Camp[B]

11 2 0
                                    

Author's Note:
Hi guys! :) Masyadong mahaba yung "Camp" chapter kaya naman eto na yung kasunod niya. Hope you like it!

✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁✁

{{ Saki's POV }}

Magising ako ng maaga dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kung sasama ako o hindi. Halos ilang oras lang yung pagkakaidlip ko. Maaga rin akong nagising dahil vibrate ng cibrate yung phone ko at kung minsan eh nagri-ringtone.

Nakatanggap ako ng 50 missed calls kay Ken, 43 texts naman kay Koji, 115 calls and 31 texts kay Sato, 3 missed calls at 38 texts naman kay Yuki, 1 text at 2 missed calls naman kay Okada. Wow ha? Ano pa bang aasahan ko kay Okada tipid nun e.

At kay Ryu? WALA! WALA NI ISA. Kahit man lang tuldok. Tsk! Pulubi yun e. Walang load. Amp! Kung sino pa yung-- tsk! Wag na nga.

Naisipan lo munang bumaba para uminom sa tubig ng madatnan ko si Papa na nasa sala habang umiinom ng kape at nanunuod ng balita. At si Mama naman na naglilinis.

6:35 na rin naman at wala silang pasok dahil Sabado. Kaya naman maaga silang nagigising (well, kahit weekdays din naman) para maglinis ng bahay.

"Good morning po." bati ko sa kanila. Tumango naman si Papa.

"Oh baby, mag breakfast kana. May sopas dyan." sabi ni mama habang hindi lumilingon saken at nakatuon lang ang pansin sa pag da-dust ng mga babasagin.

"Okay po." sabi ko tapos umupo na at sinumulang humigop ng maiinis na sabaw ng sopas.

"Nak, linisin ko na yung kwarto mo ah." sabi ni Mama at akma ng tataas ngunit hinahantay niya nalang yung sagot ko.

"Sge po, Ma!" sabi ko. At ipinagpatuloy ko nalang yung pagkain.

Maya maya bumaba si Mommy ng may hawak hawak na papel. Hmm, ano kaya yun? *shrugged*

"Nak ano to?" kontrobersyal(?) sa tanong ni Mommy. Lumapit naman sa kanya si Papa at tiningnan yung papel na hawak ni Mama.

"May lakad ka ngayon nak?" Tanong ni Mama.

Napaisip naman ako. Lakad? Wala naman.

"Wala naman, Ma." sabi ko.

"Eh ano to, Nak?" sabi ni Papa sabay taas ng papel na binabasa nila kanina.

Napatingin naman ako at--HUWAT! Dali dali akong tumakbo para kunin yung Slip dun sa Camp Thingy. Hindi dapat nila to nakita!

"A-ah. Wala to Ma! Pa! N-nag kamali lang sila ng ano. Ng, lagay ng year dito. Last year pato. T-tapos hindi rin naman natuloy to kase na re-Sched." bulol bulol kong paliwanag tapos itinago sa likod ko yung papel.

"Ay nako nak. Wala kang maloloko dito! Alam na naman ikaw. Nagsisinungaling ka!" sigaw ni Mama. Hindi siya galit, mukhang excited pa nga siya e.

"Oh sige na. Pagayakin mo na yung anak natin. At ang nakalagay 7:30 ang alis ng bus." sabi naman ni Papa.

"Honey, ikaw na bahala dito sa mga damit ng anak natin!" utos ni Mama kay Papa. Agad namang tumakbo si Papa papunta kwarto ko.

Naguguluhan na ko. Hindi pwede! Da't itinago ko na yung papel na yun pinunot sa simula palang.

Sinabi na nga ba't ganito ang mangyayari kapag nalaman nila 'to eh.

"Ay nako baby! Maligo ka nalan at paglabas mo ng Cr ay nakaready na ang lahat!" Masayang masayang sabi ni Mama tapos tinap niya yung magkabila kong balikat at tumakbo pa papuntang kusina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jail Booth (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon