The Past Truth

3 0 0
                                    


©©©©©©©

Nang sabihin nila JC at Carmela ang tungkol sa nakita nilang magkaholding hands si Albie at Melissa sa mall hindi ko sila pinaniwalaan. Paulit ulit lang nag pa-played sa utak ko yung mga sinabi nila.

"Alam mo gusto lang naman namin na maging masaya ka kaya hindi namin hahayaan na saktan ka ng Albie na yun. Kaibigan mo kami oo pero mas kilala mo kami kaya dapat hindi mo kami pinag iisipan ng masama. Mas marami na tayong pinagsamahan kesa sa lalaking yun. Ayaw namin makita ka isang araw na umiiyak at nasasaktan nang dahil sa isang lalaki na hindi worthy ng pagmamahal mo. Sana maisip mo na hangad lang namin e yung ikakabuti mo."

Tama pala sila pero nasaktan ko sila. Napagsalitaan ko sila ng hindi magaganda.

"Ano bang ginawa sa inyo ni Albie kaya sinisiraan niyo siya sa akin? Bakit ginaganito nyo ko? Kaibigan ko pa man din kayo! Alam kong hindi na ako madalas makasama sa inyo pero naman huwag kayong gumawa ng kwento dahil naiinis na kayo sa akin dahil wala akong time sa inyo. "

Mas naniwala ako sa lalaking akala ko totoong mahal ako. Narealized ko na hindi lahat ng nag eeffort mahal ka, yung iba kailangan lang nila gawin yun para maging makatotohanan ang trip nila.

Mas masakit lang dahil mismo sa bibig ng minamahal ko narinig lahat ng katotohanan.

"Later babe. Excited na nga ako kung anong magiging itsura niya kapag nalaman niya kung bakit naging kami. Matalino nga kaya lang tanga. Wala siyang kaalam-alam na ginawa ko lang siya taga gawa ng mga projects ko para hindi ako bumagsak ngayong taon."

Nagawa niya kong magmukhang tanga hindi lang sa sarili ko kundi sa mga bestfriends ko. Nabulag ako sa akala kong talagang mahal niya ko sa ipinakita niya sa akin. Yun pala dahil lang may kailangan siya.

Mas lalo kong naramdaman na wala siyang pakialam man lang sa akin kahit na kaonti dahil sa mga sinabi niya. Wala siyang paki kung masaktan man ako. Talagang pinamukha niya sa akin na hindi naman niya ako mahal.

"Oh hindi ko na pala kailangan mag antay pa ng mamaya. Buti naman narinig mo na ngayon. Mabuti nang alam mo na. Hindi ko na kailangan magpaliwanag pa sayo."

Masama pa hinayaan lang niya akong pagsalitaan ni Melissa.

"You're so pathetic girl, you know that!?"

Kulang pa ang sampal na binigay ko kay Albie. Kulang pa yon sa kagaguhang ginawa niya.
Kahit papaano dahil sa isang panyo naibsan ng kaunti ang kalungkutan ko dahil sa may isang taong nagpahiram nito. Hindi ko man siya napasalamatan sa ginawa niya, atleast nalaman ko na may initial na DJ na tinulungan ako sa oras ng kailangan ko ng karamay. And I felt grateful for that.

+++++++

Pag uwe ko ng bahay nakita ko si Mom na nakaupo sa sofa. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dahil nakatalikod siya sa akin.

Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod niya. Ramdam ko ang higpit ng paghawak niya sa mga braso ko. Ayaw kong sabihin sa kanya ang nangyari sa school dahil sobra lang siyang mag aalala sa akin. Ayokong pati siya malungkot. Pagkatapos ay tinabihan ko siya pero nakita kong namumugto ang mga mata niya.

"Mom, what's wrong? Umiyak ka ba?" tanong ko.

Pagkatanong ko bigla na lang siyang nag iiyak sabay yakap sa akin. Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Nasasaktan akong makita siyang sobrang lungkot.

"What happened Mom? Si Dad?" I knew it was because of him.

For the past five months hindi na siya minsan nakakasabay sa amin sa dinner. Sasabihin niyang kumain na siya outside kasama client niya. Minsan late umuwi kasi marami daw ginagawa.

Ayaw kong isipin na may babae siya dahil alam kong mahal na mahal niya kami. Never niya kami ipagpapalit sa iba.

"I'm gonna be fine, we're gonna be fine anak." sabi niya sa akin. I don't wanna see her crying like this again.

"I know Mom. I love you." Makakayanan namin to kahit wala na si Dad.














Stalker's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon