Mela
Nanunuod kami ni Stick ng tv dito sa baba. Sabay din kasi kaming aalis papuntang school, kanina nya pa tinatawag si Riri pero di pa ito bumababa. Tumayo naman si Stick at umakyat para sunduin na mismo si MaRiri. Nang biglang may kumatok sa main door namin. Wala naman akong choice, kundi buksan ito. Alam ko si Mika na ito kasi malapit na daw sila sabi ni Stick. Pero habang papalapit ako sa pintuan, nakaramdam ako ng kakaibang energy na parang kinakabahan na ewan. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang bulaklak at hindi tao. Hala?! Naglalakad na ang bulaklak?! (OKAY, last ko na yun) Agad naman nyang tinanggal ang bulaklak na nakaharang sa mukha nya. Napasigaw nalang ako sa laking gulat ko na si Noggy pala at nakangisi pa ang loko.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!" sabay yakap ko sa kanya namiss ko si Kimy
"Hindi mo ba kami papapasukin Dyowzah? Hindi dapat naiinitan ang Reynea!" singit ni Mika sa moment namin at tumabi kami ni Kimy para makapasok si Mika.
"Namiss kita Noggy!!!!!! Huhuhu Kaya pala hindi ka nagrereply sa mga text ko kanina!" at umupo na kami sa sofa.
"Kasi nga diba surprise? Eto oh, flowers tska chocolate. Hehe" sabay abot sakin ng dala nya at kiniss ako sa forehead. AWWWW *insert kiligness overload*
"Bayan! Nilalanggam na ako dito, maglinis nga kayo. Hmp, Nasan na ba si Kapre?" ani ni Mika haha magselos ba naman
"Sagutin mo na kasi si FO nang hindi ka langgamin dyan. Hahaha Ayun sa taas, sinundo ni Stick." pangiinis ko naman sa kanya. Hahaha
"Bf, sandali lang ah? Pababa na kami!" sigaw naman ni Jz galing sa taas bigla namang niluwa si Chloe galing main door at hinahabol pa ang hininga nya
"Grabe ang init talaga!" reklamo naman nito
"Malamang!" sagot naming tatlo ni Mika at Noggy
"Ay? Bully talaga, Hello! Dito pala kayo? Grabe kapagod" at nagbeso naman saamin
Bumaba naman sila Stick at Riri. Sa wakas naman!
"Akala ko hindi na kayo bababa. Lika na? Dapat maabutan natin na tulog ang pasyente" sabi ni Mika
"Onga, alis na kayo Ri." pangtaboy naman ni Jz sa kanya.
"Aba, san kayo lalarga?" sabat naman ni Chloe
"Pupunta kami ng St. Luke's Chloe." sagot naman ni Ria
"Ah sige, ingat kayo!" ganti naman nito
"Osige, alis na rin tayo Tunay!" pangimbita ni Jz sakin
"Eh pano ako?" tanong naman ni Noggy ko
"May ipapasa lang naman akong project B, balik nalang ako kaagad. Okay ba? Nandito naman si Chloe eh." sagot ko naman
"Sige na nga, hintayin nalang kita. Miss kita B" *pouts* nagdrama pa. hinatid nya kami sa labas kasabay sina Jz, Ria, Mika at Chloe
"O.A ka B ah! Babalik naman ako. Oy Chloe ah, wag mo'ng aawayin si Kimy!" pagbabanta ko kay Chloe
"Ako pa talaga ang aaway dyan? Eh bully forevs kaya yan!" pangdepensa naman nito
"Ay ewan, magkikita naman kayo mamaya! Alis na tayo." singit ni Jz habang papunta sa sasakyan nya.
"Wait Stick, magdadala ka ng car?" tanong ko sa kanya.
"Ah, oo. Susunod ako kina Bf mamaya sa St. Luke's eh. Oh ano? Sasakay ka ba o hindi?" tumakbo naman ako sa passenger's seat.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
No FicciónWell, now If little by little you stop loving me. I shall stop loving you Little by little. If suddenly you forget me. Do not look for me. For I shall already have forgotten you. If you think it long and mad the wind of banners that passes through m...
