Previously:
Ngunit tulad nang paglubog ng araw ay may mga bagay na hindi mo kayang pigilan, may mga bagay na kailangang mamaalam.
May aalis at may maiiwanan.
At sa tuluyan ngang paglubog ng araw ay ang kasabay nang pagtanggap sa katotohan na bukas pagkahapon, sa paglubog ulit nito ay hindi ko na siya kasama. Hindi ko na kasama ang minamahal kong si Aina.
_ _ _
Kinabukasan ay umalis na nga si Aina lulan ng isang traysikel.
Hindi na siya sinundo't ang sabi ay sa piyer na lang siya susunduin ng kapatid ng kanyang yumaong ina.
Bago siya umalis ay isang mahigpit na yakap ang iniwan niya sa akin.
Bilang ganti ay niyakap ko din siya bilang pabaon sa kanyang pag alis na nagsasabing maghihintay ako sa kanyang muling pagbabalik upang tuparin ang pangako namin sa isa't isa na hinding-hindi na kami maghihiwalay pa.
Hindi ko alam kong kailan ulit mangyayari ang dati. Hindi ko alam kung kailan siya makakabalik at makasama ulit habang tinitingnan ang paglubog ng araw. Lagi akong nangangarap at humihiling na sana bukas pagmulat ng aking mga mata'y nasa tabi ko na siya't kasama.--------------------
At lumipas ang ilang taon…
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Wala na akong balita kay Aina.
Nasa pangalawang taon na ako ng college at sa awa ng Diyos ay kinakaya ko naman sa tulong ni tita Sally na ngayon ay matanda na.
Sa tantsa ko ay siguro magtatapos na rin si Aina sa highschool at kung pwede lang sana ay batiin ko ito pero sobrang layo niya't hiling ko lang na sana ay nasa mabuting kalagayan siya kung nasaan man siya ngayon.
Nandito parin ako palaging pumupunta sa dalampasigan nagbabasakali na sa pagpunta ko doon ay makita siya doong naghihintay at tahimik na titingnan ang paglubog ng araw.
Nandito parin ako laging nagagawi sa baybayin at tinatanaw ang malawak na karagatan na nagpapaalala nang malayong agwat at distansiya namin sa isa't isa.
Nandito parin ako naghihintay sa buhanginan tuwing hapon nagbabasakali na sana ay may tumawag sa aking pangalan sa may likuran at pagtingin ko ay siya 'yun.
Pero wala....
Walang Aina na nandoon.
Walang Aina na tumawag.
Kahit nga noong unang anibersaryo ng kanyang ama ay walang Aina na bumisita. Kahit noong anibersaryo ng kanyang ina ay walang anino ni Aina na nagpakita.
Wala pang mga social media noon at tanging sulat at text lang ang meron kaya wala akong magawa kundi ang maghintay sa kanya.
Saan na kaya si Aina.
Kumusta na kaya siya.
Saan na kaya siya ngayon.
Naaalala pa kaya niya ako.
Yan ang madalas kong tanong habang tahimik na tinitingnan ang paglubog ng araw sa kanluran.
_ _ _Lumipas na naman ang mga araw, buwan, hanggang sa naging taon, at dekada pero walang Aina na nagbalik.
Marami na ang nagbago.
Marami na ang pagbabago na dala ng modernisasyon.
Ang dating ako ay may nakilala ng mga tao.
Nagbago na ang hitsura't pananaw sa buhay.
Marami na akong nakasalimuhang mga tao't nakilala na naging kaibigan ngunit isang tao lang ang lagi kong hinahanap.Nakatapos na ako ng kursong Human Resource Management under BSPA or The Bachelor of Science in Public Administration which is a four-year degree program designed to provide students with theoretical knowledge and practical skills in public sector management, policy development, and labor relations. It equips students with the fundamentals of good governance and policy analysis.
BINABASA MO ANG
Last Sunset With You
Historia CortaCael and Aina's bond is inseparable. Their promises of sticking together no matter how the odds goes beyond over the horizon where they used to spend their childhood days staring their forever favorite sunset. But just like the sunset, there's alway...