YOU,ME& the RING chapter 3: It is nice to finally know your name

201 5 3
                                    

pauwi na talaga si Janelle kaso naisipan nyang galitin si mister sungit. Tumakbo muna sya sa malayo, yung tipong kahit mabilis pang tumakbo si mister sungit di na nito maaabutan si Janelle.

"Hey mister! Are you tired of seeking this ring?" sabay labas nung kaliwang kamay nya at ibinulgar ang sing sing na naka suot sa palasingsingan nito.

"hoy babae!!!" gusting takbuhin ni Al ang pagitan sa kanilang dalawa at hablutin ang sing sing pero alam nya na imposibleng maabutan nya pa si Janelle " ibalik mo yan, Akin yan! You scam!"

"bleeeeh" nababadtrip na talaga si Al, bineratan kasi sya ni Janelle. " akin na to noh! Winala wala mo eh! Finders Keepers" at buong pag mamalaki pa nyang inangat ang kamay nya kung saan naka suot ang sing sing

"May araw ka din sa akin ! Payatot!" di alam ni Janelle kung matatawa sya sa sinabi ni Al o maiinis. Kasi naman parang bata kung manukso

"Sexy ang tawag sa katawan ko di payat! Tanga lang kuya?" alam nyang naubos nya na ang pasensya ng kausap kaya tumakbo na sya ng tuluyan habang parang buntot naman na sumunod ditto si Allyssa.

--------

"ginagago ba talaga ako ng tadhana?" naiinis si Janelle kasi naman iniiwasan nya na nga mag krus landas nila nung Al na may-ari ng sing sing na napulot nya tapos eto ngaun! Nasa harap nya lang naman ito ngaun at gusto maki share ng table sa kanya.

"Hi. Payatot! Can I sit next to you?" di nya alam kung ano sasabihin nya, kaya tumango nalang sya

"hep hep! Wag sa tabi ko! Dyan ka nalang sa harap ko, ayoko may katabi" dahilan nya lang yon. Ayaw nya kasi tabihan sya ni Al dahil mahihirapan sa tumakas mamaya. Umupo na si Al sa tapat nya

"bat di ka lumilingon dyan? Kanina ka pa nakadukdok dyan sa lamesa" kainis feeling close!

"wag ka nga FC dyan, di tayo close! nag susulat ako di mo nakikita? Bulag ka?" pasinghal na sabi ni Janelle

Bakit ba ang init ng ulo neto? Parang menopause na babae eh! I'm just trying to be friendly here, friend with hidden agenda. Well di naman na sya hidden agenda kasi for sure alam nyo na kung bakit ako nag babait baitan sa payaton na to eh. Syempre para makuha yun sing sing!

Tapos na si Janelle sa ginagawa nya ng biglang hablutin ni Al yung post-it note na pinag sulatan nya. Well wala naman sa kanya yun, kasi yung sinulat nya balak nya rin naman talaga ibigay kay Al . Kinuha na ni Janelle yung shoulder bag nya at yung float na di nya pa naiinom.

Napansin ni Al na aalis na sya " san ka pupunta? Tataksan mo na naman ako noh? " tama naman si Al

" oo tatakasan kita! May problema ka?" tapos kumaripas na sya ng takbo

Aalis na din sana si Al sa kinauupuan , nakita nya ang medyo yukot na post-it notes na hinablot nya kanina kay Janelle

It says:

"Hoy mister sungit! Balak ko naman talaga ibalik ang sing sing mo" matutuwa na sana sya kaso mag kadugtong pa itong PERO. " pero kailangan mong gawin ang mga sumusunod" wow ha! Demanding si payatot!

Una: I need you to be my boyfriend until sabihin ko na break na tayo! Naintindihan mo?

Pangalawa: Kahit na boyfriend na kita kailangan mo akong ligawan! Ihahatid sundo mo ako! Susunduin mo ako sa bahay at ihahatid sa school ko. Pag uwian na susunduin mo ako sa school ko at ihahatid sa bahay.

Pangatlo: Pag tinext kita mag reply ka kaagad! Sasamahan mo ako palagi mag shopping dahil ikaw ang gagawin kong taga bitbit ng pinamili ko

Pangapat: Kahit na hindi serious relationship ang namamagitan sa atin hindi ka pwedeng mag karoon ng kahit ano mang ugnayan sa ibang babae maliban sa pamilya mo! Isaksak mo yan sa utak mong kasing laki ng butil ng monggo okay?

YOU,ME& the RINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon