Enimies

26 4 1
                                    

S A K I

2nd grading na. Me and Yuki are very good friends. Besides, nabago yung iba kong ugali. Siguro nakita ko na talaga yung genuine at friend type ko.

Pero hindi pa rin ganoon kabago yung ugali ko in public. Ganoon parin ako sa iba, cold and no expressions at the same time. Lagi lang si Yuki kausap at kasama ko.

Ngayon ay nandito lang ako sa classroom at nagbabasa ng libro, PE class ngayon at nagpasya akong mag paiwan dahil tinatamad ako at wala akong hilig sa sports.

Maya maya pa ay biglang dumating si Yuki at tumabi saken habang nanggigilid yung luha.

"Oh? Anong nangyari?" tanong ko kay Yuki. Tapos ininaba ko muna sa desk ko yung libro na binabasa ko.

Hindi palatago ng expression si Yuki, masyado siyang totoo sa sarili. Kung gusto niyang umiyak iiyak siya kahit na maraming taong nakapaligid.

"K-kase.. I-inasar niya ko! Huhuhuhu. Saki!" sumbong niya saken. Tapos tuluyan ng labas yung kinikimkim niyang sam ng loob.

Urgh! Pag ako nagkaibigan, ayokong ayoko sa lahat ay yung may nang aaway rito.

"Sino gumawa sayo niyan?!" nagpipigil kong sabi.

"S-si.. Ryu! Taga 4-B" sabi niya tapos lalo pang nilakas yung iyak.

*KRINGGGGGGGG!* (School Bell: Lunch Break.)

"Wait lang Yuki, CR lang ako saglit. Wag kang aalis dyan ha?" sabi ko tapos tumayo dali daling lumabas sa classroom namen para pumunta sa Classroom ng 4-B

Sorry Yuki pero gusto ko talagang makausap ng personal yung Ryu na yun.

Nang makapunta na ako sa Class 4-B ay dinabog ko agad yung pinto, wala akong pake kung may teacher. At maswerte ako ngayon dahil walang teacher.

Napatingin saken lahat ng estudyante ng Class 4-B. Yes, nandito pa silang lahat.

"Sino si Ryu?" halatang galit ako pero malamig ang pagkakasabi ko at walang ka-ekspresyon ekspresyon sa mukha.

Nagkatinginan naman yung iba. Tapos lahat sila napatingin sa isang lalake. Naka headphone habang may bunabasa na kung ano at tila bang walang pakielam sa nangyayari at wala ring pakielam sa mga sinabi ko.

Lumapit ako sa kanya. Hanggang sa paglakad ko ay sinusundan nila ako ng tingin. Hanggang sa makalapit ako kay Ryu.

Binigla ko ang paghawak sa kwelyo niya pataas paraan para magulat siya. Nanlaki yung mata niya.

"Ulitin mo lang na paiyakin uli yung bestfriend ko.. Hindi mo alam kung anong pwedeng magawa ko sayo." malamig kong sabi.

Nakatingin lang ako sa mukha niya na malapit ng kaunti sa mukha ko. Napansin kong may itsura naman siya kahit papaano pero wala akong pakielam kung ganyan naman yung ugali niya. Tsk! Nakakahiya.

R Y U

Umalis na yung Physics teacher dahil lunch na. Kame naman nandito parin sa classroom dahil may meeting kameng class 4-B, kakausapin kame ng president namen na nasa Office. Ewan ko sabi nila Jacob may ia-announce lang raw saglit.

Sila lahat ay may kanya kanyang grupo, mga nagdadaldalan, nag haharutan, nag kakantahan, nag aayusan ng buhok, at kung ano ano pa. Ako naman nagsa-soundtrip lang habang nagbabasa ng Comics..

Tapos biglang tumahimik ewan ko kung bakit. Pero ako basa parin ako ng basa, nasa may climax na kasi ako kaya wala na akong pakielam basta basahin ko lang tong comics ko ng biglang may humablit sa kwelyo ko patayo, medyo nasakal ako. Pagkita ko sa gumawa sakin nun ay... Nakita ko na to ah? Hindi ko lang alam kung saan.

Jail Booth (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon