January 02

2 0 0
                                    

Late na naman nagising kanina, mga around 12 o'clock pero halos tamad din bumangon pagkagising, around 2pm na ako bumangon at nag hain ng makakain, pagkatapos kumain at magligpit naupo ako sa desk ko at sabi ko sa sarili ko, ano kayang gagawin ko ngayon. siguro nakakadagdag ng tamad kasi umuulan din, malamig ganun gusto mo na lang humilata, pero nag desisyon akong lukabas around 5pm, sabi ko "kunin ko kaya yung pinadevelop ko last december 29 sa sta. mesa baka oky na yun" dali dali nga akong nag gayak para pumuntang sta. mesa, paglabas ko ng bahay sabi ko mag commute na lang ako ganyan. kaso eto na naman tinamad akong mag jeep ng dalawang beses papuntang LRT 2, kaya ng makakita ako ng angkas rider sinubukan kong mag book ng angkas hanggang sa recto station, ng makarating sa recto station, umakyat ako nag tap ng beep card nag antay ng tren at naupo, 4stations lang from recto to sta. mesa kaya saglit lang din ako na nasa tren.
pagdating ko ng SM Sta.Mesa sabi ko parang gusto ko ng food o snacks sinubukan kong maghanap kung ano pwedeng makain ganun and actually ang hinahanap ng bibig ko ay rice in a box ayun naghanap ako ikot dito  ikot dyan kaso wala akong nakita di ko nakita hinahanap ko kaya umakyat na lang ako sa 3rd floor para kuhain yung pinadevelop ko pagdating ko sa photoline nagtanong agad ako at sinabing baka makahingi ng printer copy na wallet size ng gantong images at ayun na nga i loved my developed films from 2022 bibili na sana ako ng panibago ulit na film para ngayong 2023 ang kaso wala daw silang stock ng film ngayon, sad kaya ayun umalis na lang ako at nag book na ng angkas pauwi well sorry medyo tamad akong bumyahe and di ko feel na magbyahe di na ako masyadong sanay kaya eto babaeng joyride at angkas muna hahaha nakabook naman ako agad at umuwi na, bago pa man din makarating sa bahay, around 5:30 sguro nito nag message isa kong co-officer sa choir at sabi niya na mag meeting daw kami tas nagbigay sya ng agenda, sa totoo lang okay naman sana mag meeting ng face to face ang problema ko don ang daming agenda tas gusto asap like porket pabor sa oras nila, alam mo yun ? sana man lang umaga nag sabi na magkakameeting ganto paghandaan niyo yan mas okay sana kung ganun, kaso hindi kaya sabi ko ay hindi online lang ako makak attend medyo timing din na sinisipon ako ganyan kaya ayaw ko makihalubilo muna sa kanila medyo napapadalas din kasi ang pag hatching ko kaya mas mabuti pang makinig na lang ako thru online.

Ng matapos nga ang meetig namin around 10:30 na that time, inaya ako ng isa kong ka choir para mag lugaw at nag go naman ako, ang kaso yung favorite naming lugawan sarado, so naglakad muna kami para pumunta pa doon sa isang lugawan, kwentuhan ganyan ng kung anu-ano lovelife etc. kaya ayun na nga napadaan kami sa isang murang samgyeopsalan tapos napaisip ako what if sa ganto na lang tayo pumunta kesa maglakad ng sobrang layo tas di naman din sobrang sarap ng lugaw, so ayun na nga bumalik kami pauwi kasi may mas masarap doon na murang samgyeopsalan kaya doon na kami nanatili, nagkwentuhan at nag sharean na din ng lovelife and everything, matapos kumain around 12:30 sinimulan na namin ulit magpababa ng kinain at maglakad lakad pauwi, ng makauwi naglaro lang ako ng valorant hanggang 3am habang kausap ang aking girlfriend at mayamaya nag desisyon na din sa pagtulog kasi di ko namalayan 4:20am na pala

Goodnight! 😴

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can't think straight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon