Chapter 2 - Rescue Mission

112 5 0
                                    

"Chaos, 35 degrees north of west. 2.35 km distance. Nakikita mo ba?"

"Nang-iinis ka ba?"

"Hindi, sinisigurado ko lang. Can you take out the leader?"

"Iniinsulto mo na ako, Euphy."

Narinig kong tumawa sa kabilang linya sina Euphy at Titania. Aba, pinagtitripan pa ako ng dalawa.

"Titania, they're 1 km from your position. Prepare for my signal."

"Copy that."

Sumilip ako sa scope ng Barrett Light Fifty ko, "8 escorts, all unidentified; leader, locked on."

"Noted. Chaos, you are good to go."

Sa senyales niyang 'yon, pinitik ko na ang baril ko. Isa akong s-class sniper kaya ang mga long range battle ay sisiw na sa akin. Si Titania naman magaling sa midrange combat at si Euphy ang aming strategist.

Inuna ko na ang leader nila. Agad na nagtago sa likod ng batuhan ang mga kasamahan ng leader nang makita ang sumabog na ulo ng pinuno nila.

"Titania, hotspot. 500 m. 45 degrees nw. Engage. I repeat, engage."

"On my way."

"20 seconds 'til contact. Chaos, provide back-up. All escorts are unidentified. Friendlies not allowed."

Hindi ako pwedeng basta-basta bumaril. Baka mapatay ko ang hostage nila.

"Ang korni mo, Euphy."

"Orders are orders."

Palibhasa, misyon 'to kaya dapat sumunod kami sa gusto ng client.

"Mag-aaway pa ba kayo riyan o tutulungan niyo ako?"

"Uuwi na kami. Ikaw na bahala riyan."

Tumawa ako para mas lalong mainis si Titania.

"Ang sama mo talaga Chaos!"

"Salama-"

"TITANIA, DISENGAGE. I REPEAT, DISENGAGE."

Agad akong sumilip sa scope ng baril ko para malaman kung ano na ang nangyayari.

"Huli na Euphy. Na-ambush na siya. I'll be giving the orders now."

Kinuha ko ang binoculars ko at nagscan sa paligid. Kung tama ang kutob ko, madali lang naming masasagip ang hostage.

"Euphy, get your gun at pumunta ka sa location ng old abandoned hospital. Papupuntahin ko ang mga kaibigan natin doon."

"On my way."

Sumunod na si Euphy at nagsimulang tumakbo. Hindi lang siya technical strategist. Kaya niya ring mag-field assignment.

"Titania, do you read me?"

Nakikita ko siya habang nakikipagbarilan sa mga kalabang nang-ambush sa kanya.

"Yes but I'm kinda busy right now."

"Obviously. Can you be my eyes for now?"

Kailangan ko ng mas malapitang observation sa mga unidentified escorts. Hindi ko pwedeng barilin kung hindi confirmed ang identity niya.

"Yung nasa likod ng puno. On my 11:00."

Sa hudyat niyang iyon, agad na tinutok ko ang baril ko sa lalaking nakahood sa likod ng puno at binigyan siya ng headshot.

"Got it. And?"

"Back of the red car. 2:00. "

"3 down, 5 to go."

Academy of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon