Chapter Six: The Boyfriend

229 11 16
                                    

Malori

"Ma'am, okay na po ang kotse n'yo. Pero kailangan na po palitan ng bago ang baterya. Kung gusto n'yo po ay dalhin n'yo sa shop para kami na po ang magpapalit." Paliwanag ng mekaniko sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Pero kaya pa naman 'yan hanggang weekend 'di ba?"

"Kaya naman po,ma'am. Basta dalhin n'yo lang po kaagad para hindi na maulit na tumirik sa gitna ng daan."

"Sige po, salamat. Magkano po pala babayaran ko?"

"Okay na po ma'am. Na-settle na po ni Attorney." Sagot ng isang lalaking kasama.

Why do I have these rare feelings the moment I hear his name? Naalala ko tuloy 'yong nangyari noon sa lobby ng building nila. What I felt that time is the same feeling I felt earlier. Mahina kong natampal ang aking noo ng bumalik sa alaala ko ang tagpong iyon. Nakakahiya!

"Sige po ma'am, aalis na rin po kami."

Tumango na lamang ako dahil wala na naman akong sasabihin o itatanong. Pupuntahan ko na lang siguro siya sa opisina n'ya para magpasalamat. Awkward naman kung tatawag lang ako. Isa pa, para humingi na rin ng dispensa sa pagkakalat ko na naging dahilan pa ng pag-init ng ulo n'ya noong araw na 'yon. Tsaka hindi ko alam cellphone number n'ya.

Sumakay na ako sa kotse. Kailangan kong makarating sa studio kaagad dahil tanghali na. May kliyente akong kausap para sa gagawing paintings sa newly built mansion nila sa The Forbes.

Yes, my job is an artist. This is not my dream job; it was my sister. Bata pa lang kami ay mahilig na rin talaga kaming magpinta, at paborito kong gawin ay ang sunset at magagandang view na napupuntahan na naming pamilya noon. She had always asked me to make a diagram of those sceneries, at nilalagay niya iyon sa kaniyang paboritong album.

My dream is to be an international flight attendant. I love to travel and discover how beautiful the world is. Pero ang pangarap na iyon ay nagbago at tuluyang naglaho, dahil sa pinakamasakit na pangyayari sa aming pamilya. I shook my head at the painful memories from the day that we lost her sixteen years ago.

Ang pagkamatay ng kapatid ko ang nagtulak sa akin para maging isang pintor. Dahil dito, palagi ko siyang nararamdaman at hindi nakakalimutan. Will you feel surprised if I told you that every year, before her birthday, I make face paint of her as my birthday gift? Yes, I did, and I would hang those frames in her room.

Simula noon, sa akin na nabunton ang lahat ng paghihigpit nina mommy and daddy. They never let me go out without a bodyguard. Boys? No boys allowed. Call me weirdo, but yes. Isa ako sa mga babaeng nagsasabing NBSB (no boyfriend since birth) at NBKNBT (never been kiss, neven been touch) dahil kung hindi, baril ni dad ang katapat. Itinigil lang nila ang paghihigpit sa akin when I graduated from college and decided to bought a studio and work. My studio was in the heart of Makati. Very city life, kaya madaming tao palagi.

***

Nakaparada na ang sasakyan ko sa harap ng studio at napansin kong may isang sasakyan pa ang naka-park 'di kalayuan sa pinagparadahan ko. Naisip ko na baka ito na ang kliyenteng kausap ko. Kinuha ko na ang mga gamit ko at dali-daling bumaba. I should not let them wait for me for too long, that is very unethical.

Pagpasok ko ay sinalubong kaagad ako ng assistant ko na si Karla, kinuha ang mga folder and magazines na dala ko habang nagsasalita. "Ma'am, may bisita po kayo. Mahigit isang oras na po siya naghihintay kaya pinapasok ko muna sa showroom para hindi mainip."

"Shit," bulong ko. Dali-dali akong naglakad papunta sa opisina para ayusin muna ang sarili bago harapin ang kliyente. Bago ko tuluyang buksan ang pintuan ng opisina ay nilingon ko ang assistant. "Karla, call The Goatea House. The usual food for visitors, please." Ngumiti ako.

Elliot James Hart (Wild Men Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon