097

386 10 2
                                    

messenger

BSCE 3A Main

4:47 PM

AJ Orago
Bad news
( 😠‼️👎🏻 32 )

Florencio Ybañez
ano na naman yan jusko halos kakatapos lang ng midterms kahit ang tagal na non
( 😆😭👍🏻 21 )

AJ Orago
May good news din naman napaka ano niyo talaga kahit kailan
( 😆🤬😠 29 )

Rae Tesorio
ano ba kasi 'yan napakatagal pa
( 😭👍🏻😁 25 )

Shane Pajares
Ang tagal AJ shuta gold ka ba
( 😆👍🏻 27 )

AJ Orago
Talagang di makapag hintay
( 🤬😠👎🏻 31 )

AJ Orago
Okay good news: walang final exam sa DalFil
( 🤭😳❤ 20 )

Ang bad news, naaalala niyo ba 'yung ginawa nating dalumat-sanaysay ba 'yon na research? Ayon na daw gagawing defense
( 🤬😠‼️ 37 )

Jasper Izon
both are bad news IMO
( 😆👍🏻✊🏻 35 )

Rae Tesorio
eurt pota naman niyan
( 😆😭 33 )

Florencio Ybañez
call me STAYC cos my grades are going to be so bad
( 😭👎🏻😆 35 )

oh panis english yan
( 😆😭 21 )

AJ Orago
Basta ngayon pa lang daw pakiayos na ulit papers niyo ang dami pa namang mali at mag prepare dahil syempre bukod diyan may mga quiz pa rin, 'yon lang salamat good day 🤬
( ❤😔👍🏻 31 )

─────────────

telegram

mickey mouse crack house

4:52 PM

Florencio
kabadtrip naman gago yan

Daron
Can't we just take the exam?

Or defend our papers on our own
( 😆 2 )

Florencio
lipat ako sa group niyo @Henry

Henry
Suck it up
( 😆🤬 3 )

Florencio
ayaw mo na ba sa akin

sawa ka na ba sa 15 years nating pagkakaibigan
( 👎🏻 )

Henry
Stop being a drama queen
( 🤬😆 2 )

Florencio
LILIPAT LANG E DAMOT

tangina bakit ba kasi ako ginawang leader puta
( 😆 )

ayoko naman kila daron
gusto ko pero nandon si kurt e
( 😆 2 )

Daron
Rae is a part of our group though

Florencio
ayoko pa rin baka wala akong maambag non kakadaldal sa kaniya

Aki
sinong kurt?

Florencio
yung nakaaway ni daron last school year HQHAHAHAHAHAAHHA

Daron
In my defense, he was being disrespectful

I had to do it

Aki
bakit ano ba ginawa

Henry
He's an asshole
( 😆 3 )

Florencio
may groupchat kasi kaming boys ng section na hiwalay dahil ginamit namin yon dati pang surprise sa girls nung valentines tapos ba naman bigla bigla na lang magsesend pics ng mga babae sa ibang section at year

tapos sasabihin, "tignan niyo to oh," mga ganyan kahit mga pictures na nasa beach na wala naman dapat issue di pinalampas kala ata matutuwa kami

Aki
kadiri amputa

Florencio
totoo

tas yun inaway ni daron HAHAHAHAHAHAAHAH buti nga di si henry ang pumuna kundi wala na sa school yan si kurt (pero sana maalis)
( 😆 2 )

feeling ko nga din alam na ng girls kasi close sila aj at rae diba so baka nasabi, ngayon tuloy wala nang pumapansin sa kanya except pag may groupwork

except jaira pala

Aki
ano itsura niyan? wag lang papakita sa akin dahil baka masapak ko

Florencio
GAGO E WISH KO NGA NON SAPAKIN NA NI DARON

kaso wala mabait si daron

mental damage na lang binigay
( 😆 3 )

Daron
Baliw

I think my hand will be broken if I punched his face

Florencio
sa kapal ba naman ng mukha
( 😆 2 )

Florencio

lilipat na talaga ako sa inyo henry

Henry
No

Be a good leader for once

─────────────

Mayen Clarente
Active Now ●

5:05 PM

Daron Deloste
Mai

Mayen Clarente
Dare

Bakit?

Daron Deloste
Do we have a problem with our paper?

Mayen Clarente
Not sure

Pero nung last na check kasi doon ni ma'am may irerevise lang konti

Joke marami pala, sa part nila Kurt pati ni Jaira. Chat na lang ako sa gc mamaya

Bwisit naman na kasi yan nagmamarunong pa
( 😆 )

Daron Deloste
Okay thank you 😆

I'm close to abandoning this group actually
( 🤬 )

Mayen Clarente
Hoy grabe ka naman!

Alisin na lang talaga natin sila! Maawa ka sa amin ni Rae
( 😆 )

At goodluck ulit sa totoo lang, pinaka marami pa namang part inaako mo #butinalang 🙏🏻

invisible stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon