Flashback 3 - Unknown Sender

4 1 0
                                    

©©©©©©©

"Hindi ah." Hindi naman talaga ako namumula di ba? Baka namali lang ng tingin si Carmela.

"Anong hindi e halata naman." Hindi talaga nga ata siya nagkakamali. Oo na nga!  Paano naman kasi nginitian ako ni Albie. Ang pogi naman kasi e.

May date pa raw kami tapos dalawang araw na lang Sabado na. E kung hindi ko na lang kaya siya siputin tutal naman wala siyang number ko, hindi naman niya alam kung saan ako nakatira para masundo saka wala siyang sinabi kung saan kami pupunta. Makakaligtas ako nito.

Natapos na yung mga nagdadrawing kaya isasabit ko na sa gallery bulletin. Habang naglalakad ako tumunog cellphone ko. Pagkatingin ko number lang hindi nakasaved sa phone book ko.

Unknown sender: Hi :) Kamusta?

Nakasanayan ko kasi na hindi sumasagot or nagrereply kapag hindi nakasaved sa phone ko. Uso pa naman budol budol gang kaya hinayaan ko na lang yung nagtext. Bahala siya sa buhay niya.

Unknown sender: Uy bakit hindi ka nagrereply? Busy?

Unknown sender: Sorry kung naistorbo ata kita.
Unknown sender: Paaalala ko lang kasi usapan.

Yan ang sunod-sunod ng nagtext sa akin. Hindi ba naman siya kalahating shunga, hindi siya naglalagay ng pangalan niya. Hindi ko siya rereplyan hanggang hindi niya nilalagay pangalan niya sa text niya. Kaya ayun silent ko na lang phone ko nakakainis kasi e.

Pabalik na ako ng booth namin nang nilapitan ako ni JC, "Ano ka ba naman K bakit hindi ka sumasagot"

"Ha?!" Ano naman kaya pinagsasabi niya. "Bakit ako sasagot? Tinatawag mo ba ako?"

"Hay naku K!" Yun ang sagot niya sa tanong ko? Anong klase yun?!

"Ano ba naman kasi yun JC?"

Napapailing na lang siya. Inatake na naman ata ng pagkasaltik.

"Yung text tinutukoy ko. Hindi mo ba natatanggap mga yun? Yung text ni Albie! O my gosh K!" Hay sus yun naman pala. Pero teka!

"Siya yung nagtetext sa akin kanina?! At paano niya nalaman number ko?"

Habang tinatanong ko siya, etong bakla na to nakangiti sa akin sabay nag peace sign. "Sorry ako nagsabi kasi sabi niya may date daw kayo kaya naexcite naman ako tapos ayun hiningi niya number mo."

"Tapos binigay mo naman!" dugtong kong sabi. Akala ko pa naman safe na ko. Wala na! Panigurado hindi titigil yung Albie na yun hanggang sa matuloy na talaga kami. Grrr JC!!!

"Oy ano pinaguusapan niyo dalawa dyan? Bakit hindi niyo sinasabi sa akin BFF tayong tatlo, remember?" Biglang dating naman ni Carmela..

"E kasi C s-si K m-may date!" Sige utal pa more JC.

"Daaaaatttteee?!!!!" Sa sobrang sigaw ni Carmela, nagsilapitan yung ibang estudyante sa amin at nakikichismis.

Nice one Carmela at JC napunta na naman sa akin atensyon ng lahat! Ano ba naman yan! Kanina sa marriage booth tapos eto ngayon! Great!

Buzz buzz buzz (Vibrate sounds) Pagkatingin ko sa cellphone ko,

Unknown Calling....

Kailangan ko ng sagutin ang tawag niya, ayoko naman isipin ni Albie na tinataguan ko siya, and besides pumayag na ko kasi isang date lang naman.

"Hello?" Lumayo na ako sa crowd para masagot ang tawag at walang mga asungot na makikinig. May nagtangkang lalapit sa akin buti na lang hinarangan nila JC at Carmela.

"Buti naman sinagot mo na kasi kanina pa kita tinetext eh. Baka hindi mo nababasa kaya tinawagan na kita." si Albie sa kabilang linya.

"Hindi ka naman kasi naglagay ng pangalan mo kaya bakit naman kita rereplyan." Gusto ko sanang sabihin sa kanya yan pero sinarili ko na lang.

"Albie di ba? Pasensiya na nakasilent phone ko kaya hindi ko alam nagtext ka pala." Nagsinungaling ako oo. Ayokong maupset siya pag sinabi kong sinadya kong isilent cellphone ko. Ayokong ayoko ko na nakakasakit ng damdamin ng iba dahil ayokong mangyari yun sa akin.

"Oo ako nga to. Sa Saturday nga pala sa Razons na lang tayo kasi sabi sa akin ni JC  na mahilig ka sa halo-halo e."

"Okay. Dun na lang tayo magkita ah para hindi na natin maabala ang isa't isa." sabi ko sa kanya.

++++++++

Salamat nakauwi na ko sa bahay. Sobrang ang daming nangyari kanina, nakakapagod paaayos naman natapos ang event tapos bukas walang pasok dahil sa nakagawian na after foundation merong mini party ang mga teachers.

Wala na rin akong iba pang iisipin dahil natapos na ang event. Hindi ko na kaya ang antok matutulog na lang muna ako kaya pumikit na ako. Pero bigla akong napadilat ulit dahil naalala kong may lakad kami sa Sabado. Isa pang iisipin ko, kung ano ba susuotin ko dahil ngayon lang may nag aya ng date sa akin. Wala akong idea kung anong mangyayari. Hay bahala na! May isang araw pa naman ako bukas para magprepare.

Stalker's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon