©©©©©©©
"Bilisan mo pagtakbo mo! Kasi pag naabutan kita hindi ka na makakatakas sa akin." tumatawa niyang sabi sa akin.
"Tignan natin kung mahabol mo ko." sagot ko naman sa kanya habang tumatakbo.
"Sabi ko naman sayo Kathryn eh huwag kang magpapaabot sa akin kundi lagot ka pero naabutan pa rin kita! You're mine now!"
Napadilat ako bigla ng may nararamdaman akong yumuyugyog sa katawan ko. Isang panaginip lang pala, akala ko totoo na. "Mommy, ano ba! Bakit mo ginawa yun? Ang sarap-sarap ng tulog ko e! Hahalikan na ko eh!"
"Hoy Kathryn Chandria anong halikan sinasabi mo dyan? Nakung bata ka! Magpasalamat ka na lang sa akin na niyuyugyog kita dahil kanina pa kita ginigising dyan! Yang nguso mo humahaba habang tulog ka! Bumangon ka na nga! Anong oras na kaya!" Sabay hinila ako ni Mommy Mindy patayo.
Sayang naman yung panaginip ko. Andun na ko sa climax e hahalikan na sana ako hindi tuloy nangyari. Kainis naman si Mommy oh!
Oh shoot! Seven o'clock na pala ng umaga pagkatingin ko sa alarm clock ko. Isang oras na lang pasukan na kaya nagpunta na ako ng banyo para makaligo na at pagkatapos ay nagbihis na ng uniform. Nagmamadali akong bumaba at kumaen na lang ng tinapay.
"Mom pasok na po ako sa school. Ingat po kayo pag alis niyo rin." Hinalikan ko siya sa pisngi at agad na umalis.
Mabuti na lang may jeep na agad akong nasakyan isa na lang kailangan para makaalis na. Hindi na ako mag antay ng matagal kasi usually talagang pinupuno na muna ng sakay bago pumasada.
At dahil nga late ako, wala na kong nakikitang mga estudyante na nagpapasukan sa gate nang makarating na ako ng school. Napalingon ako ng may humawak sa balikat ko. "Kathryn sandali antay mo ko."
"Ginulat mo naman ako! Ano ka ba naman Daniel!" Kung kelan nagmamadali ako saka pa siya biglang sumulpot. Parang noon lang nung bigla siyang nagpakilala sa akin. Hindi ko alam na same year pala kami.
Para siyang kabute na bigla na lang susulpot kung saan. Tawag ko nga sa kanya butiks e kasi payatot siya noon parang butiki pero biglang nagkalaman ng kaonti at nagka-muscles. May pinapopogian siguro na kaklase.
DANIEL JAZZ
Kanina pa ako nakarating ng school pero hindi na muna ako papasok. Napatingin ako sa relo ko 8:00am na pala. Isang oras na akong nakatayo lang sa harap ng school. Papasok kaya yun? E never siya nagpapa-late.
Sa wakas andito na rin siya. "Kathryn sandali antay mo ko!" Hinawakan ko siya sa balikat niya.
"Ginulat mo naman ako! Ano ka ba naman Daniel!" sagot niya sa akin. Ayan na naman nakita ko na namang nag pout siya ng nguso niya. Mahilig siya gumanon kapag naiinis e. Bagay talaga sa kanya kapag ginagawa niya. Sarap tuloy niya laging bwisitin.
"Himala nalate ka? Bagong buhay na ba tayo dyan?!"
"Never akong magbabago! Nalate kasi ako ng gising kanina e. Ginising pa ako ni mommy para magising lang." Bakit kaya siya hindi maaga nagising? Napasarap ang tulog? Napuyat kaya?
Ah alam ko na! "Kathryn, siguro may napanaginipan ka kagabi kaya hindi ka kaagad nagising."
"Well yes it was true. It was a wonderful dream." sabi niya.
Maasar nga siya, "Sabi ko naman sayo huwag mo ko iniisip bago ka matulog e. Pinagpapantasyahan mo ko ah!"
Bigla niya kong hinampas, "Aray.. aray! Ang bigat ng kamay mo grabe. "
"You wish!" sagot niya sa akin. Sarap talaga niyang asarin.
Late na pala kami napasarap pa usapan namin. Kaya agad ko na siyang hinawakan sa braso para tumakbo papasok. Punctual siya masyado, ayoko masira mood niya kapag nalate siya. Ayaw niyang nahuhuli basta tungkol sa aralin kahit matalino naman siya. Talagang magtatanong yan.
Magkaklase kami ni Kathryn, last year na namin sa Kentucky National High School. Wala pa teacher namin. Fifteen minutes kapag wala ang teacher ibig sabihin absent na siya.
Anyway, second year ako nagtransfer dito kasi lumipat kami ng bahay nila Mama at Papa dito na sa Manila. Taga Baguio kami before pero naassigned si Papa bilang Architect sa Makati area kaya ayun dito na rin ako nag aral.
Matagal na kaming nag aantay sa pagdating ng teacher naming pero hanggang ngayon wala pa rin.
"Wala na ata si teacher. Past 15 minutes na oh." sabi ni Kathryn.
"Classmate absent na si Teacher!" sabay sigaw ko na kinahiyaw din ng mga kaklase.
BINABASA MO ANG
Stalker's Mistake
Teen FictionMy heart got broken. Kung yung iba nang dahil sa nasaktan, hindi na ulit magmamahal, AKO HINDI. Dahil alam kong meron isang tao na para sa akin. At nakita ko na siya.