Day 2: The Reunion Part 1

9 2 0
                                    

"Nay! Nay, narito na po kami!"


"Kuya, hindi halatang excited masyado ang mama mo." Pabulong na sabi ni Keith sa kanyang pinsan. Nakakatawa but it's understandable bakit parang hysterical ang tiyahin nila na makita ang ina. Palibhasa ay matagal-tagal na rin silang hindi nagkikitang magpapamilya.


Nagsibabaan sa sasakyan ang lahat at masayang binati ang mga taga roon na kanina pa naghihintay sa kanilang pagdating. Alas otso na nung nakarating sila sa bahay ni Lola Pacita. Naabutan nilang aligagang naghahanda ang mga tao roon para sa kanilang reunion.


Si Pocholo, ang pinaka matanda sa magpipinsan ay tumutulong sa kanyang inang si Aling Nerri na nagluluto at naghahanda ng hapagkainan. Si Mang Kanor naman ang asawa ni Aling Nerri ay na roon malapit sa ilog at nagle-lechon kasama ang ibang kalalakehan na tumutulong sa kanya.


Masayang sinalubong ni Lola Pacita ang pamilyang kinasasabikan nyang makita. Binati nya ang mga ito at ang iba ay halos 'di nya na makilala. Malamang ay dahil na rin sa kanyang katandaan. 81 na si Lola Pacita pero malakas pa rin ang kanyang pangangatawan.


"Halikayo rine! Naku kayong mga bata kayo. Bakit ngayon laang kayo dumating? Kanina pa kami naghihintay."


"Nay, alam nyo naman pong malayo sa city itong lugar ninyo. Besides, matraffic po. Inaayos po yung kalahati ng kalsada pagdating namin banda sa San Dionesio, kaya medyo natagalan kami."


"Ganoon ba? Hay naku! Iyang mga politiko yaan eh kahit 'di sira ang daan eh tinitibag nila yaan eh, makakurakot lang! Hindi ba Gracia?!"


"Nay, 'wag nyo na po problemahin 'yan. Makakaragdag lang yan sa wrinkles mo. Papanget ka nyan!"


"Ay naku Gracia, matanda na 'ko. Hindi ko na 'yan iniintindi 'yang wringkles na yaan."


"O sya, Nanay, asikasuhin mo na lang po kami. 'Yang apo mo kay Gracia eh galing pa sa U.S. yaan. Hayaan mo na 'yang mga politikong 'yan."


"Sino 'to?!" Tinitigan ni Lola Pacita ang dalagang nasa harap nya. Kinikilatis nya ito ngunit 'di sya sigurado kung kilala nya ba ang dalaga o hindi. "Hija, anong pangalan mo? Aba eh, kagandang bata areh!"


"Lola, it's me! Si Rachel po ito."


"Rachel? Yung batang iyakin? Naku apo! Ang laki mo na pala! Ay kagandang batang yareh!"


"Yes Lola, this is me. And this is Keith, do you still remember her?"


"Ay oo naman! Si keith yung mahilig umakyat sa puno ng bayabas, 'di ba? Ay hinabol ko nga dati ng pamalo 'yan eh!"


"Lola naman, that's so long time ago."


And the fun begins.


Nagkatuwaan ang mga dayo kasama ng mga taong taga roon. Maya-maya pa ay nagpahinga muna sandali ang mga kabataan, habang ang mga may edad na ay nagkanya-kanyang kwentuhan. Maaga pa lang ay pinag-usapan na nila ang tungkol sa punong na pagmamay-ari ng pamilya. Hindi nila mapagkasunduan kung ibebenta ba o patuloy nilang pamamahalaan ang kanilang negosyo.

One SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon