New Student

837 18 8
                                    


May bagong estudyante, naririnig ni Klay ang mga tsismis nito

At ang nasabing estudyante ay apo ng kanyang propesor, si Barry Torres.

Hindi niya inaasahan na may pamilya pala ang professor niya, I mean hindi siya open man, hindi niya pinag-uusapan ang pamilya niya, kahit nasa loob siya ng novel.

Ang alam ko lang namatay ang asawa niya, malamang may anak na bago mangyari ang aksidente

Anak, buhay pa si Basilio, ang anak na kanyang itinatangi bilang kanyang sarili, ang anak na kanyang minahal bilang kanyang sarili.

Ang nobela, matagal na niyang hindi naisip ang nobelang iyon, malamang 32 oras?

Pero gayunpaman, gusto ko pa ring bumalik para sa mga taong minahal niya.

Crisostomo, na parang pangalawang ama, kapatid, kaibigan, at mabuting miyembro ng pamilya

Si Maria Clara, ang kanyang mitukaya, ang kanyang kaibigan, kapatid na babae, ang kanyang soulmate

Si Basilio, na parang kanyang anak, ay itinatangi niya ang bata habang nakikita niya ang kanyang sarili sa kanya, nais niyang ibigay sa kanya ang mundo.

Si Elias, na naging mabuting kakampi, at tunay na kaibigan.

At ang huli, si Fidel delos Reyes, ang lalaking minahal niya, ang lalaking laging nandyan para sa kanya, ang lalaking pinagsisisihan niyang iniwan, Nagsisi siya na kailangan niya itong iwan, nang hindi man lang sinasabi ang totoong nararamdaman para sa kanya.

"dzai? bakit parang ang gloomy mo dyan?" tanong ni Stacy sa kanya.

"Ano?"

"Gurl, ilang minuto ka ng nakatitig sa librong yan" sagot ni stacy.

Napailing si Klay habang nakatitig sa nobelang el Filibusterismo sa kanyang mga kamay.

"May iniisip lang ako" palusot ni Klay

"nag-iisip? iniisip mo ba itong lalaking ito? ang lalaking nagustuhan mo?" Stacy asked "Ano nga ulit pangalan niya? ah! Fidel!"

"So dzai, inlababo ka na talaga?"

"Alam mo Dzai? May klase pa tayo, tara na baka mapagalitan pa tayo ni Mr. Torres" iling ni Klay

"Sus, spill the tea na kase, sino ba kase tong Fidel nato? Hindi mo manlang tiningnan yung account niya?" Tanong muli ni Stacy

"Dzai, sabi ko sayo, wala siyang ganun" sagot naman ni Klay

"Jejemon ba yun? So mahilig ka pala sa old gen" komento ni Stacy

Natigil maglakad si Klay at tiningnan si Stacy, napaisip sa sinabi nito, tama naman siya, galing old generation si Fidel

"Of course" tanging sagot ni Klay

"omg so inlababo kana nga?"

"Class, today I would like you'll to welcome my grandson, Barry Torres"  Mr. Torres announce the name of his said grandson.

Nanlaki ang mata ni Klay, parang huminto ang oras, napakabagal ng eksena sa harapan niya, lalo na pagpasok niya.

Isang pamilyar na pigura ang pumasok sa kwarto, yung signature grin, yung mannerism na yun, naghahallucinate ba ako?

"Buenos Dias, let me introduce myself, my name is Barri Torres, I'm happy to be here in this class"

Napabuntong hininga si Klay, pati boses niya ay pareho.

"Apo, may kakilala ka ba dito? sinong pwedeng magpakita sayo sa buong campus?" tanong ni G. Torres

"Ako po, kilala ko po siya" Anika ni Klay habang nagtaas ng kamay

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Filay Oneshots.Where stories live. Discover now