TRAVEL 16: Six

4.7K 76 13
                                    

Masyadong madilim pero sapat na para makita ang kaunting liwanag na nanggagaling sa buwan at tumatama sa bintana.

Unti-unti kong nakikita ang paligid at napansin kong kapareho ito ng apartment ko sa present. 

Nakabalik na 'ko?

Dahan-dahan akong bumangon sa kama ko pero may nahulog na tuwalya sa noo ko. Saka ko lang narealized na ang taas ng lagnat ko. Napansin ko rin na pantulog na ang suot ko.

Ngayon, kinuha ko ang cellphone na nasa side table ng kama at nakita ang message ni Dylan. Tiningnan ko rin ang time sa phone ko na ikinagulat ko.

January 06, 2023 / 11 pm

Hindi rin nakalagpas sa akin ang wallet na nakapatong sa side table. Hindi nagbago ang picture namin ng baby ko. 

Ibig sabihin . . .

Mabilis akong tumayo kahit nanghihina. Kumapit sa cabinet hanggang sa makarating sa pinto at agad na binuksan ito.

Pagdating ko sa sala, wala namang tao. Pero may narinig akong tunog ng gripo sa kusina kaya mabilis akong humarap.

Hindi ko na napigilang umiyak nang makita kung sino iyon.

Si Nay Puring. 

Pinipiga niya ang iba pang tuwalya na siguradong ipinunas sa katawan ko.

Nagulat siya nang makita ang presensya ko at hindi pa man siya nakakapagsalita, sinalubong ko na agad ng yakap.

"Bakit, ineng? Kamusta ang pakiramdam mo?" kinapa niya ang noo ko.

"Ang taas pa ng lagnat mo. Bumalik ka na muna sa kuwarto mo. Ikaw na bata ka, lalo mong pinapagod ang sarili mo. Kung hindi pa ko . . . " Sunod-sunod niyang salita at hindi ko na pinatapos dahil mas lalo ko lang siyang niyakap. 

Alam ko na ang nangyari.

Na panaginip lang ang lahat. 

Kaya pala ang gulo-gulo at may pa-transition effect pa. Minsan ay nakokontrol ko rin, hindi nga lang ako aware. 

Pero natatandaan ko ang detalye. 

"N-nay Puring," naiiyak kong sabi.

"Bitawan mo na muna ako neng at baka magkahawahan tayo. Matanda na 'ko." Agad naman akong napahiwalay sa kaniya.

"Sorry na, Nay Puring. Nanaginip lang ako ng masama," malungkot kong sabi kaya napabuntong-hininga siya.

Bukod sa si Nay Puring ang cook sa canteen ng company namin, siya rin ang landlady sa tinutuluyan kong apartment.

"Masyado ka kasing maraming iniisip kaya tuloy nanaginip ka ng ganyan." Hindi na 'ko nakaimik.

"Siya nga pala, mag-leave ka muna bukas at huwag mong pilitin ang katawan mo. Nireport ko na sa apo ko na hindi ka makakapasok," napangiti ako. 

Kahit na wala na kami ni Dylan, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa'kin. Itinuring niya pa rin akong apo.

"Sige na, sige na. Matulog ka muna para maibalik na ang lakas mo bukas." Hinawakan niya ang pisngi ko na puno ng pag-aalala kaya tumango ako at pumasok na sa kuwarto.

Gustuhin ko mang tawagan sina mama pero siguradong tulog na sila.

Ilang oras pa bago sumapit ang umaga pero hindi na 'ko natulog. Natatakot akong kapag ipinikit ko ang mata ko, managinip na naman ako. Ayoko na.

Kaya tinapos ko na lang ang trabaho ko.

***

Sumikat na ang araw at ramdam ko namang nawala na ang lagnat ko. I took a shower and put on my clothes.

Travel Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon