Mahal kong buwan

9 5 0
                                    

Napakalayo mo kung aking titingnan,
Napalilibutan ka ng mga butuin at ulap
sa kalagitnaan ng kadiliman,
Ikaw ba'y hindi na lulumbay?
Wag kang mag alala't balang araw ako'y dadalaw riyan.

Tuwing gabi ikaw ay aking inaabangan,
Inintay kung anong hugis ka masisilayan,
Pero kahit anong hugis ka man,
Kay sarap pa ring pagmasdan.

Musika sa katahimikan mo'y aking mas lalong nadadama,
At isip ko'y na dadala,
Problema ko'y nalilimutan kong pangsamantala.
Ika'y kinakausap sa tuwing ako'y pagod na pagod na,
Walang mapagsabihan na tila ba buong mundo,
Di pa ako nagsasalita ako'y hinuhusgahan na,

Sa tuwing nakakaramdam ako ng kalungkutan,
Nandiyan ka para ako'y bantayan.
Tangging ikaw lang din ang nakakikita
sa mga gabing ako'y lumuluha,
Nagmumuni-muni at naghihinuha,
Kaya naman ako'y nalulungkot pag hindi kita nasisilayan,
Wala sa sariling akong napapaisip,
Maaari ka bang manatili ka nalang sa aking tabi?

Mahal ko dito ka na lang,
Nais ko sanang ika'y sandalan,
Kaya huwag ka muna sanang lumisan,
Nang ako'y hindi mag isa na mukhang tanga'ng nakatitig sa kawalan.

Dark Marks.Where stories live. Discover now