"From the top! 5, 6, 7, 8... 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8 and..."
"Teka! Teka! Marco, pahinga muna tayo. Dalawang oras na tayong nagp-practice ng sayaw. Nahihilo na kami ni Rebort kaka tumbling eh. Pahinga rin 'pag may time, dude!" Nahahagal na sabi ni Oswald habang sinisubukan nyang tumayo ng derecho mula sa kanyang pagba-back dive.
"Ano ka ba Oswald? 'Wag ka ngang reklamador! Sa Sabado na yung dance competition. Kailangan natin maghanda kung gusto natin maging champion 'di ba? Dude, baka nakakalimutan mo, 10k din yun noh!"
"Bespren, 'di naman ako nagrereklamo eh. Ang sinasabi ko lang, baka naman pwede magpahinga. Nakakailang back dive na kami neh. Buti 'di ka nahihilo diyan."
"Dude, gusto ko manalo eh. Champion tayo nung January dun sa San Roque. Aba! Dapat manalo rin tayo sa San Antonio. Wala dapat makakatalo sa'tin. 'Yan ang ipasok mo sa kokote mo."
"Dude, hindi ko nakakalimutan 'yun. Ngayon lang tayo susuportahan ng Sta. Barbara. Kailangan talaga nating manalo, pero bespren, break muna please? 15 minutes lang."
"Sus! Magte-text ka lang kay Sheila eh. Sige na nga." Nag-aalangang pumayag si Marco sa gusto ni Oswald na magpahinga. Sa bagay. Kailangan nya din naman mag text sa nobyang si Thea. "Guys, 15-minute break lang ha. At 2:40, practice uli from the top."
Ayan si Marco, and dakilang leader ng Black Heart Maneuvers; ang all-men dance troop na pinagmamalaki ng Sta. Barbara. Palibhasa kasi ay taga hakot awards ang grupong 'to kahit saang barangay dance competition sila sumali. Minsan lang sila mapadpad sa 3rd or 2nd place dahil madalas silang nagiging champion. Bakit? Eh ganyan ba naman ka estrikto ang leader, 'di ba gagaling ang mga 'yan? Napakadisiplinado sa larangan nang pagsasayaw. Pero sa larangan ng pag-ibig? Oh well... sabi nga nila 'Boys will always be boys'. Eto naman si Oswald, ang dakilang sidekick ni Marco. Simula bata pa lang sila ay lagi na silang partners in crime, lalong lalo na kapag nagpapasikat si Marco sa mga chicks. Malalim ang pinagsamahan ng dalawang magkaibagang 'to. In fact, madalas roon matulog si Oswald sa bahay nila ni Marco at halos roon na sya nakatira. Anong say ng mga magulang nila? Wala naman. Kasi ang mismong mga magulang nila ay magkakaibigan. Ika nga ng mga parents nila, mas mabuti nang ganyan sila kesa mag drugs. Tama nga naman, di ba?
Moving forward to our story. Mabilis na natapos ang 15-minute break ng Black Heart Maneuvers at muli silang nagpractice. May mga ilang kapitbahay ang pinapanuod sila na parang mga artista. Palibhasa, alam ng mga lalakeng ito na ang taas ng face value nila, kaya naman go lang ng go ang pagpapa-cute ng mga mokong. Makalipas ang halos isang oras...
"Marco! Marco! Halika nga dine at mag-uusap tayo."
"Teka lang po Ma! Last na 'to, titigil na kami."
"Hay, susme! Paghihintayin mo pa ako ne! Hoy bata ka, sinabi nang itigil nyo na yang practice nyo at may pag-uusapan tayong importante dine. Kung ayaw nyo pa tumugil eh guguntingin ko 'yang sasakan ng component na iyan eh!"
"Dude, pack up na!" ika ni Robert "Mamaya madali pa ng nanay mo 'tong CD player ko eh, patay ako sa tatay ko."
"O sige. Guys, bukas practice tayo uli ha. 6 a.m. Magkita tayo dito sa bahay at magjo-jogging tayo malapit sa may sapa. Ayos ba?"
BINABASA MO ANG
One Summer
RomanceLahat tayo ay may kanya-kanyang kwento ng pag-ibig. May kanya-kanya rin itong ending. Minsan masaya, minsan malungkot. Minsan nagkakatuluyan ang lovers, minsan nagkakahiwalay. Ganun pa man, walang fairy tale pagdating sa pag-ibig. Walang prince char...