Chapter 3
MonthsaryWeeks have passed, and monthsary namin ngayon. Wapa namang nangyaring maganda noong mga nakaraang araw kaya hindi na dapat ikwento. Nambwisit ng nambwisit lang si Jungkook.
'Wag kayong magtaka, alam niyo naman si Jungkook. Paulit-ulit niyang sinasabi sa'kin yan. Hindi ko talaga makakalimutan.
Nandito ako sa mall para maghanap nang maireregalo dun sa Ilong na yun. Wala na ata dapat akong bilhin dahil nasa Ilong niya na ang lahat. Chos.
Dahil kanina pa ako nag-iikot at wala pa akong mahanap, napag-isipan ko munang kumain dahil gutom na gutom na ako.
Umorder lang ako ng dalawang malaking fries, burger, isang sundae at 2pc chicken. Kaso wala na atang bakante. Sakto at may umalis na at doon nalang ako umupo sa 4 seater.
Sarap na sarap ako sa pagkain ko ng may magsalita. "Ahm miss? Pwede makishare? Wala na kasing bakante eh. Is it okay?"
Napatingin ako sa kanya at shems. Siya yung gwapo na errrr napatungan ko nung nag ice skating kami ni Kookie.
"Oh sure." sabi ko.
Nilapag niya na yung pagkain niya at nagsimula ng kumain.
"You look familiar. Have we met somewhere?"
The boy suddenly blurted out kaya nagulat ako. Natatandaan niya ako? Parang natuwa naman ako na naalala niya ang beautiness ko. At saka nakaka-nosebleed! Englishero ang koya mo.
"Wait. Ikaw yung sa skating rink right?" sabi nito.
Nagtatagalog naman pala jusko.
"Ah oo. Sorry nga pala ah? Dahil tuloy sa katangahan ko, nasaktan ata kita. Hehe." hinging pasensya ko.
Tumawa siya. "Its okay. And I never thought our paths will meet again."
"Destiny ata tayo." bigla kong nasabi.
Natakip ako sa bibig ko nang nanglalaki ang mata ko. Shems! Ano ba yung sinabi ko!? May boyfriend na ako pero lumalandi pa ako! Ang pogi naman kasi nito!
Natawa siya lalo. "Destiny nga siguro tayo. Jimin nga pala. Jimin Park." sabi niya at nilahad ang kamay na parang makikipagkamay.
Inabot ko naman ang kamay niya. "Yra. Yra Choi."
Agad kong binawi yung kamay ko pagkatapos kong magsalita. Shemay! Sobrang lambot ng kamay niya! Heaven!
Tapos na akong kumain kaya nagpaalam na ako kay Jimin.
"Ah Jimin, una na ako." paalam ko.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss [BTS FF]
Fanfiction"Isang kiss lang naman eh!" - Jeon Jungkook xx Credits and super thanks to -nytoclipse for the awesome current cover! xoxo