Stalker's Mistake

63 1 0
                                    

Any relevance in other stories are not connected.

This is not a true story of anyone.

Everything in this story that you're gonna read is purely came from my imaginative mind.

©©©©©©©

"K, mabuti naman na nag iisa ka. May kailangan kasi kaming sabihin sayo ni JC." biglang dating ng mga bestfriends kong sila Carmela habang palabas ako ng classroom.

"Dalian niyo lang kasi pupuntahan ko si Albie sa canteen." sagot ko.
Nagkatinginan silang dalawa, "Actually tungkol sa kanya sasabihin namin."
Nagsimula ng magsalita si Carmela. "Nakita namin sila ni Melissa kahapon na magkasama sa mall after class na magkaholding hands."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila. Wala namang ginawa sa kanila si Albie para gawan ng kwento.

"Ano ba kayo alam naman natin na close friends lang sila." Mali lang ng interpretasyon sila Carmela. Tama! Hindi ako lolokohin ni Albie. Mahal ako nun.

"Pero K.." Hindi natuloy ang sasabihin ni JC dahil hindi ko siya hinayaang magsalita pa.

"Ano bang ginawa sa inyo ni Albie kaya sinisiraan niyo siya sa akin? Bakit ginaganito nyo ko? Kaibigan ko pa man din kayo! Alam kong hindi na ako madalas makasama sa inyo pero naman huwag kayong gumawa ng kwento dahil naiinis na kayo sa akin dahil wala akong time sa inyo. "

"Alam mo gusto lang naman namin na maging masaya ka kaya hindi namin hahayaan na saktan ka ng Albie na yun. Kaibigan mo kami oo pero mas kilala mo kami kaya dapat hindi mo kami pinag iisipan ng masama. Mas marami na tayong pinagsamahan kesa sa lalaking yun. Ayaw namin makita ka isang araw na umiiyak at nasasaktan nang dahil sa isang lalaki na hindi worthy ng pagmamahal mo. Sana maisip mo na hangad lang namin e yung ikakabuti mo." Sinundan ko lang sila ng tingin habang palayong naglalakad.

Agad kong pinuntahan si Albie sa canteen para tanungin siya tungkol sa nalaman ko pero wala siya. Habang naglalakad ako sa may field nakita ko siya na may kausap sa likod ng puno. Hindi ko alam kung sino pero nang papalapit ako nakilala kong si Melissa yun. Napahinto ako at hindi sinasadyang narinig ko ang mga sinabi niya.

"Later babe. Excited na nga ako kung anong magiging itsura niya kapag nalaman niya kung bakit naging kami. Matalino nga kaya lang tanga. Wala siyang kaalam-alam na ginawa ko lang siya taga gawa ng mga projects ko para hindi ako bumagsak ngayong taon."

All these time, ginamit niya lang pala ako iiwan na lang kasi nakuha na niya ang gusto niya. Nagawa niya kong magmukhang tanga hindi lang sa sarili ko kundi sa mga bestfriends ko. Tama nga sila. Nagpadala at nabulag ako sa akalang talagang mahal niya ko sa mga ipinakita niya sa akin. Yun pala dahil lang may kailangan siya.

"Oh hindi ko na pala kailangan mag antay pa ng mamaya. Buti naman narinig mo na ngayon. Mabuti nang alam mo na. Hindi ko na kailangan magpaliwanag pa sayo." Mas lalo kong naramdaman na wala siyang pakialam man lang sa akin kahit na kaonti dahil sa mga sinabi niya. Wala siyang paki kung masaktan man ako. Talagang pinamukha niya sa akin na hindi naman niya ako mahal.

"You're so pathetic girl, you know that!?" Nakangiti pa si Melissa habang nagsasalita.

After I slapped his face tumakbo akong palayo. Patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko. I don't know where to go, hinayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan ako dadalhin. Sobrang bigat sa dibdib feeling ko any moment babagsak na lang ako. Napaupo ako dito sa isang classroon. Wala naman akong ginawang masama para mangyari sa akin to. Nalaman ko pang pati sarili kong ama nagawa rin akong saktan. Kung sino pa yung taong pinahahalagahan ko sila rin pala ang makakasakit sa akin.

Hindi ko namalayan na may panyo pala sa tabi ko. Inangat ko ang ulo ko para malaman kung sino nagbigay nito pero nakita ko na lang na may nakatalikod na isang lalaki na naka uniform, nakasuot ng rubber shoes, may hawak na bola at palabas na. Hindi ko alam kung kanina pa siya andito habang umiiyak ako. Hindi ko na siya nahabol pa. Napansin kong may initial sa panyo.




















Stalker's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon