One shot story ito pero maraming nag-request ng part II, kaya ginawan ko po.Dahil mahal ko kayo heto na po yung hinihintay niyo.Happy reading:)
♡ Minahal Kita ♡
"You know what Yisha, tatanda ka talagang dalaga".Sabi ni Tricia sakin habang inaabutan niya ako ng alak.Kinuha ko naman agad.
"Balak mo ba akong lasingin".Sabi ko ng makaupo ito sa tabi ko.Tumawa naman ito.
"Ayos lang naman maglasing ha, wala ng magbabawal sayo".Sabay irap nito sakin.
Heto na naman, lagi niya nalang pinapa-alala ang mga bagay na matagal ko ng pipinilit kalimutan.Pero kahit anong gawin ko ata hindi basta-basta iyon mawawala dahil kahit tatlong taon na ang nakakalipas siya parin ang gustong kong balikan.Umaasa parin ako hanggang ngayon na dadating ang araw na ang binitawan kong salita ay mangyayari...ang salitang "comeback".
Hindi naman siguro masama ang umasa hindi ba?
"Gaga.May work pa ako".Sabi ko dito.
"Yan ganyan nga Yisha ipakita mo ang tunay na ikaw.Hindi yung ang hinhin mo para kang umaaktong mala Maria Clara".Sabi nito saka humalalpak ng tawa.
Napailing nalang ako sa kanyang sinabi.
"Ano may nahanap ka".Tanong ko dito.
"Wala".Sabay iling nito."Mali ata tayo ng napuntahan na club ang hihina ng mga lalaki dito.Nung nakaraang araw na pinuntahan natin nakarami ako".Saad nito habang pinapalibot ang paningin nito naghahanap ng igop.
"Ang landi mo".Sabi ko dito habang sumimsim sa alak na inabot nito kanina.Hindi ko namalayan kung pang-ilan baso ko na ito hindi ko narin nabilang, kanina pa kasi bigay ng bigay si Tricia.Ng maubos ko ito naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko.
"Tricia".Sigaw ko dito para marinig niya ako.Pero hindi niya ako sinulyapan busy ito sa pakikipagsayaw sa lalaki.Kanina lang sinisaraan niya itong club na pinuntahan namin tapos ngayon halatang nag-eenjoy.
Tumayo na ako, muntik pa akong matumba dahil sa sakit ng ulo ko pakiramdam ko tuloy umiikot ang mundo ko.
"Tricia" , subok ko ulit na tawag pero hindi niya parin ako binalingan."Bahala siya naiihi na ako".
Habang pasuray-suray ako sa paglalakd papunta sa cr.Hindi ko na nga alam kung cr pa ba itong tinatahak ko.Ganun na lamang ang gulat ko ng may mabunggo ako."Sira ka Yisha hindi mo tinitiganan ang daan" sabi ng isip ko.
Tinaas ko ang paningin ko para humingi sana ng sorry, pero halos magtaasan ang balahibo ko ng masilayan kung sino ang nasa harapan ko.
"Your drunk".Baritonong boses nito.Na muntik ko ng kinagulat.
"I miss you".Sabi ko dito saka pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa leeg nito.Hindi ko alam kung dala ba ng alak ito kung bakit ako ganito o talagang makapal lang talaga ang mukha ko.
Ngumisi ito sakin."I miss you too, Yisha".Malambing na sabi nito na kinangiti ko.Ang kanina na niihi ako ay bigla nalang nawala dahil mas natuon ang atensyon ko sa lalaking kasama ko ngayon.
Panaginip lang ba ito kung oo ayaw ko ng magising.
"Ouch" daing ko sabay sapo ko sa noo ko.Sisihin ko talaga dito si Tricia dahil sa niyaya pa niya pa ako, yan tuloy ang sakit ng ulo ko.Magpapalit sana ako ng damit ng mapagtantong nakapangtulog na pala ako ng suot.Tumayo ako para tignan ang ayos ko sa salamin.
Hindi ko nalang sisihin si Tricia binihisan pala ako nito saka tinanggal pa ang mga make-up ko."Ano kaya nakain nun?" Tanong ko sa isip.
Pagbukas ko ng kwarto ng pintuan nakita ko agad si Tricia na nanunuod ng T.V habang ang paa nito ay nakapatong sa center table.Bumaling ito sakin habang nakataas ang kilay nito sakin.Anong problema nito?
YOU ARE READING
Minahal Mo Ba Ako?
Cerita Pendek"I'm sorry love.You know how much I love you.Pero kahit anong gawin ko hindi parin yun magiging sapat para sayo Ceb kasi si Rain parin yung nandyan", sabay turo sa dibdib nito na tapat ng puso niya.-Yisha