023

517 21 3
                                    

equina

"5 minutes left."

Nagmadali akong magcheck ng test paper at ng scratch ko pagkarinig noon kay Sir. Sobrang dami pa naman! We literally wasted four hours solving. Hilong-hilo na ako at nagugutom.

"Pass your papers forward and then sideward," sinunod namin siya at pagkatapos non ibinalik na namin sa dating pwesto 'yung mga upuan dahil pinag one seat apart niya kami.

Sir immediately dismissed us after collecting our test papers which I'm not sure if may sense. Kung ano ano lang din naman kasi nilagay ko doon sa akin kasi hindi ko na alam paano isolve. Ikaw ba naman dagdagan pa ng 70 pages na pdf a night before the long quiz! Even I who spent the whole night reviewing couldn't answer properly. Ang annoying lang sobra.

"Equina, sama ka sa amin, mall tayo!" Tanya tapped me on my shoulder.

Ngumiti ako sa kaniya nang bahagya, "Sorry, uuwi na kasi ako niyan. Next time!" But of course, that wasn't sure because I still feel kind of awkward around some of them.

"Next time ha! Aabangan namin 'yan."

Kumaway ako sa kanila habang palabas sila ng room. Nung nakaalis na halos lahat ng mga kaklase ko, nag ayos ako ng bag at nilagay ko 'yon sa armchair ko dahil gagawin kong unan. I swear, sobrang sakit talaga ng ulo ko! Parang tumitibok na nga e.

Zia and my other classmates said goodbye and left me alone at the classroom. Tinanong naman ako ni Zia kung okay lang sa akin na maiwan na, I said yes dahil kailangan kong umidlip kundi sasabog na ulo ko. Tsaka half day lang naman kami, ano pa gagawin ko sa ibang oras bukod sa matulog lang? But before that, I messaged Daziel and the others saying that I'm already done for the day. Hindi ko na inantay pang magreply sila, yumuko na lang ako sa armchair ko at pumikit.

I woke up when I heard someone strumming a guitar. Kaagad akong naalarma pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko, nagpanggap akong tulog pa rin. I got scared, of course! Naiwan ako mag isa sa room namin tapos bigla may nag gigitara? E pano pala kung kaluluwa 'yon ni Ernesto de la Cruz tapos sinusundo na ako?

Dahan dahan akong umayos ng upo at nag ayos ng buhok. I looked around to check the room. There were around 10 students inside. Nagulat lang ako nang makita si birthday boy na naglalaro sa phone niya. He was 3 seats away from me, sa harap ay nandoon si Henry—tahimik na nagbabasa. And Daron—he was at the back of the room. Surprisingly, siya rin 'yong nag gigitara at naghhum ng kanta ng Nothing But Thieves.

Favorite ko pa naman sila!

Natulala na lang ako sa ginagawa niya pero nung narealize kong ang tagal ko na palang nakatingin, tumayo na ako at lumabas nang hindi lumilingon.

"Bye, Equina!" rinig kong sabi ni birthday boy.

Kunot noo akong bumaba sa building namin para makauwi na. Ang weird lang! Bakit magb-bye si birthday boy sa akin, close ba kami? Baka nga hindi niya ako kilala!

Nakasalubong ko pa si Daziel na may kasamang classmates. Siguro pabalik na sila sa building nila tutal mag aala-una y media na.

"Hi," he opened his arms for a hug.

"Hello, loser," I replied. Tumingin ako sa mga kasama niya at nginitian sila na binalik naman nila. "Hello po."

"Musta long quiz?"

"Dead," sabi ko. "Feel ko bagsak ako malala." And I wasn't lying! I did so bad, nakakadisappoint. Sana pala natulog na lang ako or nanood ng kung ano man.

Daziel chuckled and made me face his friends, "Guys, si Equina." Hawak hawak niya ako sa balikat. Kinaway pa nga niya 'yung kamay ko kagaya nung sa mga laruan.

"Kapatid mo?" One of them asked.

Kadiri!

Palagi na lang kami napapagkamalan ni Daz na magkapatid kahit 'di naman kami magkamukha. But the amount of times we've fooled other people by saying we're blood-related is unbelievable. Baka mukha lang talaga akong generic younger sister kapag sila ang kasama.

"Sana," tumawa si Daziel. "Uuwi ka na diba? Wala ka nang pasok." Tumango ako sa kaniya.

See? He's like an older brother. Mabait naman siya e, sa chat ko lang siya inaaway dahil marami siyang kasalanan sa akin na hindi naman mabigat.

Trip ko lang talaga siyang awayin.

"Tutulog na ako," sabi ko. "Goodluck sa class!"

Daziel nodded. "Chat ka pag nakauwi ka na."

I waved at them before leaving. It was a strange day, really. I can't believe magkakaroon pala ng araw na nasa iisang room lang kami nila Henry pati nung iba. Ni hindi ko nga alam bakit sila nandoon e homeroom namin 'yon. At isa pa, kahit gusto kong ideny—nakakarelax pakinggan 'yung pagstrum ni Daron sa gitara.

Umiling ako. Hindi. Hindi pala. Nagustuhan ko lang naman dahil paborito ko 'yung kanta. Ayun lang. Kung iba ang tinugtog niya baka hindi naman ako natuwa.

invisible stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon