Chapter 2

2 1 0
                                    

Tattoo

"Xyrio Montero? Sounds... unfamiliar," Kurt says. He looks curious. Actually, lahat sila ay mukhang curious sa kung sino man si Xyrio Montero.

I suddenly feel bad. I perfectly know that lying is not a good thing, but I still lied. Pinatungan ko lang ng panibagong kasinungalingan iyong sinabi ni Millie.

"Unfamiliar kasi hindi kilala sa lipunan. As simple as that," Drixie says.

Yumuko ako at dinampot ang baso ng wine na binigay ni Millie sa akin kanina. I down it in a few gulps just to release my personal tension. Naubo pa ako nang dahil doon. Millie hands me some tissue.

My eyes are on me when I looked up. It seems like they are waiting for some more explanations about the guy I just mentioned.

"Uh... he's... a s-simple man," I answer, silently praying that they will just let this go. Hindi ko na alam paano ko pa papatungan ng panibagong kasinungalingan ang sinabi ko. I just want them to open another topic right now.

Drixie smirks. "That explains it. A nobody for nobody."

Millie scoffs. "Look who's talking! Bakit Drixie, kailan ka ba naging somebody? E nobody ka rin naman ah?!"

My goodness! Heto na naman sila.

Nabaling na sa kanila ang atensyon ng lahat. Yes, I want their attention to be diverted, but not this way.

"Bakit ka ba sabat ng sabat ha, Millie? Can you just shut up and mind your own business?!" Drixie almost yells.

"E bakit ka rin ba ganyan magsalita, ha, Drixie? Akala mo naman ang tayog mo!" Millie fires back.

"Tumigil na nga kayong dalawa!" Eiren butts in, stopping them. "Para kayong mga bata!"

"E ayaw tumigil ng dalawang 'to e. Nakakaurat ang mga pag-uugali!" si Millie habang tinuturo sina Drixie and Janine.

"Anong kami? Ang sabihin mo, ugaling squammy ka at masyadong pakialamera!" si Drixie.

"Anong sabi mo?" Akma ng susugod si Millie pero agad ko siyang hinawakan sa kamay. I shake my head when she glances at me.

"Fuck! Ganyan na ganyan na kayo kahit noong mga high school tayo," sabi ng isa pa sa mga kaklase namin. "Hindi man lang kayo naka-move on sa mga bangayan niyo."

"Sa totoo lang," segunda naman ng isa pa. "Girls, matuto tayong umunawa at magpatawad."

"Ayoko nga," mataray na sagot ni Millie at humalukipkip. "Hindi deserve ng dalawang 'to ang mapatawad."

The two ladies roll their eyes at Millie as they murmur something incomprehensible.

"Come on, guys! This reunion is organized for us to catch up and have fun. Pero sinisira niyo lang," Oliver butts in. "Drixie and Janine, stop low-key bullying Inara." The two ladies roll their eyes again as they walk away. Pareho silang tumayo at pabalyang umalis sa mesa. Napailing na lang si Oliver sa naging mga kilos nila. "And Millie, habaan mo naman 'yang pasensya mo. Huwag puro init ng ulo ang pinapairal mo."

Millie rolls her eyes, too. "Pasensya Olly pero hindi ako garter," sabi niya bago tumayo at naglakad din paalis.

Tanging iling ang nagawa ng mag-boyfriend na sina Oliver at Eiren. I feel bad for them. Pagod sila sa pag-organize ng reunion na ito kasio ganito lang ang nangyayari. I am thinking, kung hindi siguro ako pumunta, walang mangyayaring ganito.

"I'm sorry," I say, almost a whisper.

Eiren reaches for my hand and gives it a squeeze. "It isn't your fault, Inara. They are just childish."

I'm No Longer FictionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon