"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
"Hoy! Sino ka! Anong ginagawa mo dito?!"
"What?! Why are you asking me?! Who the hell are you?!"
"Hoy Miss! Alam ko gwapo ako, pero sobra 'tong ginawa mo ha! Trespassing yan!"
"Trespassing? Ikaw gwapo?! Oh my gawd?! Are you kidding me?!"
"Hoy! Miss! 'Wag mo ako Inglesin ha! Naiintindihan kita!"
"What?s! You're crazy! KUYA! KUYA!"
Nag-aalborotong sumigaw si Ray. Kumuha sya ng unan at hinampas nya iyon sa lalakeng katabi nya.
"You! Get out!" At walang tigil nyang hinampas ang lalake sa tabi nya.
"Miss! Aray! Tumigil ka na! Nakakasakit ka na!"
"HOY! TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!" Sigaw ng lalakeng bigla na lang pumasok sa kwarto
"Kuya! He's trespassing!"
"Kuya? Teka bespren, eto ba yung pinsan mo? Babae?" Hindi makapaniwala si Oswald sa kanyang nakita. 'Di nya akalain na ang makakasama nya sa kwarto ng best friend nya ay isang babae. Magandang dalaga. "Pero bespren, sabi mo si pinsan mong si Ray ang makakasama natin dito sa kwarto?"
"Yep that's me, Rachel. Ray for short. And who the hell are you?!"
"Oswald. Bespren ni ng kuya mo."
"O ayan, magkakilala na kayo. Kiss and make up na!"
"Kiss and make up? Eewwe!" Padabog na tumayo si Ray at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Halatang asar na asar sya kay Oswald. Paano ba naman, nagising sya na nakaakap sa kanya ang isang lalakeng hindi naman nya kakilala. Bongga! Pero aminado ang dalaga na mukhang mucho gwapito itong probinsyanong kakakilala pa lang nya.
Sa loob ng kwarto...
"Akala ko pa naman bespren lalake yung Ray. Babae pala. Kaya pala ayaw mo pumayag sa gusto ng nanay mo nung nakaraang araw."
"Now you know! May magagawa pa ba tayo? Sigh, mamaya, ayusin na lang natin yung pagkaka pwesto natin para walang malisya, ok?"
"Ikaw... sabi mo eh. Pero siguro uuwi na muna ako mamayang gabi samin. Dun na lang muna ako matutulog sa bahay. Nakakahiya kay Rachel."
"Ikaw bahala dude. Alam mo naman na welcome ka dito anytime eh, kahit nandyan pa mga kamag-anak namin."
"Pero ang ganda pala ng pinsan mo."
BINABASA MO ANG
One Summer
RomanceLahat tayo ay may kanya-kanyang kwento ng pag-ibig. May kanya-kanya rin itong ending. Minsan masaya, minsan malungkot. Minsan nagkakatuluyan ang lovers, minsan nagkakahiwalay. Ganun pa man, walang fairy tale pagdating sa pag-ibig. Walang prince char...