Sisimulan ko ang tulang ito,
Sa katagang "Aking ginoo".
Di ko alam kung bakit,
Ngunit kapag ikaw sakin ay lumalapit,
Lalo ako sayong naaakit.Oo alam kong mali dahil kaibigan kita,
At hanggang kaibigan lang naman tingin mo sakin diba?
Ngunit puso ko'y di maaawat,
Kapag naririnig ang iyong tinig ako'y natutulala,
Mga puso ko'y parang kumakawala.Pagsumusulyap ka sakin ginoo,
Parang matutunaw ako,
Presensya mo na nagiging dahilan ng
pagbilis ng tibok ng puso ko,Mga ngiti mong tila litrato,
Nag papabalik-balik sa isipan ko,
Mga tinig mong tila musika sa pandinig ko,
Parang sirang plaka na di tumitigil hanggang sa pagtulog ko.Ngunit isang araw,
Ikaw ay aking natanaw,
May isang magandang babaeng kasayaw.
Di ko alam kung bakit ako nasasaktan,
Kung nararamdaman ko sayo'y isang pag-hanga lang naman.Habang pinapanood ko kayong masaya,
Puso ko'y parang rosas na unti unting nalalanta.
Wala sa sariling humahakbang papalayo,
Habang nakayuko.Nahiga sa duyan na nakatali sa ilalim ng puno,
Habang mga hula ko'y tumutulo.
Dulot ng walang tigil na pagtangis ako'y pansamantalang nakatulog.Oh diyos ko nananaginip lang ba ko?
Iniwan mo sya para lamang pumunta dito?
Oh ginoo,ako ay nahulog na ata sayo,
Sanay ako nalamang at hindi iba ang pinapantasya mo.Mahal ko maaari bang takasan natin ang mundo,
Sa kung saan ikaw lamang at ako,
Hayaan mong mahalin kita hanggang sa lahat ng makakaya ko,
Mamahalin kita higit pa sa sarili ko.
YOU ARE READING
Dark Marks.
RomanceA short poem written by me, I'll be happy if you all like it. "walang pangit na tila sa taong marunong umunawa".