Nakauwi na si Klay pagkatapos bisitahin si Ate Sisa sa hospital, malayo rin kaya napagod narin si Klay, ng malapit na siya makapasok sa loob ay ang unang napansin niya ay nakahandusay na tao sa lamesa.
Hindi mapigilang nagkunot ulo si Klay ng bitawan nito ang kaniyang mga hawak-hawak, at marahang lumapit
"Fidel?" Tanong nito ng mapansin si Fidel pala ang nakahandusay sa lamesa...
Napatingin siya sa paligid, pinasok din niya ang loob ng bahay para hanapin si Ibarra or si Kuya Andong, ngunit wala itong maganap na kahit sino.
Napagtanto niya na baka nasa silid ni Ibarra ito, kaya ng ito'y lumapit sa silid ng ginoo, ang unang narinig nito ay ang boses ng dalwang lalake.
Elias.
Andito rin si Elias, tumango na lamang si Klay at pumunta ulit sa kinaroroonan ni Fidel
Nagbuntong hininga na lamang nito ang pigura ng lalakeng nag-open ng nararamdaman nito kaning umaga lamang, ng lumuhod ito para gisingin ang mestizo
Malapit na niyang hawakan ang mga mukha nito ngunit natigilan ng makita ang maamong mukha nito habang natutulog
Tumingin na lamang dito si Klay, hindi mawari kung saan nanggaling ang swapang at panatag na ugali nito kung ganito ito ka inosente habang natutulog.
"Aking pinakamamahal na binibining Klay" bulong nito
Ah, ngayon napagtanto na ng dalaga kung bakit nag-inom ang mestizo dahil sa rejection na ginawa nito sa kaniyang nararamdaman
Lumingon si Klay sa ibang lugar upang huminga, at hinawakan ang balikat ng ginoo "Fidel, gumising kana, lumipat kana sa silid upang lalo kang makapagpahinga" ani nito.
Ngunit wala siyang narinig na sagot, kundi ungol lang ng ginoo
Wala ng nagawa si Klay kundi buhatin si Fidel sa kwarto nito, wala naman siyang alam na pwedeng silid na maaring pagpahingahan ng ginoo, maliban sa silid nito
Matutulog na lang siya sa upuan.
Isa lang ang masasabi ni Klay, mabigat si Fidel, dahil maliit lang siya nahihirapan ito na buhatin ng maayos ang lalake, ng maabot niya ang pintuan, muntikan pa silang matumba dahil sa biglang pag-ilang nito
Buti na lamang at nakahawak sa Klay sa pader para sa suporta, ng maabot nila ang higaan, inihandusay na lamang ni Klay si Fidel at huminga ng malalim
"Magpasalamat ka sakin ah! Iinom-inom kase di naman kaya" Kumento nito ng inayos niya ang higa ng lalake upang mas komportable itong makatulog, dahan-dahang tinanggal ang kaniyang sapatos at nitong sobrang damit
Ng malapit na matapos si Klay natigilan ito ng makita ang titig na binibigay sa kaniya ng ginoo, na palunok ito, at itinuloy ang kaniyang ginagawa.
"Isa ka bang anghel? Nasa langit naba ako?" Tanong nito
Napaikot mata si Klay sa tanong nito "dati bruha ngayon anghel? Grabe na ha" kumento nito
"Nanaginip ka lang" sagot nito.
Napahinto at natigasan ng maramdaman ang mga kamay ni Fidel sa kaniyang mga pisngi "kung sa ganun ay kahit sa panaginip ay naririto ka, aking Binibini" kumento nito
Ngumisi na lamang si Klay at lumayo sa hawak ng ginoo, ngunit imbis na ito ay makalayo, natagpuan na niya lamang ang sarili sa bisig ng lalake "Aking Binibini, mas mainam na ito ay isang panaginip lamang sapagkat ay naririto ka sa aking tabi" ani nito.
Natigilan na lamang si Klay at tiningnan ang mga unan at marahang huminga "Andito ka sa aking tabi, hindi kasama ni Crisostomo, ni Maria Clara, at kahit ni Aling Sisa, naririto ka sa aking bisig" sunod na sabi nito.
Napahawak si Klay sa dibdib ng lalake, ang pagtibok ng puso niya ay sobrang mabilis na parang may hinahabol na ano man, ang kaniyang paghinga ay patigil-tigil.
Nararamdaman niya ang paghaplos ng mga kamay ni Fidel sa kaniyang ulo "Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan ng makita kang kasama ng aking amigo, laging nakangiti" sunod ni Fidel
Nagpwersa na si Klay upang lumayo sa bisig ng ginoo, ngunit na namali ito ng posisyon at mas napalapit pa ito sa mukha ng lalake.
Nagkatitigan ang kanilang mga mata, magkakasalungat ang paghinga, ilang pagitan na lamang ang kanilang mga mukha
Napahawak si Fidel sa kaniyang mga pisngi sa pangalawang pagkakataon
"Binibini... mahal kong Klay... patawarin mo ako at patawarin ako ng kalangitan kung hindi ko na mapipigilan pa aking sarili."Taimtim na sambit ng ginoo na tila umuusal ng panalangin. Sa wakas ay nakatitig ang ginoo sa dalaga. Nagpapalipat lipat ito na tingin sa kanyang mga mata at labi.
Marahang hinawakan ni Fidel ang kaniyang mga labi, at masidhing pingdikit ang kanilang mga labi, malambot ang kaniyang paghalik sa dalaga, puno ng tamis at pag-aalaga.
Hindi mapigilan ni Klay na lumapit at ibalik ang halik, ang halik na nanggaling sa taong nanggaling pa mismo sa taong nagmamahal sa kaniya
Ito ang una niyang halik
Fidel Reyes y Maglipol, ang taong lagi na lamang niya kaaway simula pa nung una, tuwing nagkikita sila, ang simpleng usapan lang ay nauuwi sa awayan.
Ang lalakeng anjan na lang lagi sa tabi niya para bigyan ito ng alalay, pagprotekta, pag-aalaga.
Lumabas ang mga luha ni Klay sa kaniyang mga mata, mga luha na hindi niya na mapigilang lumabas.
Napahinto si Fidel at nilayo ang kaniyang mukha, nanlaki ang mga mata nito ng makita ang pag-iyak ng dalaga, masidhi niya itong pinunasan.
"Mahal, bakit ka tumatangis? Patawad... patawarin mo ako sapagkat nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin. Binibini, iginagalang ko ang iyong pagkababae. Hindi ko sinasadya..."
Bakit? Bakit siya humingi ng tawad? Wala naman siyang kasalanan eh, ang kasalanan niya lang ginawa ay ang magmahal ng tulad ko.
Umiling si Klay
"Hindi, I was supposed to be saying sorry to you Fidel, I'm sorry kase natatakot ako na mahalin ka, pano kung sinagot kita tapos nung masaya na ako, bigla na lang akong nagising at wala kana sa tabi ko?" Ani ni Klay
"Mahal ko, hindi mo kailangan matakot kaya kong mag-antay ng kahit gaano man katagal para lamang matutuo kang ibalik ang pagmamahal ko sa iyo" Sambit ni Fidel
"Hayaan mo lamang akong mahalin ka. Kahit walang kapalit. Kahit hindi pa ngayon o sa hinaharap. Sapat na sa akin ang hindi mo paglayo, aking mahal. Please, just stay with me. Nang maalagaan at maprotektahan kita. Maaari mo ba akong pagbigyan, sinta ko?"
Hindi mapigilan ni Klay na pagdikitin ulit ang kanilang mga labi at yakapin ng marahan ang ginoo, naramdaman niya ang mga kamay nito sa kaniyang batok, marahang hinahaplos habang hinihila ang isa't isa papalapit sa bisig ng ginoo.
Sa dalawang magkasintahan na natutunaw sa pagmamahalan ng isa't isa, nagmamahalan at nagpapahalaga sa isa't isa.Ang maliwanag na buwan at mga bituin sa langit ang saksi ng kanilang pagmamahalan noong gabing iyon
##############
"Napagtanto ko na-" nahinto si Elias ng mapansing hindi mapakali si Ibarra
"Ayus ka lamang ba Senor Ibarra?" Tanong nito
"Si, Si, hindi ko lamang mabatid ngunit, napakasakit ng aking ulo at nahihilo na lamang ako bigla" kumento nito habang tumitingin sa paligid.
YOU ARE READING
Filay Oneshots.
RomanceDescription of the story; • 18+ • Smut can be included but not much • Request are allowed • One Story for a whole chapter.