TRAVEL 2: Bahay

3.7K 72 2
                                    

🍿🍿🍿

"Hoy tabe! Tabe!" narinig ko ang isang sigaw ng lalaki sa kalye dito sa labas. Hindi ko napansin agad ang paparating na bisikleta sa direksyon ko. Nataranta ako sa bilis noon kaya pumikit na lang ako at hindi na nakagalaw. 

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin sa tiyan at itinabi ako sa gilid. Sobrang kaba ang naramdaman ko dahil akala ko, mababangga na talaga 'ko. Habol-habol ko pa ang hininga pagkatapos noon. Napahawak ako sa noo ko. My goodness!

"Ano ka ba?! Talagang hindi ka naingling tumabi man lang, no?! Pumasok ka na nga lang sa loob!" pero sa halip na pumunta na sa loob ay naiwan akong natigilan. Tinitingnan ang mukha ng kaharap ko at wala akong pakialam sa pagsigaw niya kasi . . . ang cute cute niya. Tiningnan ko pa ang bawat anggulo ng mukha niya.

"Aba! At talagang hindi ka susunod?!" hindi ako makasagot dahil hindi ako makapaniwala. Bakit ganito ang itsura niya? Hindi naman siya cute tingnan ah.

"Hoy! Ano na Rhayne? Hindi ka talaga papasok? Isusumbong kita kay papa. Tamo!" natauhan na lang ako ng ilang beses niya 'kong sigawan. Pero kinapa ko ang pisngi niya para makasigurado. Pero mabilis niyang tinabig iyon.

"Napapaano ka ba, ha!? Kanina ka pang hindi makausap ng maayos. Ma! Pa! Ang anak niyo, crush ata 'yong lalaking nagbebenta ng dyaryo!" nanlaki ang mata ko sa sigaw niya.

"Hoy, hindi totoo 'yan, ha!" nang makasagot ako ay tumingin siya sa akin.

"Talaga lang, ha? Susumbong naman kita mamaya. Babalik ako dito at hahanapin ko sina mama. Humanda ka na," pananakot sa akin ni kuya Patrick.

Naitapat ko ang palad ko sa bibig ko at hindi talaga makapaniwalang ang cute ng mukha ni kuya. Anong nangyari sa kaniya? At saka anong ibig sabihin nito? 

Tiningnan ko ang harap ng bahay at maging ang mga katabi pa nito. Napansin ko rin ang pagiging tahimik ng lugar lalo na dahil wala masyadong dumadaang sasakyan. Puwera sa bisikleta.  

"Oy, Rhayne! Laro tayo mamaya!" nakita ko ang isang babaeng sumisigaw sa terrace nila na katabi mismo ng bahay na 'to. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Excuse me? What did you say?" nagtaka ang mukha niya.

"Wow. Inglesera ka pala. Basta mamaya ah, tawagin ko rin sina Wena, Sophie, at Jax. Laro tayo ng piko." Mas lalong kumunot ang noo ko at akmang pupuntahan ang batang ito ng dahil sa kabastusan niya. Hindi man lang ako iginalang! 

Pero hindi natuloy dahil naramdaman ko ang kamay na humawak sa tenga ko.

"Aray! Ouch! It hurts!" tiningnan ko kung sino pero walang iba kundi si kuya Patrick!

"At saan ka pupunta? Tatatakas ka pa? Makikipaglaro ka naman para hindi ka mapagalitan, ha?" 

"Ano ba kuya? Ang sakit!" sigaw ko at pagkatapos ay tinabig ang kamay niya pero masyadong malakas ang puwersa niya kaya hindi ko matanggal. Kainis! Narinig ko na lang ang pagtawa ng batang kakausapin ko pa sana. Humanda ka sa'kin mamaya kung sino ka man.


"Ayan na sila. Ma! Pa!" tumingin ako sa gawi na itinuro ni kuya Pat at napamaang nang makita ang dalawang mag-asawa na papalapit sa amin. Nabighani ako sa itsura ng mga magulang ko. Ang kinis ng mukha nila at ang aliwalas tingnan. 

"Oh. Pinapaiyak mo na naman ang kapatid mo, Patrick."

"Kasi ito pong anak niyo, may nagugus---"

"Tse, tse. Magsipasok kayong dalawa sa loob!" sigaw ni Mama na hindi nahiyang baka marinig ng mga kapitbahay. Tiningnan ko si papa at may hawak siyang mga pinamiling gulay, baboy, at mga prutas. Sinenyasan pa niya 'ko na makinig na lang.

Travel Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon