My expensive star.

10 5 0
                                    

Mga mata mo'y kumikislap,
Tulad ng mga bituing nasa ulap.
Mga mata mong nag niningning,
Na alam kong mahirap abutin.
Katulad din ng isang bituin.

Dahil sayo nagliwanag madilim kong mundo,
Pakiramdam ko'y buo na ang pagkatao ko.
Ngunit matanong ko lang sayo binibini,
Ano nga bang meron tayo?

Taglay mong kagandahan,
Ganda nila'y dika nila kayang higitan.
Ugali mong kakaiba,
Dahilan kung bakit mas lalong nagustuhan kita.
Mga ngiti mong sobrang ganda at kakaiba,
Wala ng makapapantay pa.

Makikislap mong mata,
Pagtinitigan ako'y para akong maiistatuwa.

Inaabangan kita,
Lalo na kung gabi na.
Hanggang tinggin nalang ba
ang aking makakaya?
Natatakot na umanin dahil
baka iyong hindi gustuhin.

Kaya kang harapin,
Kaya rin kitang kausapin,
Ngunit may maisasagot kaba kung tatanungin kita
kung pwede kang mapasaakin?.

Dark Marks.Where stories live. Discover now