That Pain in the Ass Girl

50 5 1
                                    

Chaos POV

"Ibaba mo ang baril mo kundi papatayin ko 'to."

Ngumiti lang ako sa kanya at halata mong mas lalong nainis siya sa ginagawa ko.

"Hindi ako magdadalawang isip na patayin siya!"

Di ko na napigilan ang tumawa. Sino bang niloloko niya?

"Sino ba 'yan? Ipakita mo nga ang mukha niya."

Hindi siya kumilos. Bullseye. Tingin niya ba tanga ako para malamang hindi 'yang hawak niya ang hinahanap namin.

"I've done my research. Sexy ang kailangan naming i-rescue. Halata naman sa katawan ng kasama mo na hindi siya ang hostage na hinahanap namin."

"Chaos, stop fooling around."

Tinutok ni Titania ang baril niya sa may batok ng lalaki. Sa sobrang pag-oobserba ng pangit sa akin, hindi na niya namalayan ang paligid niya.

At malaking pagkakamali 'yon kung balak mong pasukin ang mundong ginagalawan namin.

Tinaas ng panget na 'yon ang dalawang kamay niya na pinosas ni Titania. Tumalikod ako at nakita ko si Euphy na buhat ang hostage sa kabila ng mga sugat niya.

"Euphy, ayos ka lang ba?"

"Di ko alam. Try mong tanungin ang mga sugat ko 'no."

"Sungit!" Binelatan ko siya pero inirapan niya lang ako.

"Let's just go to the academy tutal tapos na ang mission natin dito."

Ginamot ni Titania si Euphy at umalis kami sa napakapangit na head quarters ng pangit na 'to.

"Shotgun!" Sigaw ko. Ayoko kasing umupo kasama yung pangit na lalaki sa likod.

"Fine. Ako na sa likod kasama nitong gago. Ikandong mo itong hostage."

Pinasa niya sa akin ang natutulog na babae at dahil sa magaling ako mag-analyze, di ko napigilan ang sarili ko.

5'2 ang height. Weight ay 43 kg. Measurements? 28-23-27. Brownish black ang mahabang buhok. May pagka-anghel ang mukha.

Inosente.

Umupo na sa likod si Titania at yung pangit. Umupo na rin ako sa shotgun seat at inupo ang hostage sa harap ko. Nang handa na kaming umalis, pinaandar na ni Euphy ang sasakyan.

"Titania, paano ba 'yan gumana ang plano ko?"

Tumingin ako sa likod para makita ang naiinis niyang mukha.

"Pasalamat ka nandito kami ni Euphy."

"Oo nga! Nahirapan akong hanapin ang hostage na 'yan!"

Nagrereklamo na si Euphy. Ikaw ba namang sugatan paghanapin ng hostage? Sinong di maiinis?

"Okay lang yan, Euphy. Buti nga nakita kitang tinatakas siya kundi maniniwala akong dala ng asungot sa likod ang hostage."

Nang una, kinabahan ako ng makita ko ang hawak na babae ng pangit na 'yon. Maraming plano ang nagprocess sa utak ko noon. Buti na lang nakita ko si Euphy na tinatakas ang hostage kundi baka nakatikim ako ng dugo nang wala sa oras.

Tumingin na ako sa daan pero napatigil ako nang-

"H-hi."

Di siya sumagot bagkus tumitig lang siya sa akin gamit ang dalawang malaking mata niyang hazel brown.

"Euphy, anong pangalan niya?"

"Hindi ko alam. Walang nakalagay sa mission database na binigay sa akin ng academy. Picture niya lang ang nakakabit na information doon."

Academy of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon