Chapter 2
iii"Kooks, uy. Okay ka lang ba talaga?" tanong ko kay Ilong.
Nung nasa mall pa kami siya ganyan eh. Nung nadatnan niya kami sa... awkward position namin nung lalaking pogi,naging tahimik na siya. Problema ba nitong ilong na 'to?
Pauwi na kami ngayon eh. Nagmamaneho siya ng kotse. Sosyal diba? Rich kid ang lolo niyo.
"Okay lang ako Yra." tipid nitong sagot sa akin.
Tignan mo? Ganito ba ang okay? Hindi niya ako tinatawag sa mga cheesy endearments niya! Yra nalang! I mean, hindi naman sa gusto ko yun. Abnormal itong lalaking 'to eh! Aish, basta!
"Tch. Bahala ka na sa buhay mo." bulong ko sabay pikit ng mga mata ko. Matutulog nga muna ako!
-------
"Yra... Gising na."
Nagising ako sa boses ni Jungkook. Nandito na kami?
Nauna siyang lumabas sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman as always. Typical Kook.
"Salamat Kooks." sabi ko pagkalabas ko ng kotse.
"Uhm, gusto mo bang pumasok muna?" alok ko.
Alam ko na sagot niyan e. Makapal mukha nito at makikikain muna at feeling close kela mudra at pudra.
"Hindi na."
Napanganga ako. Muntik na ngang pasukan ng langaw! Seryoso ba 'to?
Hinipo ko ang noo at leeg nito. "Wala ka namang sakit. Sinapian ka ba? Nasaan na yung makapal peys na Jungkook! Huhu ilabas mo!" sabi ko at niyugyog ang nga balikat nito.
Hindi talaga 'to si Jungkook.
"Yra. Problema mo ba?" natatawa nitong sambit.
"Luh! May malala kang sakit! Si Jungkook kasi abnormal, makapal ang mukha, at laging corny! Ang nasa harap ko ay ngayon tahimik lang! What's your problem bruh!" cool pero nag- aalala kong tanong.
Tumawa naman siya. "Wala,pagod lang. Kunwari ka lang kasi babes e, gusto mo lang na nilalambing kita lagi." sabi niya at tinusok tusok ang tagiliran ko.
And now he's back. Jungkook ilong is back. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis nanaman.
"Che. Ano uuwi ka na talaga?" tanong ko.
"Siyempre hindi! Mamimiss ko na sila mother-in-law at father-in-law! Mag sleep over na din ako dito kasi hindi na naman ako papauwiin ni kuya Ysen!" sabi niya at hinatak ako papasok sa loob ng bahay ko.
Hays. Bumalik narin pati kakapalan ng mukha niya. Jungkook talaga tsk.
-------
Gising na ako pero ayoko pa ring idilat ng mga mata ko. Ang bango bango kasi nitong unan ko! Ang lambot pa!
Mas lalo kong diniinan ang yakap ko sa unan. "Hmmmm! Ang lambot! Ang sarap yakapin!" sabi ko.
Kaso bakit parang gumagalaw yung unan! Wait. Jusko!
Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Oh..my..gahd.
"AAHHHHHHH! RAPE! MOMMY! DADDY! KUYA! WAAHHHH HELP ME HUHU! RAPE RAPE RAPE!"
Nagising naman ang walanghiyang ilong. "Saan yung sunog?" sabi niya.
Binatukan ko naman. Sabi ko rape tapos ang sabi sunog? Baliktad talaga utak nitong batang 'to eh. Akala mo hindi 18 years old.
"Aray, sinta ko, bakit ba? Ang sarap ng tulog ko oh!" sabi niya habang nakanguso.
Nagrereklamo ba 'to bwisit. Bahay niya? Kwarto niya? Colored juice talaga!
Nakakaawa talaga ako. Bakit ko nga ulit sinagot 'tong lalaking ito?
"Bwisit ka! Anong ginawa mo sa akin, ha? Nirape mo ako! Waaaah!" sabi ko at naghysterical na naman ako. Hinampas hampas ko naman siya.
"A-aray! Hindi kita n-nirape! Lasing ako kagabi kaya akala ko ito yung guest room." Sabi niya habang sinasalo yung mga hampas ko.
Pero wait, lasing siya? Naglasing siya? Harujusko nakaka high blood 'tong itlog na 'to!
"Uminom ka?" matalim kong sabi sa kanya.
Natakot naman siguro siya dahil nakita kong napalunok siya. "Irog ko, ano kasi.. Alam mo naman hindi ko matanggihan si kuya diba? S-saka hindi naman ako nalasing ng todo! Konti lang! Hehe!" sabi niya at nung sinabi niya yung 'konti lang' ay inaction niya pa yung sa commercial. Malala na tama nitong bata na ito.
"Anong nagyayari dito?" biglang epal ni Kuya Ysen na bigla bigla nalang pumapasok ng kwarto.
Binato ko nga siya ng unan. "Hoy pangit! Bakit naman pinainom 'tong lalaking 'to! Tsk! Muntikan na akong marape! Narinig mo yun? Muntik na! Huhuhu!" drama ko.
Binato niya pabalik sa akin yung unan na binato ko sa kanya. "Nakadrugs ka na naman kapatid. Tigilan mo 'yan sis." nang- aasar na sabi nito.
Tinignan ko sila ng matalim. "Bibilang ako ng tatlo. Kapag nandito--"
Hindi na ako natapos sa sasabihin ko ng nag-unahan silang umalis sa kwarto ko.
Tumayo ako at pinatunog ang mga daliri ko.
World war iii na dis.
----------
Ysen read as Aysen.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss [BTS FF]
Fanfiction"Isang kiss lang naman eh!" - Jeon Jungkook xx Credits and super thanks to -nytoclipse for the awesome current cover! xoxo