Chapter 7

37 2 0
                                    


3rd Persons POV


Natataranta na si Manang Ana dahil ngayon din ang dating ng Daddy ni Mila galing sa business trip nya. At ngayon papunta sila ng kasama nya na si Daisy at Mang Damian papuntang Ospital.


"Nay Ana, Ano na po gagawin natin? Ngayon pa naman dating ni Sir Greg!" Taranta na tanong ni Daisy kay Manang Ana.

"Wag mo nga akong tarantahin! Damian! Malapit na ba tayo? Bilisan mo. Baka hindi na makahinga si Mila! Ano!? Dali!!!" Baling naman nito kay Mang Damian na ang bilis bilis na ng patakbo ng sasakyan. Buti nalang at hindi masyadong traffic.

"Ayan na, malapit na ho." Sagot ni Mang Damian.

"Sige, hay jusko. Kasalanan ko ito! Kung hinanda ko lang agad ang gamot nya dahil alam ko'ng hipon ang ulam." Sabay himas ng buhok ni Mila.

"Nay, hindi nyo po kasalanan yun. Kukunin nyo na nga sana diba? Kaya lang hindi na sya agad nakahinga at nahimatay na. Alam mo naman ang allergy ni Mila, Maarte! At tsaka hindi naman ikaw ang nagluto Nay! Kaya wis kang kasalanan" Sagot naman ni Daisy.

"Haaay. Eh kasalanan pa ngayon ni Vic? Wag ka ngang ganyan! Sarap na sarap ka nga kanina. Umayos ka ga ng pananalita, at hindi kita maintindihan. Para ka'ng bakla riyan!" Pikon na sabi ni Manang Ana


Pagdating nila sa Ospital ay dineretso agad sya sa Emergency Room para i check ng mga doctor. Kinausap rin si Manang Ana para sa mga ilang katanungan.


"Manong Dams! Ano oras dadating si Sir? Alam na ba nya? Eh si Ate Ye? Alam na nya? Kasalanan kasi ni Pogi eh!" Pagdadabog ni Daisy.

"Ewan ko, Si Manang Ana na ang bahala sa pagsabi kina Mam at Sir. Pogi? Yung kasama ni Mam Ye? May gusto ka dun noh? Naku wala ka nang pag-asa ineng!" pang-aasar ni Damian kay Daisy.

"Bakit ba? Di ko naman aagawin eh. Pero, kamusta na kaya si Princess? Sana okay lang sya." ani Daisy

"Kakayanin yun ni Mila" tipid na sagot ni Damian.


Bigla namang sumulpot si Gregorio Reyes sa harap ng dalawa.


"S-sir? I-ikaw ba yan?" Nauutal na tanong ni Mang Damian. Ngkusot pa ng mata si Daisy para mapatunayan na hindi sya nananaginip.

"Ah-eh, Hi Sir! Kararating nyo lang?" Sabi naman ni Daisy.

"Nasan si Nanay Ana? Si Princess? Asan?" Kalmado pero seryosong tanong ni Greg sa dalawa. Sakto namang lumabas si Manang Ana.

"Sir, nandito na po pala kayo. Maghintay nalang daw po tayo sandali. Okay na daw ang lagay ni Princess. Maya maya pa ay ililipat na sya sa private room nya." Tumango naman si Greg sa sinabi ni Manang Ana.

"Kawawa naman ang Prinsesa ko, di pa sya tuluyang gumaling sa lagnat. Ospital naman ang abot nya. Hayyy." Magkahalong lungkot at pagkadismaya sa tono ng pagsalita ni Greg habang nakaupo kasama sila Manang Ana. Hindi nalang sila umimik ng biglang ilabas si Mila sa E.R. at diniretso sa private room nya. Agad naman silang sumunod.


Pagkapasok kay Mila sa private room ay nagpaalam na rin ang naghatid sa kanya pero may naiwang nurse na may chinecheck lang sa mga nakaturok sa kanya dextrose at kung anu ano. Nang magsalita si Greg.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon