Story 1 : Lukas : The beginning : Ch. 1 : Part 1

3 0 0
                                    

Isang araw na lang bago magsimula ang panibagong taon ng highschool sinimulan kong siguraduhing nakahanda at nakaayos na ang lahat ng gamit ko habang nilalagay sa bag ko, matutulog na sana ako nang tumunog ang phone ko. My god who would call me I'm  so frickin tired JUSMEYO can I at least get a break.

Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung sino ang tumatawag at si mama pala?!

limang taon na nagtratrabaho abroad si mama since wala na si papa naiwan ako sa tita ko na halos araw araw galit sa kanya, laking gulat ko nung tumawag siya dahil lagi siyang busy gawa sa trabaho nya kaya bihira lang niya akong tawagan.

"hello? Ma?" Tanong ko agad pagkasagot ko ng tawag.
"Ma? nandyan ka ba?" Tanong ko ulit na nag-aalala na baka may nangyaring masama.

Biglang nakinig ko boses ko sa likod ng pinto ko, kaya nanlamig ako at hindi ako maka galaw, mamamatay na ba ako?, may nangyari ba kay mama, nag mamakaawa ako wag po muna may mga pangarap pa po ako.

Habang unti-unting bumukas ang pinto ay ipinikit ko nalang ang aking mga mata dahil natatakot akong tingnan kung ano ang naghihintay sa likod nito…

May nakinig akong mahinhin na boses kaboses ni mama pero hindi ko na dinig ang sinabi nya pero sigurado ako na babae ang nagsasalita, kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala kung sino iyon.

S-Si mama nanlaki ang mata ko, hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa sobrang dami kong emosyon na naramdaman, sobrang namiss ko si mama, tumakbo ako papunta sa kanya at iniyakap siya ng sobrang higpit dahil natatakot akong iwan niya ulit ako.

"Musta kana anak?" Sabi ni mama habang nakayakap sa akin pabalik at pinipigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Sobrang namiss kita ma" sabi ko sa garalgal na boses.

Nang kumalma na kami ay lumabas kami ng panandalian para mag-usap at uminom ng kape, ipinaliwanag niya sa akin na umuwi siya for good dahil nakahanap siya ng magandang trabaho sa Guabanos Quezon Province.

Mula sa narinig ko ang bayan na iyon ay puno ng mga matagumpay at mayayamang tao kaya naintriga akong marinig na nakahanap siya ng trabaho doon at ng bahay, ngunit na realize ko bigla ay kailangan kong lumipat.

"Wait ma" sabi ko tapos napatigil siya sa pagsasalita "Ano yun anak?" Tanong nya "Ibig sabihin ba kailangan na nating lumipat?" sabi ko ng may pag-aalala tonk. "Oo anak sorry, kakailanganin mo iwan ang buhay mo rito" sabi ni mama na may malungkot na tono.

"Ok lang ba sayo?, alam kong biglaan ito, limang taon na akong nawala at hindi nagpapakita sa iyo tapos ngayon bigla nalang ako dadating tapos hihilingin pa na sumama ka saakin sa pag lipat kaya naiintindihan ko naman kung ayaw mo pa" sabi ni mama na na nag bigay sa akin ng assurance.

"Hindi po, ayos lang po saakin umalis pero paano po si tita?" Nag-aalala akong nagtanong, paano pag nalaman ni tita nag-iisip kaming umalis.
"Edi papabayaan natin tutal ayaw din naman niyang nandito tayo edi aalis nalang tayo" sabi ni mama.

Matapos ang ilang oras na pag plaplano ng pag alis namin ay nag simula na kami mag impake at mag ayos ng gamit.

Kung nag tataka kayo kung nasaan ang tita ko sa mga panahon na yan nag out of town sya at nag eenjoy ng buhay pero iilang araw lang syang wala kaya nag mamadali na kami alam nya na nakauwi na si mama pero di nya alam ang plano naming lumipat, pag nalaman nya yun magagalit yun ng husto kaya tinatago nalang muna namin.

"Anak, wag kana muna pumasok" sabi ni mama habang nag luluto ng umagahan
"Bakit naman ma?" tanong ko ng naka kunot noo. "dahil tratransfer ko na ikaw" sagot ni mama, nagulat ako dahil sa sinabi nya, napaisip ako kelan ba alis namin? at biglaan naman ang paglipat ko.
"Ma kelan naba alis natin?" nag tatakang tanong ko "pagkakausap ko sa tita mo baka mga sa isang araw" sabi nya kaya tuluyan akong kinabahan sa sasabihin ng tita ko.

Pagkatapos naming kumain ay kinausap na agad ni mama ang eskwelahan ko tungkol sa pag lipat ko parang pumayag yung school na palipatin ako kahit kakasimula lang ng taon matapos ang ilang minuto ay nag pasalamat na si mama sa kausap nya ibinababa ang telepona nya.

"Ansabe ma?" tanong ko kaagad, sumagot si mama habang naka ngiti
"Payag daw silang palipatin ka ako na bahala sa pag papalipat sayo" napangiti ako sa sagot ni mama pero na paisip padin ako kung ano pangalan nung school na lilipatan ko.
"Ma ano palang pangalan nung school na lilipatan ko?" nakangiti kong tanong
"Ah, ano Alitaptap Guabanos University" sagot ni mama habang naka tingin sa mga papeles nya at selpon.

Nanlaki mata ko dahil sa sinabi ni mama A.G.U ang papasukan ko ang paaralan ng "Rich and Famous"  hala OMG naman pano ako mag stastand out dun napaka famous ng school na yun pano yung tuition ko alam kong mahal ang tuition dun dahil napaka prestigious ng University nayuon saan kukuha si mama ng pang bayad.

"MA, A.G.U?! ANG MAHAL NG TUITION DUN TAPOS ANG YAYAMAN PA NG MGA ESTUDYANTE!" pasigaw kong nasabi dahil sa gulat.
..."May sponsor ka naman wag ka mag alala" sagot ni mama, napa kunot noo ako biglang nanlaki mata ni mama na parang may nasabi syang hindi nya dapat sinabi biglang umalis nalang si mama....
"MA ANONG SPONSOR?!?!" sigaw ko pero di naako sinagot ni mama, kelan pako nagka sponsor tapos ang yaman pa si mama talaga ayaw pang sabihin ay.

Nung natapos na si mama sa pag aasikaso ng mga papeles namin ng paglipat ng bahay at pag lipat ko ng school ay tinawagan nya agad si tita upang sabihin. Matapos ang ilang oras ay nagka intindihan na sila pumayag si tita na lumipat kami matapos ang ilang araw sa wakas makaka punta na kami sa bago naming bahay.

Kinabukasan ay diretsyo na kaming bumyahe papuntang sub division na mukhang pang mayaman ang mga bahay, habang papalapit na kami sa bahay namin ay halo halo emosyon ko may masaya may kinakabahan may nalulungkot di ko maintindihan basta ang alam ko handa na ako para sa bago kong buhay at bahay.

Nang makarating na kami ay ibinaba na namin mga gamit namin galing duon sa van na sinakyan namin. Napaka ganda nung bahay malaki at malinis may up and down din, 4 ang kwarto, 2 banyo, 2 kusina at 2 ang salas. nung inakyat ko mga gamit ko papunta sa kwartong napili ko at na mangha ako sa sobrang ganda at lawak nung bahay.

Pagtapos kong ayusin ang kwarto ko ay pina labas muna ako ni mama para daw makapag ikotikot ako sa lugar namin at baka sakaling maka kilala ng mga kaedad ko kaya pumayag ako,
habang nag iikot ikot ay may nakita akong tulay na may mga upuan na mahahaba para pwede kang tumambay at mag relax, agad ako pumunta at dumungaw sa tulay.

Habang dumudungaw ay agad na bumati saakin ay ang simoy ng hangin na malinis nabighani ako sa lugar na iyon, bukod na maganda, malinis at tahimik pa, napapalibutan sya ng puno at mga katubigan, walang basura sa dagat o sa ilalim ng tulay, para akong nasa isang panaginip na napaka ganda dahil sa mga nakikita ko.

...Habang nabihag sa kagandahan ng lugar ay napa tulala ako at napaisip ng kung ano-ano, sa sobrang lalim ng pagiisip ko ay hindi ko napansin na may tao na akong katabi na naka dungaw din....

Nung naramdaman ko na meron akong kasama ay napa tingin ako sa tabi ko ng sandali biglang napa lingun ulit ako dahil sa sobrang goodlooking nya like OMG ampogi like saglit na tingin lang napatulala bigla ako, ramdam kong bumibilis tibok ng puso ko, at umiinit pakiramdam ko.
Maputi, matangkad, mahaba ang pilik, itim ang buhok at mukhang nakaayos ang buhok, naka porma sya na parang galing sya sa isang date or event halatang mayaman, dream guy talaga.

Matapos ang ilang sandali ay naramdaman din nya atang may nakatingin sakanya kaya bigla syang napalingun ng dahan dahan at ilang sigundo kaming nagkatitigan at ngumiti
sya ng biglaan, yung mga ilang sandaling iyon ang pinakang magandang nagyari saakin dahil sa nangyaring iyon ay parang bumagal bigla ang mundo ko, napa ngiti din ako sakanya…

To be continued.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love that was Bound to EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon