Ria
Grabe talaga 'tong si Idol gumawa ng pakulo. And bumawi pa talaga sya kay Princess. Ang saya saya ko para sa kanila ni Ye. Kailan ko kaya masosorpresa 'tong Stick ko?
Habang kumakanta sina Princess at Levy, hindi ko namalayan na tinitingnan na ako ng grupo at binigyan naman nila ako ng malisyosong mga tingin dahil titig na titig lang naman ako kay Jessey. (Wala eh, maganda na nga , Mahal ko pa!) Eto talaga! Niyakap ko nalang si Jessey at nagulat naman sya pero nginitian nya lang ako and hold my hands while hugging her.
Habang nakayakap ako sa kanya, ramdam ko naman na kinukunan kami ng mga stolen shots gamit ang camera rin ni Stick. (Sige, tuloy nyo lang yan. Swak sa pasabog ko sa nalalapit naming Anniversary. Hehe) Natapos na rin ang kanta nila Princess kaya pinatay na ang spotlight para magsialisan na ang mga dumayo ng guests sa garden. Benta ang mini-concert nila Levy! Hahahaha. May naiisip ako. *brilliant grin*
Nakayakap parin ako kay Stick, kumalas sya at nagsalita naman ito pero hindi ko masyado naintindihan dahil titig na titig pa rin ako sa kanya
"Babe, mag'stargazing tayo" ganda nya talaga
napangiti naman ako na parang baliw. "I love you too Babe!" ngiting sambit ko, nagulat naman ako ng hinampas nya ako ng malakas.
"Oh bakit nanaman?" takang tanong ko
naningkit naman ang mga mata nito at naunang pumasok sa loob. "O-oy Stick! Hintayin mo 'ko" ang mga tao naman sa paligid ko ay nakangising loko
"Nangangamoy away!" tukso ni Kim, sinamaan ko naman sya ng tingin
"Wala ka pala Ate Ri eh! Tampururot si Ate Stick! Hihih" si Princess naman ang humirit, nagsalita naman si Levy "nangangamoy break up! hehe Joke Ate Ri. Mag marathon kna ngayon din at habulin si Ate Jess!" loko loko talaga!
"Wag nga kayong ganyan!" sigaw ko at hinabol si Jessey
Jessey
Nakakainis talaga 'yang si Riri! Gusto ko lang sana maglambing at makasama sya sa gabing 'to na kaming dalawa lang talaga. Inaya ko pa syang mag stargazing kami. Tas hindi pala sya nakikinig sa mga sinasabi ko! Biruin mo, "I love you too Babe!" ang sagot sa'kin. Baka naman akala nya isa ako sa mga babae nya habang nagsspace out sya! Na'ko! Sinasabi ko talaga, pag totoo ang nasa isip ko, hindi nya na maimumulat ang mata nya!
Alam 'kong hahabulin ako ni Riri, kaya binilisan ko talaga ang pagtakbo ko para mahirapan sya na hanapin ako dito sa playground ng resort pag nagkataon. Nuxx. (Okay lang, pretty naman ako. Hihi)
Napaisip na rin ako ng madaming bagay. Malapit na pala ang anniversary namin ni Riri. And this time, ako naman ang mag-eeffort ng bonggang bongga! So there, I end up planning our anniversary. Naramdaman ko naman na may naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko.
"Babe, sorry na. Grabe, pinagod ako kakahanap sa'yo. Halatang pinagtataguan mo ako ah." medjo hinihingal pa sya habang sinasabi ang mga 'yon at umupo sa katabing swing.
napabuntong hininga naman ako. hindi ko parin nakakalimutan 'yung iniisip ko kanina ah! "Ikaw! Sino ang babae mo?!" lumaki naman ang mata nya, kung may ilalaki pa ba ito.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
Non-FictionWell, now If little by little you stop loving me. I shall stop loving you Little by little. If suddenly you forget me. Do not look for me. For I shall already have forgotten you. If you think it long and mad the wind of banners that passes through m...
