"Taena ang lamig!"
"Shit! So damn cold nga!"
"Ano ka ba Ray! Ikaw nagyaya magswimming tayo tapos magrereklamo ka dyan?"
"Kuya, I'm just saying that it's cold. Pero masarap naman 'di ba?"
Nagpatuloy sa paglalangoy ang mga magpipinsan kahit na napakalamig ng tubig sa ilog. Halos isang dekada na nananatili sa U.S. sina Ray at Keith kaya madalang ang pagkakataon na makapag nature tripping sila.
Napakaganda ng gabi. Hindi perfect ang pagkabilog ng buwan sa kalangitan na pumapaibabaw sa kanila ngunit napakaganda pagmasdan at napakaliwanag nito. Dahil sa liwanag ng buwan ay naaaninag pa ng mga magpipinsan ang isa't-isa kahit paano.
"Kuya, isn't it na tumatambay tayo dun sa kabilang side ng ilog nung mga bata pa tayo?"
"Naaalala mo pa yun? Eh bulinggit ka pa nun ah!"
"Oo naman. I can still remember it. Naaalala ko pa nga, nagda-dive kayo dun ni Kuya Mark 'di ba?"
"Haha! Oo nga Marco, naalala ko pa. Dyan ka kaya unang natutong mag back dive."
"May himala! Nagsalita si Mark!"
"Gago! Naalala ko lang. Dati galit na galit sakin mama mo. Bad influence daw ako sayo. Eh ikaw nga nagturo sakin mag back dive eh."
"Oo nga. Tama. Naalala ko na." Walang pag-aalinlangang pagsang-ayon ni Marco sa kanyang pinsan.
"Wait! Kuya Mark, are you dancing as well?"
"Oo naman, Keith. Ano ka ba? Kaming dalawa ni Marco ang founders ng Black Heart Maneuvers. Unang recruit namin itong si Oswald."
"Wow! That's awesome! Siguro ang daming girls ang humahabol sa inyo. Puro kayo pogi eh."
"Hay naku Keith, sinabi mo pa. Kapag nanunuod nga kami ng contest ng mga kabarkada ko, maraming mga babae ang masama ang tingin samin kapag nagche-cheer kami sa kanila. Pano ba naman, napagkakamalan kaming girlfriend ng isa sa mga members ng BHM. Hindi kami tanggap ng mga fans, k."
"Ganun? May ganung drama pa pala kayo?"
"Ay oo girl! One time nga pinagtripan namin eh. Bigla kong inakap at hinalikan yang si Mark, binato ako ng plastic cup ng isang fan. Gaga yun!"
"Oo, at muntik ka na mapaaway. Kung hindi ka pa tinawag na 'ate' nitong si Mark, hindi sila titigil sa pangha-harass sayo."
"Naku Oswald, uupakan ko talaga yung mga 'yon. Kung 'di nyo lang ako pinigilan ni Marco, makakatikim talaga yung bruhang 'yon sakin."
"When did that happen?" Pangungusisa naman ni Ray.
"Last month lang. Nanalo kasi sila dun sa contest sa San Dionesio. Tsk! 'Wag na nating pag-usapan 'yan! Napaka NEGA! Ang ganda ng gabi, 'wag nating sirain, k?"
BINABASA MO ANG
One Summer
RomanceLahat tayo ay may kanya-kanyang kwento ng pag-ibig. May kanya-kanya rin itong ending. Minsan masaya, minsan malungkot. Minsan nagkakatuluyan ang lovers, minsan nagkakahiwalay. Ganun pa man, walang fairy tale pagdating sa pag-ibig. Walang prince char...